Press Release
July 24, 2007

Kiko on Arroyo stepping down in 2010?

"Sinabi niya 'when I step down' ngunit di niya sinabi kailan. Sinabi niya di siya magiging hadlang sa ambisyon ng iba sa 2010, ngunit may hirit pa, na huwag lang siyang maging hadlang sa progreso. So ang tanong: Ang progreso ba ay naka angkla sa kanya? Kung ang iba ay hadlang sa progreso dapat bang manatili pa siyang nakaupo matapos ang 2010 para tuloy tuloy ang progreso? Huwag naman sana yun ang ibig niyang sabihin. Mangyayari lamang na mananatili siyang nakaupo matapos ang 2010 kung papayag ang taumbayan. At maliwanag sa huling eleksyon, na ayaw na ng taumbayan sa kanya. Kailangang maging vigilant ang mamamayan at mapagbantay upang di mangyari ito."

News Latest News Feed