Press Release
April 28, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar (DZMM)

Senator Villar, sinasabing may pina-imprenta daw kayong sample ballot kaya medyo nagtatampo daw po ang GO sa inyo. Ano po ang laman ng pina-imprenta niyong balota?

SPMBV: Alam niyo, pag talagang gumaganda na ang rating mo, sisiraan ka na. Minsan, gusto ko na lang matawa at parang dapat, wag ka na lang magalit sa panahong ito. Di naman tayo nag-iimprenta ng sample ballot.Iyan ay ini-imprenta ng mga lokal na kandidato. Ang sakop namin ay buong Pilipinas at hindi ko kayang magprint ng sample ballot sa buong Pilipinas. Siguro ang nangyayari, ang mga lokal na kandidato, minsan dadalhin ka, minsan alam mo iyan at minsan naman hindi mo alam. Pagka naman dinala ka ng isang local official,normally sasabihin mo na salamat. Dinadala ka na nga, pe-pwede bang magalit ka pa.

Pero nabalitaan niyo po ba ito Senator? Itong sample ballot na ibinibintang sa inyo?

SPMBV:Sa araw ng eleksyon,napakaraming klase ng sample ballot ang maglilipana sa mga presinto at iyan ay pini-print ng ibat-ibang local candidates.Anybody can print a sample ballot. Ano naman ang magagawa mo kung kasama ka sa nakalagay doon. Nagtataka nga ako kung bakit sa akin ibinibintang iyan. Hindi ako nagbabalak na gumawa ng sample ballot. Gayunpaman, kung may maglalagay sa atin sa sample ballot, salamat. Di natin tatanggihan iyan. Kaya lang, sa lahat naman ng aking kampanya, talaga namang kinakampanya ko ang mga kasamahan ko sa GO.

Lumabas nga po sa pahayagang Manila Standard Today na GO probes Villar for junking his comrades. The GO is investigating Senate Pres. Manny Villar for allegedly junking his fellow candidates following the discovery of sample ballots in Bulacan that carried his name along with those of the administrations TU bets.

SPMBV: Alam mo Nakakatawa iyan at alam pa nila ang lalawigan.Doon ang problema sa Bulacan. Bakit naman ako ang mananagot? Sa tingin ko, merong nanininira talaga. Ako nga, napakarami ko nang nakikitang sample ballot na iba-iba din ang laman. Ayoko na lang i-mention ang mga pangalan ng mga kasama ko. Iba-iba ang nakikita ko. Merong wala ako dun, meron namang kasama ako. Kung ayaw ka namang ilagay sa sample ballot, ano naman ang gagawin mo.

Madali na lang kasi gumawa ng sample ballot ngayon through riso o photocopy.

SPMBV: Madali na lang. Kahit sino, pwedeng gumawa. Pinapalaki ang isyung iyan at palagay ko, ang nagpapalaki niyan ay yung gumawa ng intrigang iyan. Tapos,ginagamit ang isyung iyan para magalit sa akin yung mga kasama ko. Medyo,nakakaduda iyang mga ganyan. Sa totoo lang, hinahanap ko din ang nagpapakalat niyan para masita natin.

At least alam niyo ngayon na galing Bulacan daw ang sample ballots.

SPMBV: kapag inilagay ka naman sa sample ballot,magpapasalamat ka syempre. Alam namang magalit ka. Inilagay na nga pangalan mo, magagalit ka pa.

Sabi pa po sa dyaryo, reports said, Villars name appeared in the sample ballot of the camp of Bulcan gubernatorial candidate Junjun Mendoza who is running against Lakas-CMD candidate Roberto Pagdanganan. The alleged sample ballot, bearing the name of Villar with the admin candidates was discovered early this week. Pero ang sinasabi niyo po na kung sino man ang gumawa nito, wala pong kontrol ang kandidato kung i-carry po kayo ng isang lokal na kandidato.

SPMBV: katulad niyan, siyempre magpapasalamat ka. Alangan namang magalit pa ako, dinala na nga pangalan ko, magagalit pa ako. Thank you ang sasabihin ko.

Sabi nga nga, pag talagang papalapit na ang eleksyon, nagkakainitan na. Pero hindi naman maaapektuhan ng mga intriga kapag matibay ang samahan.

SPMBV: Dapat nating harapin ang katotohanan na sa bandang huli,ang mga local candidates at ay bihirang-bihira na mag-straight. Makikita niyo iyan ngayong eleksyon. Bihirang-bihira ang mag-i-straight.

