Press Release
April 25, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar (DZRH)

Napansin naming nitong mga nagdaang araw na kaliwat-kanan ang ginagawang endorsement sa inyong kandidatura,at ang pinakahuli nga ay ang JIL, Mr. Senate President.

SPMBV: Medyo sine-swerte tayo dahil mukhang makukuha ko lahat ang mga endorsements ngayon dahil na rin siguro sa pakikisama natin at performance ko sa Senado. Ako po ay nagpapasalamat sa kanilang lahat.

Sa inyo pong sitwasyon, di lamang malalaking grupo ang nag-eendorse sa inyo ngayon

SPMBV: Ang dami-dami ngayon ng mga endorsement at lahat ng kandidato ay naghihintay kung sinu-sino ang mag-eendorse sa kanila.Natutuwa ako dahil so far, lahat ng nag-eendorse ngayon ay kasama tayo. Sana, magtuloy-tuloy na ito.

Napag-uusapan ang mga endorsements, ang iba kasing grupo ay namimili tulad ng JIL na napakahigpit ng screening ng mga kandidatong kanilang i-eendorso.

SPMBV: MAhigpit talaga. Sa JIL, talagang may covenant pang pinirmahan. Una muna, pinili muna nila ang mga akala nilang karapat-dapat, pagkatapos, inenterbyu ng ilang oras kung ano ang opinion sa bawat isyu. So far, tumugma ang aking mga paninindigan sa hinahanap na paninindigan ng JIL, kaya di ako nahirapan. Ang maganda diyan, hindi lang myembro ng JIL, mahalaga yung stamp of approval na pagka ikaw ay napili, gumaganda ang tingin sa iyo ng ating mga kababayan.

Im sure, kayo ay susuportahan din at i-eendorso ng mga taga palengke kahit wala silang formal announcement.

SPMBV: Iyan talaga ang aking grupo. Ang ikinakasigla ng aking kampanya ngayon ay ang araw- araw ko na pagpunta sa palengke. At home na at home kasi ako sa palengke at marami na talaga akong napuntahan na palengke sa aking pag-iikot. Nararamdaman ko ngayon na para akong bumalik sa aking pagkabata, sa aking pinanggalingan, although nakikita ko rin ngayon ang mga suliranin na hanggang ngayon ay di pa nalulutas. Bibigyan natin iyan ng pansin lalo na ang pagkakaroon ng pautang na maliit lang ang interes at pagpapaganda sa ating mga palengke.

Iyan ang pinakamalaking problema ng mga nasa palengke dahil marami sa mga nagtitinda ngayon, ang puhunan ay galing sa 5-6.

SMPBV: Grabe ang interes niyan. Wala namang choice iyong mga nagtitinda dahil kulang sa puhunan kaya kumakapit na lang sa mga pautang kahit malaki ang tubo.

May hakbang na ba kayo ukol dito Mr. Senate President para naman mai-angat ang kabuhayan ng mga nasa palengke?

SPMBV: Mayroon tayong nailaan na pondo diyan, subalit ang mga pagkakamali ay nasa pagpapautang. Hindi tama at mahigpit, parang walang deperensya sa ordinaryong bangko at sa palengke. Ang sabi ko naman, dapat iba ang pagpapautang sa palengke. Dapat talaga,i-review ang sistema ng pagpapautang sa mga taga palengke para di masyadong mahigpit at di napakarami ng kailangang requirements.

Ito po bang market visits ninyo Mr. Senate President ay ginawa rin ninyo noong 2001?

SPMBV: Ginawa ko din, pero hindi kasing-tindi ng ginagawa ko ngayon. Independent kasi ako kaya puro palengke at eskwelahan ang iniikutan ko. Sa palengke kasi, makikita mo lahat ng klase n gating mga kababayan, malalaman mo pa ang problema ng bayan o lugar.

Lahat naman ay namimili, kaya lahat ay nagpupunta sa mga palengke Kaya lahat ay nagpupunta sa palengke

SPMBV: malalaman mo talaga ang kalooban ng mga kababayan natin kasi totoo ang mga tao diyan sa palengke, hindi peke, hindi plastik. Pag ayaw sa iyo, ayaw sa iyo, pag gusto ka naman, ipapahalata nila sa iyo, sasabihin nila sa iyo.

Iyon pong pagtulong sa mga palengke, ano po ang mga balakin ninyo at ano na ang napagtibay ninyong panukala para mai-angat ang kanilang kabuhayan?

SPMBV: Marami na tayong nagawang panukala sa small scale entrepreneurship pero nakikita ko na hindi epektibo at pinag-iisipan ko ngayon kung paano magiging epektibo iyang mga batas na iyan. Nakikita ko din kasi na hindi desidido ang gobyerno sa implementasyon. Kaya nga ang mga bangko, sinabihan na namin iyan na magpautang sa small scale enterprises dahil nilalagay lang nila sa money market ang kanilang pondo.

