Press Release
July 25, 2007

Transcript of interview with Sen. President Manny Villar (Joe Taruc, DZRH)

JT : On GMA

SPMBV: kasi talaga naman kasi kapag mage-end ang term mo ay yan talaga ang normal na tingin sayo dahil sa kung talagang ikaw ay bababa-- siyempre pag lumalapit ang tapos ng iyong term. . .

JT: Pagka matatapos yung term mo, lalo kang magiging masigasig. . .

SPMBV: Ayun, pero hindi naman yun nangangahulugan na-

JT: Wala ka nang babayarang utang na loob at wala ka nang pakikibagayan.

SPMBV: Totoo yun. Kaya nga sabi ko maaring magawa niya yung kanyang mga ipinangako sa SONA.

JT: Kasi iba yung hindi pa magtatapos yung termino eh, kahit papano makikisama ka pa ng husto eh. Pero ito magtatapos na yung term mo, wala ka nang titingnan at wala ka nang pakikibagayan.

SPMBV: Totoo yun. . . At nakita ko naman na desidido naman ang pangulo na tapusin ng maayos ang kanyang term.

JT: So hindi yun talaga ang ibig niyong sabihin, hindi tulad nang nakasulat sa pahayagan?

SPMBV: Hindi naman. Ang gusto ko lang sabihin independent ang Senado at kaya niya sinabi yun para idiin nga na hindi pa siya lame duck.

JT: Pag-usapan natin yung mga nangyari sa unang dalawang araw dito po sa Senado. Yung unang dalawang araw ay walang kapagod-pagod, wika nga walang kaproble-problema ang pagkakahalal niyo bilang pangulo ng Senado.

SPMBV: Ok naman, maganda naman ang nangyari sa Senado at so far naman maayos at halos lahat ng Committee ay nabubuo na namin. Siguro by next week ay mabubuo na namin yung mga Committee at organized na kami. Nagsisimula nang mag-function at kahapon nga pinag-usapan na namin yung kaso ni Senator Trillanes at siguro mamayang hapon ay magbobotohan na kami doon.

JT: Ilan sa pinupuna Mr. Senate President, a few minutes bago nag-umpisa yung session ng Senado noong Lunes ay ka-breakfast niyo si Executive Secretary Ed Ermita.

SPMBV: Nais ko lang liwanagin na lahat ng Executive Department ay iniimbita naman normally ng Senado yan, bilang paggalang kagaya sa SONA lahat. . .

JT: Hindi lang pangkaraniwan, eh lahat ng mga present doon mga kaalyado nyo.

SPMBV: Hindi naman, ang totoo nga niyan e nandoon din si Alan at kung sino nga lang naman ang gustong mag almusal doon merong free breakfast.

JT: Nagkataon na lahat ng nakipag-almusal, bumoto para sa inyo.

SPMBV: Hindi naman, normally lahat ng nakikipag almusal yung buboto lang sakin. Yun lang majority ang . . .

JT: (laughing) . . . Yung mga hindi kasama. . .

SPMBV: Hindi naman kasi, parang caucus ng majority yun. Kaya yun lang mayorya ang nag almusal.

JT: So Senate President hindi po totoo na masalimuot po ang pagkukuha ng chairmanship sa mga Committee?

SPMBV: Hindi naman, halos lahat ay tapos na eh. Konti na lamang ang nalalabi.

JT: How about yung Blue Ribbon Committee?

SPMBV: Ok naman, pinag-uusapan naman ng mahusay. Siyempre lahat naman ng Committee diyan ay. . .

JT: Sino po ba ang number one choice ng mayorya?

SPMBV: Mahirap magsabi kasi ng statement dahil baka magkatampuhan.

JT : Sinu-sino ang mga. . .

SPMBV: Wala namang sinasabi ang mayorya na gusto nila or kami, sa amin. Nag-uusap usap na rin kami.

JT: Medyo nakalilito eh, san niyo ba iaalign ang sarili nyo? Sa mayorya o minorya?

SPMBV: Mayorya ako.

JT: Mayorya. . . Not necessarily pro-Administration?

