Press Release
August 2, 2007

Transcript of Kapihan sa Senado with Senate President Manny Villar

Q: Kayo na rin ang nagsabi na it might take three weeks for the committees to be in place, bigyan n'yo po kami ng update?

SPMBV: Napag-usapan namin na sabay-sabay na ang announcement. Karamihan naman ng mga senador sa mayorya ay alam na ang kanilang committee, at even iyong mga committee secretaries, palagay ko ay meron nang ideya kung sino ang magha-handle ng kanilang mga committee. Practically, iyong karamihan sa kanila ay alam na. Kaya hindi naman nakakabahala at halos tapos na, meron na lamang mga unresolved pa pero tuloy-tuloy na ang takbo ng Senado next week.

Q: What about the minority?

SPMBV: Tatapusin muna ang mayorya bago pag-usapan ang minorya. Normal naman iyon. Pero halos all of the major committees are distributed na.

Q: Sabi nila sa minority, you only talk to the minority leader, Senator Pimentel?

SPMBV: Nag-uusap naman kami ni Senator Pimentel, araw-araw kami halos nag-uusap. Nag-uugnayan naman kami at marami naman kaming napagkakasunduan na.

Q: Ano ho ang tingin ninyo dito sa nabuo na na bloke within the majority, they call themselves the middle group, who were all guests at the Palace last night?

SPMBV: Sa akin, iyong mga nagsasabi na admin senator ako, siguro maliwanag naman na hindi ako imbitado doon so hindi ako admin. Walang problema iyan. Ano mang parliamento, bloke-bloke talaga. Iyon nga ang nais kong ipaliwanag sa mga kasamahan natin, na maski sa kongreso, bloke-bloke iyan, maski sa Senado, bloke-bloke iyan. Hindi nakakakapagtaka iyan at hindi nakakagulat. Ang isang Pangulo ng Senado o Speaker of the House ay ang tingin sa mga ganyang bagay, normal iyan. Dalawang klase ang grouping, may formal, may informal. Maski walang formal grouping, nagkakaroon ng informal grouping. Iyang grouping is a fact of life iyan sa isang leader ng isang parliamento.

Q: You said next week, we can start working, does it mean the announcement of committee chairmanships will be on Monday?

SPMBV: Not necessarily Monday but next week. Dalawa kasi iyan, puwede mo naman i-announce partially, pwede mong i-announce in full. Sa akin, whether I will be able to finish it in full or not, basta mag-aanounce ako next week para makatakbo na iyong mga major committees, at least. Hopefully, matapos na ang lahat.

Q: Sabi ni Senator Arroyo, i-dissolve na lang daw ang Blue Ribbon committee para walang away?

SPMBV: Opinyon iyan ng ating kaibigan, si Sen. Joker Arroyo at iginagalang natin iyan. Iyang bagay na iyan ay isang bagay na tatalakayin ng buong Senado kung gusto nila. Subalit hindi pa naman iyan napo-propose formally. Maaaring isang ideya lang iyan. Akin din namang sinabi iyan noong araw na talagang iyang Blue Ribbon, naging simbolo lamang iyan at in reality, lahat naman ay puwedeng imbestigahan ng ibat ibang committee. In fact, kung natatandaan ninyo last year noong 13th Congress, ay marami sa mga mabibigat na imbestigasyon din noon, na naging damaging sa Pangulo, ay nanggaling sa public order committee, iyong jueteng at sa agriculture iyong kay Jocjoc Bolante.

Q: Open kayo sa ideya ni Senator Joker?

SPMBV: Kung gusto nila ay ibi-bring up ko iyan sa body pero sa ngayon, hindi ko pa napapag-isipan ang bagay na iyan. Ang totoo, ngayon ko lang narinig ang proposal na iyan. Lahat naman ng mga proposal ay obligado kaming i-consider sa Senado.

Q: Puwede bang i-ablosh ang Blue Ribbon? Nasa Senate Rules iyon, eh.