Pero there was a time na may mga bangko na sila mismo ay nagpupunta sa loob ng palengke at nagpapahiram ng kapital sa mga nagtitinda

SPMBV: Sana dumami pa ang bangko na ganyan para magpa-utang sa mga nasa palengke, hindi iyong 5-6. Yung iba kasing gumagawa niyan ay mga financing. Dapat talaga bangko ng gobyerno at yung mura ang interes, yung mga 6%c lang per year, hindi per month.

Dahil siguro diyan ay maraming mga ma-eencourage na mga walang trabaho na mangutang para sa sarili nilang business.

SPMBV: Totoo iyan. Kaysa naman maglagay ng 5B fund halimbawa ang gobyerno para sa ganyang adhikain, tapos wala namang mag-iimplement at nakatengga lang o nakalagay lang sa money market, wala rin. Siguro, mas mabuting yung mga ibang kawani ng gobyerno na doble-doble ang trabaho ay ilipat na lang sa mga ahensiya na dapat hahawak ng ganitong pera para madistribute ng maayos ang pondo sa ating mga kababayan na nais mag-umpisa ng sariling hanapbuhay.

Nakikita ho namin Mr. President na hindi kayo nahihirapang kumbinsihin ang tao na suportahan ang inyong kandidatura. Una, dahil sa maganda niyong track record na sa maikling panahon ng panunungkulan bilang Pinuno ng Senado ay kitang-kita ng ating mga kababayan ang inyong performance.

SPMBV: iyon naman ang ating bagamat ipinagmamalaki, nakikita ko na kulang pa rin. Ito ang nagsisilbing hamon sa akin para lalo pang pag-ibayuhin ang aking trabaho. Yung performance namin since maupo ako bilang Pangulo ng Senado, dadagdagan pa natin iyan.

Depende sa magiging resulta ng eleksyon kung mare-retain ninyo ang pagiging Senate President.

SPMBV: Kasama na rin iyan. Kung mas marami ang GO na mananalo, palagay ko naman, mas malaki pa rin ang tsansa na magiging Pangulo pa rin tayo ng Senado.

Sa kasalukuyan po ba , ilan ang masasabi nating independent sa Senado?

SPMBV: Sa senado, hindi naman talaga malinaw ang linyahan. Hindi ibig sabihin na oposisyon ka or administrasyon, hindi na boboto sa iyo.

Medyo kakaiba kasi ang posisyon ninyo, may mga kakampi kayo sa TU at halos lahat ng nasa GO ay kakampi rin ninyo.

SPMBV: Sa senado talaga ganyan. Sabi nga, ang bawat senador ay independent republic, parang may sariling bansa, parang may sariling partido. Hindi iyan papayag na masabing siya ay ganitong partido o sumusunod sa sinasabi ng partido na iyon. Walang ganyang senador. Kung gusto mong kunin ang boto niya, siya ang kausapin mo. Hindi pwedeng sabihin na kakausapin mo ang Pangulo, makukuha mo ang boto ng anim, hindi ganoon.

Kausapin niyo na lang yung Wednesday group

SPMBV: lima na agad iyon

Yung mga kasapi ng Wednesday group na nasa kabila, yun lang yung pumapasok sa survey

SPMBV: Palagay ko, mananalo naman lahat dahil maganda rin naman ang performance. Maipagmamalaki namin iyan. Hindi natin maitatanggi na maganda ang performance ng mga kasapi ng Wednesday group. Sa rating game, lahat din ay pumamasok sa top 12.

Isa din sa magandang nangyari ay marami ang namulat dahil sa mataas na trust rating ninyo.

SPMBV: Mahalaga sa akin iyang ako ang pinakamataas ang trust rating sa lahat ng opisyal ng bansa at ako din ang may pinakamataas na approval rating sa lahat ng mga senador. Nagsisilbing hamon din sa akin iyan lalo pang pag butihin ang aking ginagawa.

Ano po ba ang feedback ng mga taong nakakasalamuha ninyo sa inyong ginagawang pag-ikot sa buong bansa?

SPMBV: Nagpunta ako sa stock exchange noong nakaraang araw, at doon ay masayang-masaya dahil booming ang merkado, at parang happy days are here again, makikita mo iyan sa kilos ng mga tao doon. Kitang-kita ako ang malaking kaibhan pag ako ay umiikot sa palengke dahil ang marami sa kanila ay nahihirapan at sinasabi sa iyo ang kanilang problema. Sinasabing mahirap ang buhay ngayon, maraming bayarin. Ibang-iba ang sitwasyon at magkaiba talaga ang mundo. Doon mo makikita ang gap ng magkabilang panig. Ibang mundo ang stock market at ibang mundo ang mga ordinaryong palengke. Para ngang gusto kong sabihin sa mga taga stock market na pumunta din sila ng mga palengke para lang mabalanse ng konti ang sitwasyon. Parang pula at puti, ibang-iba.