SPMBV: Nagugulo sila kasi eh, dahil ang Senado maski kelan ay hindi naman yan divided ng Administrasyon- Opposition. Last year kung natatandaan niyo, kasama namin sa mayorya sila Senator Frank Drilon, Senator Biazon, Senator Roxas na pawang Opposition subalit ang kasama ko rin naman ay sina Senator Lapid, Senator Miriam Defensor, Bong Revilla, Joker, kaya last year mixed kami e at yun ay mayorya. Kasi ang pagpili ng Pangulo ng Senado ay kung sino ang gusto mong pangulo mo. Hindi tinatanong kung opposition ka.

JT: Kung sino ang gusto ng nakararami?

SPMBV: Kung sino ang gusto ng nakararami. Nagkataon na tayo naman ang nagustuhan ng nakararami, pero hindi iyon nangangahulugan na ang lahat ng sumama sa akin ay administrasyon, lahat ay oposisyon. Halimbawa si Senator Jinggoy Estrada, pagdududahan ba natin? Si Chiz Escudero, Alan Cayetano, pagdududahan ba natin na opposition yan? Sabi ko nga, kaya nga lamang eh ako ang napusuan nilang maging pangulo nila, yun naman ay sumusunod lamang sa tradisyon ng Senado dahil kami ay independent. Yan ang aking dinidiin, hindi kami nadidiktahan na parang kaming mahahati kung laban ka o hindi laban sa pangulo.

JT: Yan nga ang paulit-ulit nating sinasabi eh, yung mga senador pag kandidato ay may partido pero pag nahalal na bilang senador ay wala na, personal na.

SPMBV: Independent Republic yan, sabi nga nila. Independent bawat isa, inihalal ng bayan yan.

JT: Diyan nakikita yung mga statesmen.

SPMBV: Yun, kung sino ang gusto nila, pero pag boto nila halimbawa dito kay Trillanes, e dito ang linyahan ay iba. Dito kami lahat ay bumuboto para kay Senator Trillanes subalit mag-oopose yung iba.

JT: Merong nag-oopose, tatlo yata o apat?

SPMBV: Oo, sila Senator Enrile, Gordon, Joker Arroyo.

JT: So ibig sabihin Senate President na may mga administration kuno na senators na bumoto din sa pagpapakawala dito kay Senator Trillanes?

SPMBV: Meron sa mayorya, kasi mixed kami eh. Meron ding mga administration na bumoto, apat lang kasi ang mag-oopose eh. Kaya sa karamihan ng mayorya ay bumuboto rin para kay Senator Trillanes.

JT: Nagkataon na tatlong pro-administration na sina Joker, Enrile at Gordon?

SPMBV: Pero sila naman, to be fair with them, ay talagang dahil ayon lang sa batas lang yan na sa kanilang interpretasyon ng konstitusyon. . .

JT: Considering na yung tatlo ay puro mga abugado. . .

SPMBV: Yun nga eh, magagaling kasi sa konstitusyon ang mga iyan. Ang sabi nila, hindi daw dahil nahalal ka, ikaw ay hindi na dapat dumaan sa proseso ng ating hustisya. Kaya nagkaroon ng konting debate doon.

JT: Although meron silang binabanggit na mga precedent cases?

SPMBV: Meron din, kaya hindi natin masasabi na sila ay mali. Sabi ko nga, iyan ay paggalang na lamang sa pananaw ng bawat isa.

JT: Ano ang estado ng resolusyon?

SPMBV: Mamaya ay pagbobotohan namin.

JT: On committee on finance

SPMBV: Nag-usap-usap kasi kami ng mayorya na magkakaroon kami ng isang announcement dahil parang kapag dahan-dahan, mas malaking- To be fair, ang usapan namin itong linggong ito wala munang babanggitin maski isang pangalan. Bagama't ang masasabi ko lang, halos lahat ay buo na.

JT: Napipisil daw si Sen. Alan Cayetano bilang chairman ng Blue Ribbon pero hinaharang daw ng Malakanyang? Totoo po ba na magpapaharang ang Senado?