SPMBV: Kaya nga pag-uusapan muna iyan. It's a proposal. Hindi ko alam kung seryoso si Sen. Joker Arroyo diyan but it's a proposal.

Q: (inaudible)

SPMBV: Hindi pa natin masabi iyan kasi kailangan naga-agree lahat. Kasi kapag sinabi natin na kasama na, maa-identify naman ang iba. Pero sa aking pananaw, meron nang pangalan. Kailangan na lamang ay hangga't maaari ay maraming magiging hindi matanong o masaya sa choice.

Q: Ano ang tingin ninyo sa posibilidad na humingi ng emergency powers ang pangulo?

SPMBV: Hindi ako sumasang-ayon diyan. Naniniwala ako na may sapat na kapangyarihan ang pangulo. Sabi niya sa SONA, makapangyarihan ang pangulo, naga-agree ako sa kanya. Hindi na kailangan ng emergency powers. Pangalawa, tingin ko, ang kailangan ng problemang iyan ay pera at hindi emergency powers dahil kailangan natin ng karagdagang facilities, equipment para magkaroon ng karagdagang power. Kapag gusto mo ng karagdagang capacity, kailangan mo ay pera at hindi dagdag na power. Syempre, pangatlo, ayaw nating mabalik ang posibilidad na marami na namang aabuso sa emergency power. Baka mapasok na naman tayo sa mga agreements na hindi natin gusto na pagbabayaran ng ating mga mamamayan.

Q: Malabong bigyan ng Congress ng emergency power ang pangulo?

SPMBV: Ang sa aking opinion, syempre depende iyan sa Senado as a whole, but sa aking off-hand na palagay bilang isang senador ay hindi ako sang-ayon diyan.

Q: Hindi maganda iyong experience noong nagkaroon ng emergency powers

SPMBV: Maraming mga mahal na transaction tayong napasok noon. Alam naman nating lahat na kapag nahuli ka na at nagmamadali kang magkaroon ng additional capacity, napipilitan kang pumasok sa mga hindi magagandang agreements, o parang mahal. Iyan ay natural lamang kapag ikaw ay nahuli na at hindi mo na-anticipate itong increase na ito. Mahirap kasi magtuturuan tayo, bakit nangyari iyan. Subalit syempre, kapag nagkakaroon ng kakulangan na ganyan, hindi natin maiaalis sa ating isipan na may kakulangan din ang namumuno ng ating energy sector sapagkat syempre, obligasyon nila ang ma-anticipate ang mga pagkukulang na iyan at syempre masisisi natin sila kung bakit hindi nila na-anticipate ito at kung na-anticipate nila, bakit wala silang nagawa.

Q: Hindi ba ninyo tinitingnan ang revival ng Bataan Nuclear Power Plant?

SPMBV: Baka too late na sa palagay ko. Bagamat nagkakaroon ng revival ng nuclear industries sa buong mundo, palagay ko too late na para pag-usapan iyan. Sa palagay ko hindi na rin puwedeng balikan pa ang isyu na iyan sa Bataan. Hindi na muna siguro. Palagay ko, sa ngayon hindi handa ang ating bansa sa isang nuclear-powered na source ng energy.

Q: Iyong nangyari sa Japan, the biggest nuclear plant was damaged by the recent earthquake, mas maraming dadami ang tututol.

SPMBV: Oo, hindi pa tayo handa doon siguro na pag-usapan man lang.

Q: Ano ba ang magagawa sa independent power producers na iyan?

SPMBV: Patapos na naman ang marami doon. Kaya nga lamang nalaman natin na talagang iyon ay disadvantageous sa ating mga kababayan at ayaw na nating maulit pa iyan. Kaya ayaw na natin ang mga emergency powers uli. Mas maganda sana ito kung naa-anticipate properly. Bagamat malaki na rin ang improvement na nagawa natin sa Napocor. Subalit ito ay isang problema na kailangang harapin natin nang diretso at pagtulong-tulungan. Ang Senado naman ay nakahandang tumulong sa bagay na ito bagamat itong problemang ito ay normally ay sa parte ito ng ehekutibo.

