Press Release
May 1, 2024

Statement of Senator Risa Hontiveros on Labor Day

Isang matayog na pagpupugay sa lahat ng manggagawang Pilipino!

Holiday man itong pambansang araw ng paggawa, hindi naman dapat nagho-holiday ang pagpapatatag ng seguridad at proteksyon ng lahat ng ating mga kababayang araw-araw dumidiskarte.

The time has come to expand the reach of our labor laws. Dapat ay lumalawak na ang saklaw ng ating mga batas upang sama-samang umunlad ang lahat ng manggagawa, anuman ang kanilang mga 'raket' sa buhay: formal man o informal, public man o private, digital man o face-to-face. Yan na ang kwento ng manggagawang Pilipino ngayon.

Kaya nananawagan ako para sa karagdagang proteksyon at benepisyo para sa ating mga delivery riders, construction workers, at manggagawa sa agriculture sectors na mas nakakaranas ng hirap sa trabaho dala ng matinding init ng panahon. Napakahalaga ng kanilang serbisyo sa ating mga komunidad, ngunit nagiging mapanganib na ang kondisyon sa labas-- ang kanilang mismong lugar ng paggawa.

Nananawagan rin ako sa DOTr na patuloy na dagdagan ng suporta ang ating mga jeepney drivers, para na rin sa kapakanan ng ating mga mananakay at ng transportation industry. Ngayon pa lang, dapat may maayos nang plano para sa mga ruta, may budget para sa service contracting, at magbigay ng kasiguruhan na papautangin ng bangko ang mga jeepney coop. Having an efficient transportation system make a big difference for workers and the economy.

It is my firm belief that our laws and policies must encompass the diverse realities of workers today.

Patuloy rin nating itinutulak ang agarang pagpapasa ng Senate Bill No. 2534 o ang "P100 Daily Minimum Wage Increase Act of 2023", upang gumaan naman ang iniinda, hindi lamang ng mga regularized, kundi pati na rin ng mga contractual, sub-contractual, at lahat ng mga workers na nakakatanggap ng minimum na sahod.

Kaya tuloy rin ang ating laban para sa Anti-Endo and Contractualization Bill, na naglalayong wakasan na ang endo sa bansa; ang POWERR bill, na naglalayong bigyan ng konkretong benepisyo at proteksyon ang mga freelancers sa lumalaking gig economy; at ang Senate Bill No. 148 (Maternity Benefit for Women In the Informal Economy), para sa mas malawak na tulong pinansyal at dagdag na pahinga para sa mga buntis na informal workers.

Wag sanang dinededma ang mga alalahanin ng mga tagapagtaguyod ng ekonomiya ng ating bansa. Pahalagahan natin ang sipag, dignidad, at pantay-pantay na oportunidad para sa lahat ng manggagawang Pilipino.

News Latest News Feed