Dahil sa maganda ninyong performance sa Senado, di maiiwasan na kayo ay magiging target ng mga black propaganda. Paano ninyo hina-handle ang mga paninira laban sa inyo lalo na iyong bilyung-bilyon ang utang ninyo sa gobyerno?

SPMBV: Diyan ako naiinis. Ako personal, wala akong utang at hindi ako umuutang sa gobyerno. Never akong umutang sa gobyerno, maski piso hindi ako umutang. Hindi ako mahilig mangutang.

So, di niyo talaga maitatanggi na target kayo ng black propaganda dahil lagi kayong nasa top rank ng mga surveys. Kasama ba iyan sa pulitika?

SPMBV: Oo naman. Nung number 7 ako, wala namang pumapansin sa akin. Ngayong No. 2 na, dumarami na bigla. Sabi ko, ano ba ito? Mga imbento pa at dinadaan pa sa text.

Pero ang kainaman naman sa ating mga kababayan, hindi na agad naniniwala sa mga sabi-sabi, marunong na rin silang kumilatis kung totoo ang usap-usapan o hindi.

SPMBV: Sana nga di sila maniwala sa mga ganyan dahil marami ring mga kandidato ang nag-aangalan. Kamukha ko, maraming nag-iimbento ng laban sa akin. Minsan, wala ka na ring magawa dahil paano mo naman ide-deny na hindi mo naman alam kung sino ang nagtetext laban sa iyo. Iyon ay gadget lamang na may isang maitim ang budhi na nagpapakalat ng kasinungalingan laban sa iyo. Sana, huwag naman ibaba sa ganyang level ang pulitika sa bansa.

Yun po bang pamilya Villar ay nasanay na sa pulitika o medyo nagdaramdam pa rin pag may mga ganyang uri ng black propaganda?

SPMBV: Yung Villar ay hindi talaga sa pulitika. Iyong pamilya ng aking misis, ang mga Aguilar, laking pulitika talaga. Ako lang ang pulitiko sa pamilya Villar.

Inaalalayan pa ba kayo ni Mrs. Villar?

SPMBV: Hindi na rin dahil sa laki na rin ng hirap ang aking inabot ay sanay na rin ako. Lahat ng pagsubok at kahirapan ay dinaanan ko na yata. Kumbaga, subok na ako diyan, nginingitian ko na lang.

Kumusta naman po ang kandidatura ng inyong misis?

SPMBV: Sumasama ako sa kanya minsan pero mas madalas, siya ang sumasama sa akin.

Sa Las Pias yata, ang pinag-uusapan ay kung gaano kalaki ang ilalaman?

SPMBV: Mukhang walang kalaban doon.

Pag ka naman kasi nasiyahan ang tao sa trabaho mo, hindi ka mahihirapang mangampanya.

SPMBV: pag-iibayuhin pa naming iyan lalo para sumikat pa ang Las Pias. Marami pa kaming proyekto na parating doon.

At saka kapag iyong serbisyo ay nadedeliver efficiently, walang problema kahit sino pa ang kandidato.

SPMBV: Sana nga, maisip din ng ating mga public officials na hindi na uso ngayon ang KBL o kasal, binyag at libing. Naghahanap na ngayon ang tao ng performance. Kailangan ngayon, may maipapakita kang performance.

Ano po ba ang stand niyo tungkol sa charter change, Mr. Senate President?

SPMBV: Dapat ay sabihin ng mga tao ang kanilang stand at bahala na ang taong bomoto ng para sa kanila. Kung ako ang masusunod noon, gusto ko referendum na ngayon, isabay na sa May 14. Nagtataka naman ako kung bakit hindi pa isinabay sa eleksyon na ito, idudugtong mo lang naman..gusto niyo ba may chacha, kung oo, paano? Conass o Concon. Ganoon lang. At least, tapos na sana ang isyu, tapos na ang debate, walang away, at hindi mahahati ang bayan. Sayang. Tungkol naman sa population program?

