Press Release
April 25, 2024

Robin: Media Has Major Role in Preparing Public to Cope with Conflict

The media has a major role in helping the government prepare the public to cope with possible conflict.

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this late Wednesday after chairing a consultative meeting on the role of media in disseminating public information during times of conflict.

Padilla, who chairs the Senate Committee on Public Information and Mass Media, also disclosed plans to chair a similar meeting in the near future to define the role of social media during times of conflict.

"Kaya itong pagpupulong na ito napakagandang message nito, na nasa likod ng taumbayan ang media. Siyempre ang taumbayan, ang gobyerno nasa likod ninyo. Aasahan namin inform nyo kami kung anong hakbang ninyo at ang pinakamaganda, kami ang kakampi ninyo para sa taumbayan kasi yan ang kailangan eh (Our meeting today sends a good message, that the media and government are behind the people. We expect them to give us relevant and timely information, and to work together for the people)," he said at the hearing attended by representatives of government agencies and government and private media outlets.

"Ang taumbayan natin kahit anong sabihin natin handa yan magtiis at makipaglaban pero in the end kailangan ng leader niyan at kailangan ang gobyerno sa kahit anong panahon, maramdaman ng tao na nandiyan ang gobyerno maging kalamidad o maging giyera man yan, kailangan nakatayo ang gobyerno para malakas ang loob ng ating taumbayan (Our people are prepared to face danger but they need someone to lead them, and they need government especially during times of calamity or war. The government for its part must always make its presence felt so the people will remain strong)," he added.

Padilla asked the media to make sure its messaging in times of conflict will be geared toward peace.

"Kapayapaan pa rin. Kasi wala tayong makukuha sa conflict. Di naman siguro mahirap yan gawin na kahit tayo sinasabi natin ready kami, pero nandoon pa rin lagi na ang Pilipino mahal natin ang kapayapaan (Our messaging must always be peace because there is nothing to gain from conflict. We must be prepared for conflict but we cannot deny Filipinos love peace)," he said.

Meanwhile, Padilla said he plans to hold another meeting, this time with representatives from social media outlets, after resource persons cited the need to stop some social media personalities from disseminating unverified or exaggerated information - as well as to prepare against new threats like deepfakes.

"Sa susunod pupulungin namin ang social media (We will meet with representatives of social media next)," he said.


Robin: Malaki ang Papel ng Media sa Paghanda ng Publiko para sa Oras ng Tunggalian

Malaki ang papel ng media sa pagtulong ng gobyerno sa paghanda sa publiko para sa posibleng tunggalian.

Iginiit ito ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Miyerkules matapos ang consultative meeting sa papel ng media sa pagpapakalat ng public information lalo sa panahon ng tunggalian.

Balak din ni Padilla, ang tagapangulo ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na magkaroon ng konsultasyon para alamin ang papel ng social media sa ganitong panahon.

"Kaya itong pagpupulong na ito napakagandang message nito, na nasa likod ng taumbayan ang media. Siyempre ang taumbayan, ang gobyerno nasa likod ninyo. Aasahan namin inform nyo kami kung anong hakbang ninyo at ang pinakamaganda, kami ang kakampi ninyo para sa taumbayan kasi yan ang kailangan eh," aniya sa pagpupulong na dinaluhan ng kinatawan ng pamahalaan at ng mga media outlet.

"Ang taumbayan natin kahit anong sabihin natin handa yan magtiis at makipaglaban pero in the end kailangan ng leader niyan at kailangan ang gobyerno sa kahit anong panahon, maramdaman ng tao na nandiyan ang gobyerno maging kalamidad o maging giyera man yan, kailangan nakatayo ang gobyerno para malakas ang loob ng ating taumbayan," dagdag niya.

Hiling ni Padilla sa media na tiyaking kapayapaan pa rin ang mensahe nito sa oras ng tunggalian.

"Kapayapaan pa rin. Kasi wala tayong makukuha sa conflict. Di naman siguro mahirap yan gawin na kahit tayo sinasabi natin ready kami, pero nandoon pa rin lagi na ang Pilipino mahal natin ang kapayapaan," aniya.

Samantala, balak ni Padilla na pulungin naman ang kinatawan ng social media outlets, matapos iginiit ng mga dumalo sa pagdinig na kailangang pigilan ang ilang social media personalities sa pagkalat ng hindi beripikado o "exaggerated" na impormasyon - at para na ring humanda laban sa panibagong banta tulad ng deepfakes.

"Sa susunod pupulungin namin ang social media," aniya.

News Latest News Feed