Press Release
March 8, 2007

RADIO INTERVIEW WITH SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR (DZRH)

Congratulations sa pagiging no. 3 niyo sa SWS survey.

SPMBV: nagpapasalamat ako ng malaki at masaya ako sa resulta ng survey. Lalo ko pang pag-iigihan sa mga darating na panahon ang pagpapalaganap ng sipag at tiyaga

Pero mahirap hong i-maintain yung ganyang posisyon o kayay ma-improve pa ito?

SPMBV: handa ako sa ganyang mga challenge. Sa katunayan, ganadung-ganado ang aking grupo at desidido pang lalo na magkampanya. Itong grupo naming ay nag-aambisyon din na ma-cover naming ang buong Pilipinas para mas maraming makadaupang-palad na mga kababayan natin para malaman kung ano pa ang mga suliranin sa ibat-ibang dako ng bansa.

Mr. Senate President, kumpirmado na kayo po ay dadalo sa malaking meeting ng GO sa Davao?

SPMBV: Dito sa Davao, oo. Naipangako ko kasi na maski ako ay nagsosolo, paminsan-minsan ako ay sasama sa malalaking rally nila at nagdesisyon ako na sa Davao ay pwede akong sumali.

Hands-on si Pangulong Erap sa kampanya ng GO dahil isa-isa pang tinatawagan ang mga kandidato ng GO para sumama sa kampanya.

SPMBV: oo naman. Very supportive siya at personal na tumatawag at nagpafollow-up sa amin at talagang all-out ang support niya sa amin.

Ano po ang activities niyo sa araw ng mga kababaihan dahil isa po a inyong advocacy ang women sector?

SPMBV: kami ay nakikiisa sa mga kababaihan sa kanilang pagdiriwang at meron din kaming mga activities para dito. Nais ko ring ipahatid ang aking panawagan sa mga kababaihan lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso na huwag kayong mahihiyang mag-complain o magsumbong dahil karapatan niyo na protektahan ang inyong mgasarili. Ang pang-aabuso sa mga babae ay labag sa batas, kayo ay may karapatan magsumbong. Dapat ay mahalin natin ang mga kababaihan lalo na ang ating ina, asawa at mga anak.

Kayo ngayon ay nasa Davao?

SPMBV: Andito na ako sa Davao ngayon. Pupunta din kami sa Cotabato para mag-ikot sa tatlong mga palengke at mag-iikot din kami sa lungsod naman ng davao.

News Latest News Feed