Press Release
May 1, 2024

Gatchalian's Labor Day call: Revise Magna Carta for Public School Teachers now

Amid the celebration of Labor Day, Senator Win Gatchalian reiterates his push for the passage of the Revised Magna Carta for Public School Teachers (Senate Bill No. 2493).

The proposed measure aims to introduce substantial amendments to the 57-year-old Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670) to uphold teachers' welfare and provide crucial benefits, including calamity leave, educational benefits, and longevity pay. It also aims to address the conditions for granting special hardship allowance, enhances salary criteria, and protects teachers from out-of-pocket expenses.

The bill also provides that probationary teachers shall have the same or equally favorable salaries, benefits, and work conditions as entry-level teachers.

"Alalahanin natin ang dedikasyon sa trabaho ng ating mga guro. Sila ang humuhubog sa galing at kakayahan ng ating mga mag-aaral kaya itaguyod natin ang mas mataas na sahod at mas maayos na kabuhayan para sa kanila. Tiyakin din natin na nasa mabuti silang kalagayan upang ipagpatuloy ang hindi mapapantayan nilang sakripisyo," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.

The proposed measure also reduces classroom teaching hours from six to four to improve teachers' working conditions. Teachers, however, may render up to eight hours of service when the exigencies of the service require. Those who render these additional hours are entitled to compensation equivalent to their regular remuneration plus at least 25% of their basic pay. The bill also allows for the temporary hiring of substitute teachers when an incumbent teacher is on leave.

Furthermore, the bill prohibits the assignment of non-teaching tasks to teachers. Gatchalian recalled that despite efforts to allow teachers to focus on teaching, the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) flagged that public school teachers continue to be burdened by 50 non-teaching or administrative tasks.


Revised Magna Carta for Public School Teachers napapanahon na --Gatchalian

Sa gitna ng pagdiriwang ng Labor Day, muling iginiit ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang Revised Magna Carta for Public School Teachers (Senate Bill No. 2493) upang itaguyod ang kapakanan ng mga guro.

Layon ng naturang panukala na amyendahan ang Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670) na isinabatas 57 taon na ang nakalilipas. Kabilang sa mga isinusulong ng panukalang batas ang pagbibigay ng calamity leave, educational benefits, at longevity pay sa mga guro. Nakasaad din dito ang mga kondisyon sa pagbibigay ng special hardship allowance, pinaigting na criteria sa sahod, at proteksyon sa mga guro mula sa out-of-pocket expenses o dagdag gastos.

Nakasaad din sa panukalang batas na kung anong sahod, benepisyo, at mga kondisyon sa trabaho na nakukuha ng entry-level teachers ay makukuha din ng probationary teachers.

"Alalahanin natin ang dedikasyon sa trabaho ng ating mga guro. Sila ang humuhubog sa galing at kakayahan ng ating mga mag-aaral kaya itaguyod natin ang mas mataas na sahod at mas maayos na kabuhayan para sa kanila. Tiyakin din natin na nasa mabuti silang kalagayan upang ipagpatuloy ang hindi mapapantayan nilang sakripisyo," ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Nakasaad din sa panukalang batas na babawasan ang oras ng pagtuturo sa apat na oras mula anim. Gayunpaman, maaaring magtrabaho ang mga guro nang hanggang walong oras kung kinakailangan. Para sa mga maglalaan ng karagdagang oras sa trabaho, kailangang matanggap nila ang katumbas ng kanilang regular na sahod at karagdagang 25% ng kanilang basic pay. Pahihintulutan din ng panukalang batas ang pansamantalang pag-hire ng mga substitute teacher kung naka-leave ang isang regular na guro.

Ipagbabawal rin ng panukalang batas ang pagbibigay ng mga non-teaching task sa mga guro. Matatandaang batay sa isang ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), patuloy na isinasagawa ng mga guro sa pampublikong paaralan ang karagdagang 50 non-teaching o administrative tasks.

News Latest News Feed