Q: Ano po ang comment ninyo sa appointment nina Iggy at Dato?

SPMBV: Alam mo, mahirap tayong mag-komento sa Mababang Kapulungan. Ako naman ay lubos ang aking paggalang sa separation ng Mababang Kapulungan sa Senado, at hindi ko naman inaasahan na makikialam ang Mababang Kapulungan sa amin sa Senado. Hindi ko naman hangarin na makialam sa kanila sa kanilang appointments o ginagawa.

Q: Sa appointment ni Angie Reyes?

SPMBV: Sa appointment ni Angie Reyes, sa tingin ko ay dapat na humarap siya sa Commission on Appointments. Noong mga nakakaraang panahon ay hindi ko natatandaang naaprubahan siya ng CA at ito ay isang practice na hindi maganda. Dapat ang mga Cabinet member ay humarap sa CA. Mahalaga na bilang matataas na opisyal ng ating pamahalaan, ipakita nila ang kanilang paggalang sa ating Konstitusyon. Kaya ginawa iyang CA, para magkaroon ng check ang balance at magkaroon ng review ng kakayahan ng bawat isang ia-appoint sa executive. Hindi naman ginawa iyan na parang dekorasyon lamang. Maganda siguro na ang manunungkulan sa ating bansa ay magbibigay-galang sa probisyon ng ating Konstitusyon at mga institusyon na ginawa ng Konstitusyon na iyan.

Q: Hindi ba malinaw na may problema tayo dahil sa palitan sa DENR at DOE?

SPMBV: Unless sinisisi nila iyong nakaraan, unless sinisisi nila ang umalis. Kasi normally kapag may problema, inaalis mo. Maaring umalis iyong dati para hindi siya masisi o dahilan sa may mga binabalak gawin na hindi niya gusto. Hindi ko alam kung ano ang kadahilanan kung bakit nagpalit, o talagang umalis si Secretary Lotilla dahilan sa low pay ng gobyerno. Ang sa akin lamang, ang pagpapalit, normal lamang iyon kapag may kamaliang malaki na nangyari. Hindi ko lang alam ang kakayahan nitong papalit hanggat hindi nako-confirm ng CA. Maganda naman ang kanyang pinakita bilang chief-of-staff, bilang secretary ng energy, ibang bagay naman iyan.

Q: Sabi po ng isang majority senator, iyon daw may alam ay pinalitan ng walang alam.

SPMBV: Kaya nga gusto ko humarap sana sa CA para maipakita naman ni Secretary Angelo Reyes ang kanyang kakayahan sa energy at kung bakit siya maaaring may kadahilanan na maari niyang ipaliwanag sa CA, maaaring sabihin niya na hindi lamang kaalaman na technically ang kailangan kundi iba pa. Iyan ang gusto naming marinig sa kanya kaya mahalaga na siya ay dumulog sa CA para mabura na nga precisely itong mga haka-haka na ito na hindi niya alam ang departamento na iyan.

Q: On JPEPA

SPMBV: Igagalang ko ang opinion ng chairman ng Committee on Foreign Relations sa bagay na ito dahilan sa iyan ay kanyang teritoryo. Ayoko namang pangunahan siya bilang paggalang ko sa ating mga committee chairmen. Hangga't maari ay bibigyan natin ng flexibility ang ating mga committee chairmen na mag-prioritize ng kani-kanilang mga panukala at sa kanilang mga committee. Iyang JPEPA ay nasa ilalim ng Committee on Foreign Relations, at igagalang natin ang sasabihin ni Senator Santiago.

Q: So retained iyong foreign relations at energy kay Senator Santiago?

