Press Release
April 14, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar (DZRH)

Ano po ang masasabi ninyo sa pagsisimula ng absentee voting sa araw na ito?

SPMBV: Iyan ay isang magandang programa,ngunit nakakatakot din. Kailangan talagang siguraduhin natin ang proteksyon ng mga boto natin at masiguro natin na hindi iyan magagamit sa pandaraya. Nakakatakot dahil umpisa na ngayong araw ang botohan na tatagal hanggang May 14 at kahit paano ay kinakabahan ang oposisyondito dahil halos isang buwan na nandoon sa ibang mga bansa ang mga ballot boxes para sa absentee voting. Bagamat, tiwala naman kami sa kakayahan ng DFA at mga tauhan nila sa ibang bansa, ngunit kung isa o dalawa lamang doon ay hindi maganda ang balak, maaaring mabago ang resulta ng eleksyon. Ngunit bagamat may panganib na magkaroon ng dayaan sa absentee voting, okey na rin iyan dahil binibigyan natin ng karapatan ang ating mga kababayan sa abroad na makaboto.

Noong magpunta po kayp sa Hong Kong, isa sa mga concerns ng mga OFWs na sinabi sa inyo ay ang kanilang pangamba na hindi mabilang ang kanilang boto.May gagawin po ba ang GO para bigyang atensyon ang pangamba na ito ng mga OFWs?

SPMBV: Walang assurance na pati ang mga boto namin ay mapo-protektahan. Ang masasabi ko na lang ay magtiwala tayo sa DFA, bamagat nitong mga nakaraang panahon ay di dapat pwedeng lahat ay pagkatiwalaan. Ayoko namang lahatin dahil marami rin namang magagaling sa Comelec at DFA pero mayroon talagang mangilan-ngilan na di dapat pagkatiwalaan, diyan kami kinakabahan.

Mr. Senate President,nakapaglaan ba ng sapat na safeguards para sa batas ng absentee voting?

SPMBV: Pinilit naming magkaroon ng safeguards,pero wala, di namin masiguro. Tinanggap namin ito dahil sa kagustuhan na rin namin na magkaroon ng karapatang bomoto ang ating mga kababayan na nasa ibang bansa.

Nakikita po natin na parang kulang sa kontrol at kung ano ang ire-report ng ating mga embahada ay yun na lang ang tatanggapin natin,hook,line and sinker.

SPMBV: Totoo iyan, at kung magpo-protesta ka, wala ng oras. Kung gusto mong magprotesta,magpapadala ka pa ng tao sa ibang bansa at para sa aming mga kandidato, magastos na proseso iyan.

Siguro,babantayan na lang natin dito ay huwag lumagpas ang kanilang ipapadalang boto sa bilang ng registered voters sa kanilang embahada.

SPMBV:Iyan ang dapat bantayan. Tandaan natin na ang diperensya ng 12 at 13 nitong nakaraang mga eleksyon ay mga 20,000 lang . Masyadong dikit, kaya pwedeng magbago ang lahat nang dahil lang sa absentee voting. Pwedeng magkapalit ng pwesto ang no. 12 at 13.

Ngayon pa lang siguro ay dapat may mga advance notice na sa mga political parties kung gaano karami ang mga registered voters sa kani-kanilang embahada.

SMPBV: Magandang ideya iyan, pero dapat ngayon pa lang ay pinal na ang listahan ng mga botante para malaman natin na hindi ito mag-e-exceed.

Kumusta naman po ang pag-iikot niyo sa buong Pilipinas? Ngayon po ay nandiyan kayo sa Legaspi.

SPMBV: Sa Bicol kami mag-iikot sa loob ng dalawang araw. Palagay ko,tamang tama ang timing ng aming kampanya dahil apat na linggo na lamang ang nalalabi sa kampanya at target talaga nating ma-cover ang buong Pilipinas para makada-upang palad naman natin ang ating mga kababayan sa ibang lalawigan.

Marami pong problema sa Bicol Region Mr. Senate President. Ano po ba ang inyong gagawin para sila ay matulungan?