SPMBV: Iyan ay malaking suliranin na ating dapat harapin dahil ni ayaw mag-usap ng ating simbahan at proponents ng pro-choice. Sa aking palagay, dapat mag-usap din dahil nangangailangan din naman ng tulong ang ating mahihirap na kababayan at kailangan din ng guidance. Naiintindihan natin na may mga batas na sinusunod ang ating simbahan. Pwede namang magkaroon ng consencus kung paano reresolbahin ang problemang ito. Kayang gawin iyan. Sanay ako sa ganyang mga formula na mas effective in the long run. Kung di iyan magkakaroon ng concensus, patuloy na mag-aaaway tungkol sa isyu at walang mangyayari sa programa. Hindi rin naman pipili ng papanigan ang Pangulo diyan, gigitna lang iyan kaya mabuting pag-usapan na kaysa para tayong inaanod na lang sa ilog na walang direksyon.

Marami po ang na-inspire na mga kabataan doon sa gusto niyong simulan na entrepreneurial revolution.

SPMBV:Totoo iyan dahil sa ngayon, maraming kabataan ang hindi makakahanap ng trabaho pag-graduate nila, kaya sabi ko na subukan niyo na muna ang magsarili at wag niyong iisipin na ang pagsasarili ay nangangailangan ng malaking pondo kaagad. Hingan niyo muna ng tulong ang pamilya niyo. Kung nagtitinda sila, samahan niyo muna, paturo kayo at magugulat na lang kayo na kapag natuto na kayong magsarili, ayaw niyo nang maghanap ng trabaho dahil sa ganda ng kikitain niyo. Huwag na huwag kayong mahihiyang magtinda. Sa kulturaa kasi natin, parang nahihiya ang ibang tao na magtinda. Kaya ako, pag nakakakita ako ng mga batang lalaki at babae na nagtitinda sa palengke, tuwang-tuwa ako sa kanila. Parang naaalala ko ang sarili ko. Huwag kayong maghihiya, lalo na kunwari kung isda ang tinda ninyo, medyo may amoy, huwag pa rin kayong mahihiya. Basta malinis ang ginagawa niyo at hindi kayo nagnanakaw, dapat iyan ay ikinararangal niyo pa.

Kayo po ba ay nakaranas nang magtrabaho para sa ibang tao?

SPMBV: sandali lang. Noon kasing nagdedeliver ako ng isda sa mga restaurant, di agad ako nabayaran kaagad. Nawalan ako ng puhunan kaya nagtrabaho muna ako. Binayaran din naman ako, kaya lang unti-unti kaya habang naghihintay ako na mabayaran, nagtrabaho muna ako ng 2 taon. Nung makolekta ko na, nagpundar na ako ng isang truck para sa aking gravel and sand business. Doon ko nakita iyong negosyo na pagtatayo ng bahay. Kaya nag-contractor ako ng dalawang bahay na wala man lang experience. Nag-click naman, at doon na nagsimula ang aking pabahay.

Sana po tularan kayo ng mga kabataan at makakuha din sila ng support through you, Mr. senator.

SPMBV: Sa totoo lang, ang suporta ko lang, nanay ko. Sabi siya ng sabi sa akin noon na wag ka nang magtrabaho, magsarili ka na lang. Ang nanay ko, sinabi sa akin na ang ambisyunin mo, maging ganyan ka. Itututo niya yung mga wholesaler at ambisyunin ko din daw maging ganoon. Balang araw, may fishing boat ka na. Di naman ako nagkaroon ng fishing boat dahil sa pabahay ako napunta. Nadapa ako dun, pagtayo ko, sa negosyo na ng graba, real estate.

Senator, marami ng fans si nanay Curing.

SPMBV: Akalain mong ang nanay ko ay makita sa TV. Nagugulat siya. Mahal ako noon at tuwang-tuwa siya dahil siya ay nakakatulong sa akin. Kahit 83 na siya, nagtitinda pa rin. Tumatawag nga sa akin iyong iba kong kaibigan, yung iba kasi hindi naniniwala na nanay ko talaga iyan, ang iba naman, di naniniwalang totoo yung sari-sari store. Totoo talaga iyan, kahit dalawin pa natin ang nanay ko, may tindahan talaga siya sa harap ng bahay niya. Pinagtayo ko ng bahay iyan malapit sa amin, nakiusap siya na lagyan ko siya ng tindahan sa harap. Araw-araw nandoon siya. Yun lang ang sari-sari store na na-advertise sa TV. Nationwide pa.

Saan po ang campaign sortie niyo ngayon?

SPMBV: Pupunta ako ng Davao ngayon. Mindanao at Visayas naman ang hahatawin ko ngayon. Wala nang tigil ito, dalawang linggo na lang, ngayon pa ba tayo magbabagal? Dire-diretso na to

Ano po ang mensahe niyo sa taumbayan?

SPMBV: Mga kababayan, sana po ay nagustuhan niyo ang aking mga nagawa nitong nagdaang panahon at sana po ay magustuhan niyo rin ang aking programa kung tayo ay palalarin na mahalal sa Mayo.

News Latest News Feed