Press Release
July 3, 2007

Kiko on the release of Comm. Lintang Bedol

"Hindi matitigil ang pandaraya sa eleksyon hanggang hindi pinaparusahan ang mga nandaraya sa eleksyon - kandidato man o tiwaling Comelec. Dapat kay Bedol ay gawing halimbawa para matigil na ang kawalanghiyaan sa loob mismo ng Comelec. Dapat siya sampahan ng criminal cases at tiyakin na agad malitis at madesisyunan ang kaso.

Kung gusto niyang mag state witness upang ituro kung sinu-sino ang mga kasabwat na matataas na opisyal o kandidato ay maaaring mapawalang sala ito - kung hindi siya ang most guilty sa pandaraya maaari siyang maging state witness at ituro ang mga mastermind.

Walang tiwaling Comelec kung walang desperadong mga kandidato na gagamit ng pera para maipanalo ang kanilang kandidatura."

News Latest News Feed