SPMBV: Ang pagpili ng committee ay walang kinalaman ang Malakanyang. Hindi namin papabayaan na makialam ang Malakanyang diyan. Iyan ay pag-uusapan namin sa mayorya, kami-kami ang mag-uusap diyan. Maski kailan naman ay hindi kami nagpapadikta sa Malakanyang.

JT: Kelan po ang announcement kung sinu-sino po ang uupong chairman ng mga komite?

SPMBV: Hopefully sometime next week. Hindi ko naman sinasabing Monday pero ang target date ko, bago matapos ang next week. Okay naman iyon sapagkat marami pa kaming administrative load na ginagawa. Hindi pa naman kailangan iyan. Nakasisiguro, mga dalawang lingo, parang organizational muna kami.

JT: So wala muna tayong pag-uusapang committee ngayon?

SPMBV: Hindi muna pero maraming-maraming tatalakayin ang Senado gaya ng prayoridad ng Senado ngayon.

JT: Paano ang pagpapasya ninyo ngayon? Normally kung sino ang majority, sa kanila napupunta ang major committees?

SPMBV: Ganoon naman talaga. Sa lahat ng parliamento naman ganoon. Karamihan ng mga parliamento sa buong mundo, kung ikaw ay nasa minorya, wala ka.

JT: Ibig sabihin, makakaasa ang mga kaalyado ninyo sa mayorya na ang major committees ay sa kanila mapupunta?

SPMBV: Normal iyon. Okay naman iyon.

JT: What about the Solid 8? Meron din bang ilalaan para sa kanila?

SPMBV: Puwede rin naman. Ako naman ay handang irekomenda sa aking grupo na dapat naman ang minorya ay meron din.

JT: So far, ano pong mga committees ang hinihiling ng minorya?

SPMBV: Wala naman. Kami ay mag-uusap muna ni Minority Floor Leader Nene Pimentel, na siya nilang itinalaga para makipag-usap.

JT: Sa bagay si Chiz Escudero, Jinggoy Estrada at Alan Cayetano, kung mabibigyan ng major committees, parang napunta rin sa oposisyon?

SPMBV: Totoo iyon at ang Senate President naman ay GO. Sabi ko nga, ginugulo lamang nila ang isyu. Pero ang gusto ko lamang ulit-ulitin, ang Senado ay independent. Kami ay gagawa ng inaakala namin ay maganda nang walang dikta sa labas. In fact, kami ay buo. Hindi naman kami talagang ganoon na nag-aaway-away. Meron lamang mga dalawa, tatlo na medyo talga. Pero ganyan talaga ang Senado. Kapag walang ganyan, parang hindi normal ang Senado.

JT: Check and balance po talaga? Mayroon talagang nagaaway-away?

SPMBV: Oo. Hindi naman kami rubberstamp. Sa Senado, makikita mo na talagang may bakbakan parati.

JT: Ano na po ang development tungkol sa panukala na buhayin ang LEDAC?

SPMBV: Okay naman. Ako ay nakahandang makipag-cooperate sa ikabubuti ng bansa. Sabi ko nga, bagama't may mga kasama tayo na gusto mag-imbestiga tayo, okay din iyon. Lahat ng kamalian ay imbestigahan subalit mahalaga rin na sa ikabubuti ng bansa. Sabi ko nga, bagama't may mga kasama tayo na gusto mag-imbestiga tayo, okay din iyon. Lahat ng kamalian ay imbestigahan subalit mahalaga rin na meron tayong performance.

JT: Kayo po ay napapabalitang possible contender para sa presidency sa 2010, hindi ba kayo naaasiwa sa inyong posisyon ngayon na kayo ang laging punto ng intriga?

SPMBV: Sanayan lang iyan. Alam mo, kung ikaw ay naiintriga, that means maganda naman ang katayuan mo. Sapagkat kung wala nanag pumapansin sa iyon, iyan ang delikado.

JT: Hindi ba problema para sa inyo iyan?

SPMBV: Hindi naman. Tayo naman ay laki sa hirap. Alam mo naman ang ating background, kung saan tayo galing at diyan naman ay puro hirap ang inabot natin kaya kapag medyo dumadanas ka ng konting hirap, parang normal na normal na sa iyo.

