Press Release
January 8, 2007

Transcript of radio interview with Senate President Manny Villar (DZMM)

Q: Once and for all, para maintindihan n gating mga kababayan, saan po ba kayong grupo tatakbo, sa oposisyon o administrasyon?

SPMBV: Ako ay nagugulat na parati akong natatanong tungkol diyan dahil para bang nakakalimutan na ako ay pangulo ng Nacionalista Party at intensyon ng aming partido na aktibong makilahok sa darating na halalan at kami ay magmi-meeting sa takdang panahon at dedesisyunan namin kung ano ang makakabuti sa buong partido. Mayroon kaming 3 kandidato sa pagka-senador, ako, si Ralph Recto at si Alan Peter Cayetano at meron din kaming mga kandidato pagka-congressman at governors. Dito ako tatakbo sa partidong ito (NP) at ang makakasama naming ay kung sino ang makaka-alyado ng Nacionalista Party.

Q: Mahalaga po ba para sa inyo ang endorsement ni dating Pangulong Estrada?

SPMBV: Siyempre kapag halalan, ang lahat ng makakatulong ay welcome. May mga prinsipyo naman tayong sinusunod din at para sa akin naman ay matagal na rin namang nakakulong si dating Pangulong Estrada at nakakaawa rin dahil hindi pa naman nako-convict.

Q: Sigurado na naman po kayo ni Alan Peter na pasok sa oposisyon, kaya lang nagkakaroon lang daw ho yata ng problema kay Sen. Ralph Recto na kapartido niyo sa NP. Kung sakali po ba na bitbitin kayong dalawa ni Alan ng oposisyon pero hindi kasama si Recto, papayag po ba kayo bilang grupo?

SPMBV: Hindi naman siguro mangyayari iyan dahil kaming tatlo ay miembro ng isang partido at nararapat lamang na sabay-sabay kaming tumakbo. Nakikipag-usap din naman ang NP sa ibang partido gaya ng LP, PMP, PDP, dahil kaming maliliit ay paminsan-minsan dapat na magkasama-sama, at naniniwala ako na makikita ng ibang partidong ito ang kakayahan ng NP.

Q: All or nothing po Mr. Senate President?

SPMBV: Ang pakikipag-usap naming ay by party at hindi indibidwal. Kaya ako ay nakikipagusap sa ibang partido bilang pangulo ng NP at hindi bilang individual senator.

Q: Ano ang latest sa inyong pakikipag-usap?

SPMBV: Wala namang problema. Ang sabi ko nga, masyadong maaga kung magdedeklara dahil masyadong magastos iyan. Kaya hindi ko malaman kung bakit kami minmadali dahil masakit sa bulsa iyang pagtakbo at mayroon pa kaming tatlong linggong nalalabi sa aming sesyon at marami pa kaming hahabuling panukalang batas. Iyong kampanya na 90 days ay maganda na iyon na oras para gumastos at huwag na nating dagdagan pa.

Q: Gaano kahalaga sa inyo na makasama sa opposition ticket under Erap?

SPMBV: Walang problema either way. Wala akong problema kung makakasama ang dating Pangulong Estrada. Wala din kaming problema kung makasama ang Liberal Party. Wala kaming problema dyan. Iyan ay pinag-uusapan ng aming mga partido, basta kami ay may pagkaka-unawaan sa ikagaganda ng bayan.

Q: Option po ba sa inyo na ang 3 senatorial candidates ng NP ay tumakbo under the administration party?

SPMBV:Bilang isang maliit na partido, hindi na naman kami pa-a-under sa ibang partido na may sariling paninindigan. Hindi na kami pwedeng magpa-under ngayon halimbawa sa Lakas, Kampi-Lakas at iba pa dahil kami ay may sariling prinsipyo at kung ano ang maganda para sa aming partido maski kami ay maliit ay iyon ang aming gagawin.

Q: Hindi rin ho pala pe-pwede na kung halimbawa si Sen. Ralph Recto lang ang kukunin ng administrasyon hindi rin pu-pwede iyon dahil kailangan kasama rin kayo?

SPMBV: Syempre naman, igagalang ko ang indibidwal na desisyon ng aming miembro dahil ako ay nakikipag-negotiate bilang pangulo ng partido. Pero syempre naman kung ang miembro ko ay ayaw sumama, ay papano naman iyon. Wala tayong magagawa dun.

Q: May mga nagtutulak po sa inyo na if worse comes to worst at di po kayo makuha bilang grupo diyan sa oposisyon, kayo daw po ay magbuo na lang ng 3rd force dahil marami naman ang sasama sa inyo, maski nga si Sonia Roco gusto niya magkaroon ng 3rd force na kayo ang nasa ulo.

SPMBV: Wala kaming problema kung may 3rd force. Sa aking palagay, ang pilian dyan ay indibidwal pa rin at by party. Hindi naman mahalaga kung united ang oposisyon o may 3rd force dahil ang mahalaga ay mayroon kayong parehong paninindigan ng inyong mga kasama at nagkaka-intindihan kayo sa plataporma ng inyong partido. Kung may 3rd force, okey din iyan, kung may isang grupo pang mabubuo, okey din iyan sa akin. Inuulit ko, ang NP ay kayang tumayong mag-isa.

News Latest News Feed