SMPBV: dito sa ating pag-iikot ay talagang inaalam natin ang mga problema ng ating mga kababayan na maaaring nating aksyunan pag tayo ay pinalad na makabalik sa Senado. Lalo na ang kabikulan na hindi pa fully nakaka-recover sa sunod-sunod na mga trahedya bagamat naglaan na kami ng pondo para sa Bicol Region sa budget. Iyan ay atin ding babantayan para di mapunta sa kung saan-saan.

Kung hindi kami nagkakamali,yung budget na ibinigay para sa mga typhoon-devastated areas sa Bicol Region ay lubhang napakalaki.

SPMBV:Totoo iyan kaya dapat talagang i-monitor iyan nang mahigpit baka ito ay mawala.

Malaki din ang dapat na ipagpasalamat ng Bicol Region dahil naisabatas ang 2007 budget dahil for the past 3 years ay reenacted ang budget ng gobyerno.

SPMBV: Iyan din ang dahilan kung bakit ipinasa agad namin ang budget kahit maraming probisyon na hindi kami sang-ayon. Nakita kasi namin na ang tanging paraan para makapaglagay ng pondo para sa Bicol ay ang ipasa ang budget maski mayroon kaming mga hindi inaayunan na mga probisyon.

Bukod pa rito, hindi maikakaila na sa ilalim ng inyong panunungkulan bilang Senate President ay manapakaraming mahahalagang panukala ang napagtibay pati na ang budget.

SPMBV: Totoo iyan at palagay ko isa iyan sa mga dahilan kung bakit mataas ang ating trust rating sa mga survey sa matataas na public officials ng bansa. Apat na doble kasi ang bilang ng pinagtibay naming panukala mula nang ako ay maupo sa Senado.

How does it feel Mr. Senate President na kayo po sa lahat ng opisyal ng gobyerno ang pinakamataas ang trust rating o pagtitiwala ng taumbayan?

SPMBV: Nakakatuwa at nakakataba ng puso iyan, at parang gusto mo na agad bumalik sa trabaho. Ako ngayon ay desidido na kung anuman ang aking ginawa sa Senado sa loob ng anim na taon ay dapat pang doblehin dahil sa dami ng problema na nakikita natin sa kampanya.

Would you say na ito ang factor kung bakit hanggang ngayon ay very consistent at tuloy ang inyong pamamayagpag sa lahat ng uri ng survey?

SPMBV:Isa iyan siguro ang isa sa pinakamalaking factor. Ako ay tuwang-tuwa pati na ang aking pamilya sa tiwalang ibinibigay ng taumbayan sa akin. Iyan naman ay susuklian ko ng mas pinag-ibayong paglilingkod sa bayan.

Marami po ang nagtatanong kung tuloy ang kandidatura ng inyong butihing maybahay bilang Kongresista sa Las Pias?

SPMBV: tuloy ang kaniyang kandidatura. Maganda ang takbo ng kanyang kampanya dahil wala namang kalaban.

Kayo naman, nag-iisa talaga kayo, di tulad ng ibang senatorial candidates na pati ang pamilya at maybahay ay kasama sa kampanya?

SPMBV: Nagkakampanya din kasi ang misis ko sa Las Pias. Pero minsan, sumasama din siya sa mga kampanya ko.

Kung si Nanay Curing ay malakas-lakas pa ay talagang sasama iyon sa kampanya niyo

SPMBV: Ang nanay ko ikinakampanya din ako sa tindahan niya.

Ang akala kasi ng iba na hanggang political ads lang iyong pagtitinda ng nanay niyo. Hindi nila alam totoong buhay iyon

SPMBV: totoo yun. Nung maliit pa ako, isda ang tinitinda niya,at ngayon naman, sari-sari store. Totoo yun. Nakatayo talaga ang sari-sari store na iyan at hanggang ngayon ay nagtitinda pa siya doon. Ayaw pa ring tumigil sa pagtitinda.

Ano po ang mensahe niyo sa sambayanang Pilipino?

SPMBV: Mga kababayan, malapit na po ang halalan at sana sa Mayo ay ipakita natin ang ating mga tunay na nararamdaman at paninindigan.

News Latest News Feed