Press Release
February 27, 2007

Transcript interview with Sen. Kiko Pangilinan

Q: Sir sinabi na na 11 candidates nalang

A: Well we respect that, nirerespeto natin at nauunawaan namin ang kanilang desisyon, at nagpapasalamat din ako na nasubaybayan ko rin sa balita na sinabi ni Mayor Binay na nirerespeto din nila yung ating desisyon. Palagay ko, mas mainam nay un at makapag-focus na tayo sa mabibigat na isyu. Ang usapin ng paano natin titiyakin na kung maipapanalo natin ang mas nakararami sa ating mga kandidatura, na ang mga makakaupo ay yung mayroong paninidigan, mayroong prinsipyo, at titiyakin na mananatiling independyente at mapagbanatay ang ating Senado. May mga nagsasabi na dalawa na lamang ang hindi nakokomprimiso sa ating bansa. Ito ang Supreme Court at ang Senado. At ang iba ay na-co-opt na, na-marginalize na at kaya mahalaga itong halalan na tiyakin na meron paring magiging mapagbantay at yung Senado ay hindi magiging isang institusyon na sunud-sunuran, may magbibingi-bingihan at may magbubulag-bulagan.

Q: Problema kasi habang sinabi nila Binay yun, pinipilit ni Tamano na you're still part of their slate

A: Siguro i-clarify nalang ninyo kay Adel Tamano yun, dahil siyempre sila ang naguusap hindi lang kami. I think it's pretty clear dun sa statement ni Mayor Binay, so we'll just have to work around that.

Q: Sir as far as you're concerned you're stance is talagang fully independent?

A: That's correct, from day one, when I filed, sabi namin maglilinya tayo ng independent, alternatibo. Sabi ko kasi mahirap yung palipat-lipat, papalit-palit, kung ako'y nagpasya nung 2001 na bilang KOMPIL sa Edsa, Edsa Dos, and then after Hello Garci, yung sa administrasyon naman ni Pangulong Arroyo, dagpasya tayo, nanindigan tayo. Hindi yun 'joke only', hindi biro yung magpanawagan kang magbitiw ng isang pangulo. Dahil hindi biro yun, hindi basta bastang pwedeng isantabi yun at talikuran at kalimutan. Naniniwala tayo na dapat isang lider politika meroong isang salita at nanindigan kung meron siyang pinagpasya.

Q: Sir nasasaktan ba kayo kung tulad sa campaign ng GO, mayroong mga sticker na 'No to Mr. Noted'?

A: Well, this is part of our democracy. Malaya silang maghayag. They are free to express their views even if I think I don't agree with it obviously. At hindi natin silang sinasangayunan, pero ganun talaga kasama sa demokrasya yan. Merong mga hindi matutuwa sa mga desiyon, basta ang maliwanag sa atin, ang mga desisyon noon at mapagsa hanggang ngayon sa lahat ng mga mabibigat na bagay, ay prinspyong pinaiiral natin, paninidigan ang pinaiiral natin at ang respeto sa ating Saligang Batas.

Q: Isang dahilan din ba yun sir kaya mahirap talagang sumama kayo sa grupo na yun, kung within that group ay may ganun pala

A: Marahil kasama din yun. Yun nga ang sinasabi ng ibang mga komentarista, bakit daw ako ay nagmamagaling, ino-open na nga sa atin, etc. etc. pero even within the group may mga bumabakbak sa atin at kahit sinong namang indibidwal o kandidato syempre magdadalawang-isip bakit siya sasama o sasanib sa isang grupo na merong ilan-ilan dun ay talagang tutol sa kanyang pagsali. Natural lamang yun, kasama din yun. But primarily it is really the issue of principle.

Q: Sir papayag ba yung Liberal Party kung matanggal kayo sa guest

A: I don't know but of course the Liberal Party will look out for our position and our candidacy. But I'd like to think na hindi naman unique sa Liberal Party yung hindi kasama sa isang ticket, mas malaki nga yung sa NPC halimbawa, yung dalawa naroon sa admin, si Senator Sotto at Senator Oreta, pero dalawa naman nandito naman sa UNO, si Senator Legarda at Congressman Escudero. So it's not unique to the Liberal Party na magkakaroon ng kandidato na hindi talaga nakapaloob sa isang ticket.

Q: Hindi ba kayo nahihirapan sa pagcheck, pagcount ng votes ninyo

A: Well the Liberal Party is strong in a number of areas, so Noynoy and I will compare notes and help one another. Kami ni Noynoy naman ay ang kandidato ng Liberal Party kaya magtutulungan kami. Kasama din dyan siguro is I have been an incumbent for 6 years and I have been going around the country for 6 years, so I have established na rin a personal network of local leaders. Kahit naman ang Team Unity, yung mga senatorial candidates, aasa yan sa lokal. So lahat kami aasa sa lokal. So kung sino man ang may magandang personal relationship sa local makakakuha ng sapat na suporta sa pagbabantay. And I'd like to think na marami na rin tayong natulungang mga local officials sa buong bansa sa kanilang mga local governments. Ang balita ko ever since before, sa pagdating sa lokal hindi naman nagse-straight ang mga local governments, local officials, nagmimi-mix din sila dahil meron din silang napupusuan. So as a response to that, I feel that we have in the past 6 years dahil ginawa naman natin ang homework natin, nagtrabaho naman tayo ng husto, meron na rin tayong napundar na ngayon ay sa awa ng Diyos at tiwala ng taumbayan, yung pinundar natin ay pwede na nating anihin.