JT: Parang kayo ang pinaparinggan ni PGMA sa kanyang SONA?

SPMBV: Hindi naman.

JT: Hindi ba sa inyo nakatingin?

SPMBV: Hindi, nasa likod ako eh. Siguro gusto niya lang idiin na talagang gusto niya ring mag-perform ng maganda sa mga darating na tatlong taon at wala namang masama diyan. Maganda naman sa bayan kapag ang pangulo ay makapag-perform ng maganda.

JT: Si Speaker JDV may deklarasyon, wala nang charter change?

SPMBV: Hindi naman sa amin nagsisimula iyan, kami ay gumagawa lang ng sagot kapag ang mababang kapulungan ay nagsimula, pero sa agenda namin ay hindi talaga kasama ang charter change.

JT: Good news po iyong magandang trust rating ninyo

SPMBV: Natutuwa ako at tumaas ang ating rating. Syempre kapag ikaw ay nagtatrabaho nang maganda, nagpapakahirap kang magtrabaho at nagagantimpalaan ka ng approval rating na gumaganda, syempre natutuwa ka rin naman at naa-appreciate ng iyong mga kababayan ang iyong mga ginagawa.

JT: On priority legislative agenda

SPMBV: Noong ako ay umiikot at nangangampanya, talagang kahirapan ang problemang nakita ko sa buong kapuluan. Iyan ang aking uunahin. Bagama't syempre, iyong mga hindi natapos noon, iyong pinsa namin ngunit hindi napasa ng mababang kapulungan, iyan ay kinakailangang ulitin namin. Iyan ay una namin ipapasa dahil na-approve na namin iyan noon, uulitin na lang ang aming approval. Madami kaming inaprubahan na hindi inaprubahan ng mababang kapulungan, siguro may isang dosena rin iyan. Iyan ang uunahin namin. Pangalawa, iyong aming mga kanya-kanyang mga programa, maging iyong aking personal na programa sa kahirapan ay aking itutulak na sa mga komite para tumakbo na. Kaming lahat naman ay desidido na magkaroon tayo ng magandang performance.

JT: Ano ang assessment niyo dito sa kasalukuyang Senado?

SPMBV: Mahusay. Natutuwa ako dito sa Senadong ito. Iyong mga bago ay medyo mahuhusay at makikita mo talagang magiging mainit, masigla.

JT: Marami ay galing sa mababang kapulungan

SPMBV: Iyon pa ang isang maganda doon. Kahit papaano, hasa na iyan, mga beterano na iyan. Puro mga minority floor leader iyan kaya sanay na sila sa mga rules o pag-gawa ng batas kaya mabilis iyong mangyayaring mga diskusyon sa Senado. Nakikita ko na magiging mas mainit ang mga diskusyon.

JT: Wala kayong nakikitang pasaway?

SPMBV: Meron parati iyan. Kapag waalang pasaway diyan, hindi Senado iyan. Hindi normal ang Senado. Sarado ang Senado kapag ganyan.

JT: May magpapasakit ng ulo ninyo?

SPMBV: Okay lang iyan. Iyan ay parang pampasarap ng ating pagkain sa lunch.

JT: On Trillanes

SPMBV: Napakahirap ng kalagayan ni Senator Trillanes sapagkat syempre, tayo ay sumusunod sa batas. Bagamat kami, lahat ng senador ay gusto siyang tulungan talaga, syempre hindi naman namin mababalewala ang ating mga batas at konstitusyon. Kaya nagtagal kahapon, ilang oras ang debate. Magkakaroon na naman ng debate mamaya. Subalit ako bilang pangulo ay gagawin ang aking tungkulin. Itinuturing ko si Senator Trillanes na isang senador na isa sa aking mga pinangungunahan. Lahat ng kanyang mga karapatan ay aming ipagtatanggol. Sa abot ng aming makakaya ay tutulungan namin siya. Hindi nga lang namin maipapangako ang resulta dahil sa kami naman ay nangako rin na tutuparin namin ang ating Konstitusyon. (end)

News Latest News Feed