SPMBV: Isa iyan sa malaking konsiderasyon talaga na hangga't maari iyong mga gusto nilang mga committee. Syempre kapag tinanong mo sila, iyon naman ang kanilang hinihiling normally. Bagamat hindi ko naman sinasabi kung sino ang chairperson kasi alam mo, kapag nagsabi ka ng isa, wala nang kadahilanan para hindi mo sabihin ang pangalawa at iyong pangatlo at pang-apat.

Q: Sabihin n'yo na sir, so meron nang dalawa?

SPMBV: Actually, halos lahat meron na. Kagaya ng sinabi ko kanina, ang committee secretary na hanggang ngayon ay hindi pa nararamdaman kung sino ang magiging chairman nila ay mahinang klase.

Q: On broadband contract

SPMBV: Ang pagkakaalam ko, may resolusyon nang nai-file diyan. Kagaya ng aking prinsipyo naman bilang ang Senado ay isang malayang institusyon naman at itutuloy natin ang ating pagiging independent, wala tayong pipigilan na anumang imbestigasyon. May nag-file ng resolusyon, iimbestigahan natin iyan.

Q: You don't want to be the first one to

SPMBV: Igagalang ko ang opinion ng committee chairman pero sa akin, wala akong nakikitang kadahilanan para hindi imbestigahan iyan dahil malaking bagay iyan.

Q: Hindi pa ba puwedeng i-announce kung sino ang head ng energy committee dahil sa energy crisis?

SPMBV: Hindi naman kasi alam mo, wala talagang magagawa sa ngayon ang lehislatura sa problema ng energy. Alam naman natin na ang batas ay nariyan na at implementasyon ang kailangan diyan. In fact, even the executive department ay mahihirapan na ma-arrest ito. In fact, itong problemang ito ay dapat inaksyunan several years ago pa o noon pang nakakaraang mga taon. Ngayon ay maghahabol na lamang para mabawasan ang epekto ng krisis subalit itong mga problemang ganito ay dapat naharap noong mga unang panahon pa at hindi ngayon.

Q: You will push for additional budget sa irrigation

SPMBV: Obligado na tayo na i-releases iyong sa AFMA. Kasi iyong sa AFMA ay karagdagang budget ng agriculture. Hindi iyan dapat na in lieu of, that should be in addition to. Kaya lamang in the last few years ang interpretasyon ng AFMA o iyong agricultural modernization fund ay parang iyong budget ang kapalit ng P20 bilyon na iyon. Dapat ang P20 bilyon na iyon ay karagdagan at magagamit iyan sa paggawa ng irrigation systems natin all over the country para ma-avoid itong mga ganitong problema. Ang totoo naman ay halos taun-taon ay nagkakaroon tayo ng problema sa El Niño. Dapat ay noon pa natugunan din ito. Bagamat syempre, nauunawaan natin na medyo kulang ang pera natin, subalit iyong collection ng VAT sa ngayon na meron na tayong karagdagang koleksyon, puwede na sigurong dagdagan ang pondo na iyan dahil talagang malaking problema sa ating mga magsasaka iyan.

Q: Magkano ba ang hinihinging budget ngayon?

SPMBV: Hindi pa naisa-submit sa atin ang budget. Hindi pa nasa-submit ng pangulo sa Kongreso, sa Mababang Kapulungan. Subalit hindi naman maglalayo iyan, mga P1.2 trillion iyan. Iyan ay konting increase lamang sa last year's budget dahil sa ang deficit din siguro ay inaalalayan ng ating pangulo.

Q: Sabi ni JDV, no new taxes. How can we sustain this increased budget?