Q: Sir from day one, hindi talaga kayo nakipag-coordinate ng schedule niyo with GO?

A: From day one, yes. Simply because from day one precisely ang plano talaga naming ay independent. Kaya nga ako'y nasurpresa. Laking gulat ko nung ako'y inadopt. Dahil yun nga eh, ikaw na rin ang nagsabi diba, may mga small noisy minority ata na bakbak ng bakbak so wala sa aking plano, wala sa picture yung ma-adopt ako. Talaga dalawa lang ang options ko, 1) the third force, yung Wednesday group na gusto namin sana 4 Musketeers kami, pero hindi nagyari yun kaya ang tagal naming magdesisyon pero sabi ko kung hindi mangyayari yun, 2) magiindependent ako. Kasi nga hindi tayo pwede maging pabalik-balik, palipat-lipat, di tayo pwedeng administrasyon at oposisyon, dun nalang tayo sa consistency. Let's be consistent with our previous stance and yung third force naging one force.

Q: Sir yung mga statement ng GO binobola lang kami nung sinabi nilang naayos na yung sched na makakasama kayo?

A: Hindi naman. There were certain expectations. Alam mo kasi pagdating nung deadline ang daming nagyayari. Ang daming mabibilis na Si ano in, si ano out. Ganun eh, very quick so siguro may ilang mga expectations na inakala ng grupo na hindi pala tama. There were wrong expectations or mistakes in the appreciation nung talagang tunay na sitwasyon. Wala namang ill motive dun. Talaga ganun lang pagdating ng deadline at maraming nangyayari at mabilis ang desisyon at siguro mayroong mga nagakala na tatanggapin natin ng buo etong pag-adopt when in fact ang plano talaga antin is to run independent.

Q; Sino po sir nag-negotiate

A: There were some in the Liberal Party and some also with civil society. They were not negotiating on my behalf, alam naman nila yun. In fairness to sina Senator Drilon and Senator Villar, sinabi naman ni Mayor Binay, they were always saying and clarifying that they cannot speak on my behalf. So maliwanag yun. Yun nga lang, dahil sa bilis ng pangyayari at may deadline, kailangan na magdesisyon, siguro some of them said sige na, i-adopt na natin, total hindi naman siya nag-administrasyon. Pero hindi ko talaga alam yung nangyari, maaaring ganun, I'm just speculating. Total hindi niya tinanggap ang admin, at total the last 2 years, ang talagang stance niya maraming anti-adminstration. So siguro yun ang nangyari.

Q;

A: Now medyo klaro na, pwede na nating isantabi ang isyung ito at tutukan na natin ang kampanyayung mga isyu na palagay ko mas mabibigat. Gusto ko rin bigyang diin na ang kanilang pagpasya na eleven na lang ang candidates nila, nirerespeto natin yan. Marami pang mas mabibigat na problema ang ating bansa, kinakailangan magkaisa. There are major issues confronting the Senate as an institution in the country na palagay ko na sa halip na tutukan natin at isipin natin kung saan tayo nagkakahiwalay, e magfocus na tayo kung saan tayo pwedeng magkaisa at magtulungan. Halimbawa, ditto sa Melo report, kami ay nakikiisa sa ilang mga nasa oposisyon na dapat isiwalat ito, ilabas ito sa publiko. Kasi pag hindi nilabas yan, parang kung hindi whitewash e ano pang silbi nyan e ginastusan ng gobyerno yan,taumbayan o taxpayers ang ginamit dyan. So ganito no, sa mga isyu makakaasa ang ating mga kasamahan sa GO na magkakapit-bisig kami sa ilang mga pagkakataon.

Q: Financially, kaya nyo ba ang campaign

A: Okay kami hanggang next week..hahaha. May mga fundraising, in fact tonight we have a fundraising activity. There are willing supporters na tumutulong. Meron, yes. Although hindi official, hindi kasi sila partisan, butDinners, na merong P10,000 per plate, mga ganun, kung isang libo ang dumating e di P10 million yun so mga ganun. Hindi siya madali in terms of resource generation. Talagang shoe string budget, kung saan pinaka-epektibo, dun natin nilalaan yung pondo..

Yung mga pagod na sa palipat-lipat at papalit-palit, yung pagod na sa mga pangako na uwi sa pako, yung pagod na dun sa dating lumang pulitika at yung masyadong mainit ang bangayan ay palagay ko, laban din nila to eh.

Q: Plus or minus to not be identified with the GO?

A: Well I don't know if it's a plus or a minus in that sense but sa akin ngayon, I consider it a plus kasi yun naman talaga ang original na plano. It's not a question of wanting to be identified, more of wanting to be consistent with my stand. Hindi ito I don't want to be identified with GMA, I don't want to be identified with Erap, no it has nothing to do with that. It's everything to do with I took a stand and I have to be man enough to own up to the consequences of that stand and campaign on the basis of these major decisions that I made. Among other things, it's a question of being consistent and having your word of honor. It's nothing personal, it's about gumawa tayo ng desisyon at kailangan nating panindigan. It's about my principles and what I value and what I believe. Now whether that will make me credible or not, nasa desisyon na ng taumbayan.

Q: Relationship with Villar?

A: Wala naman kaming problema. So ok naman, we haven't spoken since Saturday. Although we have agreed that on some occasions we will campaign together, so we just have to iron things out. Ang talagang publicly na dadalhin natin is Noynoy, and we've been doing that, because we're from the same party. The Liberal party.

News Latest News Feed