Press Release
February 23, 2007

KIKO ON ATTENDING THE PROCLAMATION RALLY
OF THE GENUINE OPPOSITION ON SATURDAY

Para mabigyang linaw ang usapin tungkol sa nakatakdang proklamasyon ng Genuine Opposition sa Sabado, nais kong ulitin na ako ay isang Independent candidate. Hindi ako dadalo sa naturang pagtitipon dahil hindi naman ako opisyal na miyembro ng GO, ako'y isang guest candidate lamang.

Sa mula't sapul ako'y nanindigan na hindi ako tatakbo sa administrasyon o sa oposisyon dahil sa adhikain na ang Senado ay naninindigan sa katotohan at lumalaban sa katiwalian. Nais nating mabigyan ang publiko ng isa pang pagpipilianisang alternatibo na may bagong pamamaraan. Ito ang hinahangad nating itsura ng ating bansa pagkatapos ng eleksyon -- isang bayan na hitik sa mga lokal at nasyonal na lider na kayang magdesisyon hindi lamang ayon sa kanilang partidong kinabibilangan, kundi sa pangangailangan ng ating mamamayan.

Ako'y inimbitahan bilang isang Guest Candidate at nung nangyari iyon, ako naman ay nagpapasalamat sa kanilang pagmamagandang loob.

Subalit, bilang isang bisitang kandidato, di naman yata marangal na pilitin tayong dumalo o parusahan dahil sa hindi pagdalo sa Sabado.

Ako'y nagpapasalamat sa tiwala ng Genuine Opposition at sa kanilang imbitasyon, subalit marapat na dumalo sa Sabado lamang, ang mga opisyal na kandidato nila.

News Latest News Feed