SPMBV: Collection ang tanging solusyon diyan dahil sa talaga namang mababa ang ating koleksyon relative sa ating ekonomiya, iyong Gross Domestic Product. Ang ating koleksyon dati mga 17 percent iyan, tax revenues over GDP. Bumaba iyan sa 12 percent at ngayon ay tumaas na naman sa 14.3 percent, mga ganyan. Sana ay magtuloy-tuloy ang pagtaas na iyan at mahalaga na masustenahan natin ang pagtaas na iyan para makabalik tayo sa 17 percent kung saan tayo ay naging masigla noong araw. Dapat talaga mga 17 percent para maganda ang ating koleksyon na comparable sa ating mga kapit-bahay sa buong Asya.

Q: 17 percent?

SPMBV: 17 percent tax revenues over GDP. Mga 1997, ganoon kaya lang bumaba to as low as mga 12.5 percent. Subalit nabawi iyan at umaakyat na tayo sa mga 14.3 percent. Kailangan na lamang ituloy ang pagtaas na iyan.

Q: Hindi ba target ng government, by 2008, balanced budget.

SPMBV: Hindi siguro kaya iyan. Sapagkat kapag binalance mo naman ang budget ng 2008, kailangan din kasi ang konting pondo sa pump-priming ng ating ekonomiya, kailangan pasiglahin din ang ekonomiya. Sa palagay ko, babalansehin iyan. Siguro liliitan lamang ang deficit kagaya ngayon P63 billion na ang ating target deficit na halos 2 percent lang ng budget. Pero puwede na iyan sa tingin ko. Kapag pinwersa nating balansehin, marami naman tayong magsa-suffer na social expenditures at kawawa naman ang ating mga mamamayan.

Q: Noong eleksyon may ni-release ang Malakanyang na P1 billion for irrigation

SPMBV: Puwede nating hanapin kung saan napunta iyan, kung sino na-irrigate o kung anong irrigation ang nagawa sa P1 billion.

Q: Sino ang mag-iimbestiga?

SPMBV: Agriculture siguro. Lilitaw iyan sa budget proceeding.

Q: Sino ang dapat sisihin sa low revenue tax collection?

SPMBV: Mahirap nating sabihin kung sino ang may kasalanan. Syempre over-all muna, pananagutan ng pangulo iyan. Pangalawa, syempre iyong kanyang mga subordinates, ang BIR commissioner o ang Customs commissioner. Iyan naman ang dalawang nangungulekta. Kaya syempre, gustuhin man nila o hindi, talagang dahil sila ang pinuno, sila ang masisisi diyan. Maliban na lamang kung talagang masyadong mataas ang nai-set na target na imposible nang ma-attain. Kagaya ng sinasabi noong araw na masyadong mataas naman ang target. Kailangan din kasi na ang target ay realistic para hindi tayo nangangarap, at least makakaplano tayo ng mahusay.

Q: Going back to CA, may magagawa ba ang Senate to compel cabinet members to submit the requirement

SPMBV: Ang problema kasi sa ating batas, habang nirere-appoint wala kaming magawa. Dati kasi ginagalang ng pangulo ang CA, pero ang ginagawa ng mga ibang cabinet members ay sinasamantala iyan at nagpapa-appoint na lamang muli. Obviously, ang isang cabinet member na gumagawa ng ganyan ay may approval ng pangulo dahil sa hindi sila natatakot na hindi makumpirma, confident sila na sila ay ia-appoint uli. Kaya ito nga sana ang aking sinasabi na sa ating mga nanunungkulan, gumalang sa ating konstitusyon at igalang nila ang ispiritu ng ating batas na merong check ang balance.

Q: Parang nababastos na ang CA?

SPMBV: Medyo nga. Matagal na iyan at wala naman kaming magawa dahil iyan ang lumalabas sa batas. Iyan ang maliwanag na nasa batas din at hindi naman kasi inaakala ng gumawa ng ating konstitusyon na ang mga manunungkulan ay magkakaroon ng ganyang attitude. Ngayon lamang nangyayari iyan. Dati naman noong nakakaraang administrasyon, ang mga gabinete ay natatakot gumawa niyan. Subalit ngayon ay parang walang takot at tahasang winawalang-respeto ang ating batas.