Maiba tayo Senator. Naipasa na ang batas sa term mo Sentor Villar, na tungkol sa proteksyon ng mga pasyente na hindi nakakabayad pero dini-detain ng mga ospital kahit magaling na. Alam kong may batas na at iyan ay napasa sa inyong panunungkulan. Pero hanggang ngayon, marami pa ang reklamo. Kailan ho ba magkakabisa ang batas?

SPMBV: Pagka-30 days na ang magdaan after mapirmahan ng Pangulo, automatic na ang pagkakaroon ng bisa niyan. Sa akin, bagamat gusto ko ring matulungan ang mga ospital separately, gusto ko ring ipaalala na iyong pag-detain sa pasyente ay isang bagay na hindi tama at nililiwanag natin na labag na sa batas iyan sa ngayon. Ang ganyang sistema ay hindi katanggap-tanggap sa isang lipunan na gaya ng sa atin. Pero iyong mga pasyente, dapat ding gumawa ng promissory note kung kelan siya dapat magbayad, pero hindi siya dapat i-detain. Bawal iyan. Yung bangkay halimbawa, hindi pwedeng pigilin sa ospital. Kadalasan yung mga death certificate, hindi ini-issue ng ospital hanggat hindi nakakabayad. Naiintindihan ko naman na kailangan ding maningil ng mga ospital, pero hindi sa ganyang pamamaraan.

Ang sinasabi ng mga hospital owners, na kahit may promissory note, hindi na daw talaga bumabalik para magbayad ang mga pasyente, at iilang prosyento lang ang tumutupad sa nakasaad sa promissory note.

SPMBV: Pag ka ba may mangutang sa iyo, pwedeng mo bang kidnapin muna iyong tao hanggat hindi pa siya nakakabayad o kaya, hindi mo palalabasin ng bahay mo hanggat hindi pa siya bayad. Labag sa batas iyan. Kapag may gumawa pa ng hospital detention, dapat na agad itong i-report ng pasyente dahil may multa at parusang pagkabilanggo na iyan sa ilalim ng batas.

Nasaan po kayo ngayon Senator?

SPMBV: Ako ay mag-iikot muna at papunta ako ng Samar.kahapon ay galing ako ng Gensan at Koronadal. Konti na lang na lalawigan ang di ko pa nabibisita. Bago siguro mag-eleksyon, maiikot ko nang lahat iyan.

Ano po ang mensahe niyo para sa Labor Day?

SPMBV: Napakahalaga na magkaroon ng pagkaka-unawaan ang mga employer at mga manggagawa dahil pareho namang pwedeng manalo iyan. Hindi naman dapat iyong isang panig ang panalo, samantalang ang kabilang panig ay talunan. Dapat nating tulungan ang ating mga manggagawa. Hindi naman lahat ng tulong ay sa pamamagitan ng sweldo. Maraming mga benefits na makukuha ang mga manggagawa maliban sa sweldo. Sa Sweldo naman, dapat maging aktibo ang ating mga regional wage boards para taasan ang sahod ng mga lugar na dapat nang taasan ang sweldo. Isa sa problema ng labor sector ay ang nagkalat na trabaho pero walang makuhang empleyado ang mga kompanya. Pati mga call centers, nag-aagawan sa mga aplikante. Mali ang kursong kinuha o kulang ang proficiency at quality. Iyan ang dapat bigyang pansin para matugunan natin ang pangangailangan ng business sector at the same time, mabawasan ang unemployment rate.

Iyan din ang inirereklamo pag may mga job fair. Napakaraming available na trabaho at libu-libo ang nag-aaplay, pero kung minsan daan lamang ang nakukuha. Ano ba ang naiisip mo kung saka-sakali?

SPMBV: pag-graduate pa lamang sa high school, dapat i-deretso na sila sa mga kurso na may naghihintay na trabaho. Dapat sabihin ng guidance counselor sa mga estudyante na itong sektor na ito ang nangangailangan ng maraming empleyado at iyong kurso mong gustong kunin ay siksikan na sa merkado. At least may advice sa mga estudyante. May tinatawag tayong quota courses o mga kursong walang masyadong naghihintay na mga trabaho, dapat konti na lang ang kumuha ng mga kursong iyon. Kung ano ang hinahanap ng mga kompanya, iyon na dapat ang gagawing basis ng training ng ating mga kolehiyo para pag-graduate nila, ready na sila sa kanilang prospective jobs.

Kumusta naman sa mga lugar na pinupuntahan mo considering yung nangyari sa Nueva Ecija

SPMBV: Okey naman. Di masyadong magulo. At sana magpakitang-gilas ang PNP at magdagdag pa ng mga tao dahil mahalaga na magkaroon tayo ng tahimik na halalan. Malaking bagay sa ating demokrasya kung ang ating eleksyon ay magiging mapayapa.

News Latest News Feed