Photo Release

September 23, 2019

Aksyon agad sa "Eddie Garcia Law": MARIING inatasan ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. si Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello, III na magsagawa ng pagpulong sa mga movie workers upang makabuo ng standard na susundin para sa kaligtasan ng mga manggagawa sa movie industry. Kaugnay ng pagdinig na isinagawa ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development sa panukala niyang Senate BILL No. 294, o ang “An Act Providing for Occupational Safety and Health Standards (OSHS) for the Workers and Talents in the Movie and Television Industry.” Mas kilala sa tawag na “Eddie Garcia Law,” Layon nitong magtatag ng alituntunin para sa ligtas na paggawa sa industriya ng pelikula at telebisyon. Dinaluhan ang naturang pagdinig ng kinatawan ng ABS-CBN, GMA7 at iba pang showbiz personalities.

Photos