Q: Wala na bang magagawa sa bagay na iyan dahil maraming cabinet nominees na deliberate na hindi nagsa-submit ng papers.

SPMBV: Yes, iyong iba hindi talaga nagsa-submit. Kaya ang sabi ko, malakas din ang loob. Kaya naman lalakas ang loob niyan, kung meron lamang approval ng pangulo sapagkat kung hindi tino-tolerate ng pangulo iyan, kung hindi kinukunsinti ng pangulo iyan, sigurado namang matatakot iyan. Kaya walang takot iyan, palagay ko alam nila na sila ay ia-appoint uli.

Q: On Senate Electoral Tribunal

SPMBV: Siguro mauuna muna ang mga committee. Meron kaming deadline diyan, kasi CA ang may deadline pero sabay na halos iyan dahil normally pagbuo mo ng CA, nabubuo na rin ang SET. Kasi iyong mga hindi mo maa-appoint sa CA, normally ia-appoint mo na sa electoral tribunal.

Q: Sino naga-appoint doon?

SPMBV: Iyong grupo. Normally pinag-uusapan namin iyan. Consensus iyan. Parang nagkakaroon ng meeting of the minds sa bagay na ito kung sino-sino ang pupunta sa CA at kung sino ang pupunta sa SET. Of course naiintindihan natin na baka magi-inhibit si Senator Pimentel at saka si Senator Zubiri.

Q: Si Senator Zubiri mapupunta na lang sa CA?

SPMBV: Siguro o kaya wala. Pero hindi siya pwede sa SET dahil siya ang involved.

Q: Will you respect the party allocation pagdating sa CA?

SPMBV: Normally pinagkakasunduan lamang iyan kung magiging majority-minority. Pero syempre, sa konstitusyon talaga, partido iyan.

Q: Ang biggest bloc actually sa Senate is the LP, there are four LPs. Automatically two seats sa CA iyon.

SPMBV: Kapag nag-partidohan, mag-iiba iyan sapagkat by party, iba na ang hatian. Kaya lang sinasabi ng LP na oposisyon sila, baka gusto rin nila iyon. Kaya ayokong pangunahan sila kung gusto nilang bilang liberal sila o bilang oposisyon.

Q: Ano po ba dapat masusunod? Party affiliation?

SPMBV: Dapat party. Kaya lamang kung magkakasundo naman, walang problema. Pero partido talaga iyan.

Q: Kung kay joker na ang blue ribbon

SPMBV: Wala pa atayong pinag-uusapan sa bagay na iyan.

Q: Si Alan Peter ba magkakaroon ng major committee?

SPMBV: Siguradong merong major committee si Senator Peter Cayetano. Lahat ng miyembro ng mayorya ay merong major committee.

Q: Ilan po sa minority?

SPMBV: Wala pa naman. Sa bagay, kung tutuusin, wala namang major at minor committee dahil sa ang minor committee ay puwedeng maging major kung magaling ang chairman. At iyong major committee naman ay puwedeng maging minor kung hindi magaling ang chairman.

Q: Sir, pakunswelo iyon?

SPMBV: Hindi naman. Kasi kung hindi naman importante ang mga committee na iyon, dapat alisin na. The mere fact na hindi inaalis iyan, ibig sabihin niyan mahalaga iyan. Lahat ng sector ng ating lipunan ay mahalaga at hindi naman natin puwdeng sabihin na hindi mahalaga iyan. Halimbawa, cooperatives mahalaga iyan. Napakahalaga sa ating lipunan ng mga kooperatiba.

Q: Waalang major committee na mapupunta sa minority?

SPMBV: Walang definite. Pwedeng meron, pwedeng wala. Depende sa usapan.

Q: Sabi ni Senator Joker

SPMBV: Hindi ko alam ang sinasabi ni Senator Arroyo pero lahat naman ng senador ay puwedeng hindi. Iyong iba kasi gustong mag-focus. Iyong iba ang gusto isang committee lang dahil meron talaga ang gusto ay mag-focus sa kanyang committee at pagbuhusan niya talaga ng oras.

Q: On pinoys in Iraq

SPMBV: Marami talagang nangyayaring mga problemang ganyan. Pero iyan talagang tahasang panloloko iyan. Dito sa ating bayan marami ding mga scrupulous na recruiter at iyan ay dapat matigil. Matagal na nating dinadala iyan sa atensyon ng ating foreign relations at DOLE. Sa kanila kasi iyan, sa POEA. Dapat ay i-police nila ang ranks ng mga recruiters. Syempre ang sinumang recruitment agency na gumawa niyan ay dapat managot. Ang kinakaba ko lang, maaaring ito lang ang nakita. Palagay ko marami ring pangyayari na ganyan at hindi lamang nadidiskubre.Palagay ko hindi lamang iyan ang pangyayari na ganyan at maaaring hindi lamang nakarating sa ating kaalaman. At least ngayon ay alam na natin iyan at nasasa ating department of Labor na ang kanilang aksyon sa bagay na ito. Talagang dapat nilang bigyan ng karampatang aksyon ang problemang ito.

Q: Wala kayong plano sa 2010?

SPMBV: Matagal pa iyan. Dapat pag-usapan muna natin ang kahirapan ng bayan.

Q: On Nacionalista Party centennial anniversary

SPMBV: Ang Nacionalista Party ay magse-celebrate ng 100th anniversary this year. Ito ay isang napakalaking bagay sa parte ng Nacionalista Party na pinakauna dito sa Pilipinas.

Q: May LEDAC na kayo next week?

SPMBV: I have received an invitation, wala naman akong nakikitang masama diyan dahil sa nakikita ko talaga na dapat magkaroon ng kooperasyon ang ating mga ahensya ng gobyerno, hindi lamang ang Senado at Mababang Kapulungan kundi mahalaga na magkaalaman din tayo ng mga prayoridad ng bawat isa. Hindi ngangahulugan na kung ano ang lumabas doon, iyon na ang ating susundin. Mahalaga na malaman din natin para sa ikabubuti ng ating bayan.

Q: Doon na kaya i-float iyong need for emergency power?

SPMBV: Sila naman doon nagsasabi lamang ng gusting panukala. Ngunit hindi naman necessarily na iyon din ang prayoridad ng Senado. Pero at least alam natin. To be fair with them, to the executive department and the lower house, dapat naman din pakikinggan din natin sila kung ano ang prayoridad nila at ipapaliwanag din natin kung ano ang prayoridad ng Senado nang sa ganon ay nagkakasundo-sundo para tumaas naman ang level ng produksyon natin.

Q: On Marcos wealth

SPMBV: Pinag-uusapan na iyan. Hindi natin alam kung napakatagal na ito. Hindi natin alam kung ano na ang nangyayari kung bakit suddenly meron daw ebidensya si Congressman Marcos. Siguro maganda rin naman na marinig natin muna bago natin tutulan ang anuman.

Q: Sir ipapa-abolish nyo ba ang PCGG?

SPMBV: Siguro ito ang kadahilanan para huwag ipa-abolish ang PCGG kasi gusto nating malaman muna kung ano ba iyan. Mukhang dapat malaman natin din. Sa akin, mahalaga ang katotohanan. Kaya kung noon ipapa-abolish, biglang dumating ito, siguro after this muna para malaman natin talaga kung ano ba iyan.

Q: Importante daw ang political positioning, bakit po sir?

SPMBV: Tuwing magkakaroon ng eleksyon sa national, kailangan ng organisasyon. Ang NP naman ay isang partido na nagbabalak na maging number one uli at desidido ang NP na maging isa sa dalawang pinakamalaking partido sa buong kapuluuan in the next few years. You can just watch the NP. (end)

News Latest News Feed