Press Release
August 6, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

On committee chairmanship

SPMBV: Tapos na ang organisasyon ng Senado. Halos 100 percent na, konti na lang, one or two, pero hindi naman importante na iyan. Kaya ngayon ay makakasimula na ng trabaho ang Senado. Tapos na ang organisasyon. We are all set. Bukas naman ay makaka-attend tayo ng LEDAC. Aattend ako doon para naman malaman ko ang prayoridad ng executive department. Meron din kaming sariling prayoridad, ikukumpara namin ang dalawang set of priorities.

Ethics, public services have not been assigned?

SPMBV: Iyon naman ang mga committees na hindi rin naman nagmamadali. Iyong accounts ay nai-assign kay Senator Pangilinan. Ang hindi na lamang naii-assign ay iyong Ethics at Public Services. Iyan ay pag-uusapan pa subalit wala namang controversy diyan dahil sa iyan naman ay iniiwan namin sa kasalukuyang chairman ngayon ang pagpapasya sa committee na iyan, si Sen. Arroyo.

Are you waiting until such time Sen. Arroyo reconsiders and accepts committee chairmanship?

SPMBV: Sa akin siya pa rin ang dapat pinakamagaling na chairman diyan. Subalit iyan ay nasa kanyang pagpapasya at hindi naman kami magpapasya diyan nang wala siyang desisyon. Kaya iyan ay naka-reserba para kay Sen. Arroyo.

On reunification talks

SPMBV: Sa akin mahalaga na buo ang Senado. Hindi rin lamang ang oposisyon, administrasyon. Napakalaking bagay na ang Senado ay makatulong sa ikalulutas ng problema ng bayan ngayon at hindi lamang ang kailangan ay unity sa panig ng mayorya o minorya. Mahalaga na magkaroon ng unity sa buong Senado. Sana itong nangyari ngayon na nabuo na ang organisasyon ay magsimula ng pagiging united ng Senado kagaya ng dati. Marami kaming problemang hinaharap at dito dapat kami magtuon ng pansin. Dapat magsimula na ang mga committees sa lalong madaling panahon para nang sa gayon ay magkaroon na kami ng mga tatalakayin sa floor sa mga darating na panahon. Ako ay nagagalak at natapos na rin ang organisasyon. Hindi naging madali ito subalit sa huling oras ay nagpasya rin naman ang lahat na kailangan na rin para makasimula na ng trabaho sa Senado. Kailangan tapusin na rin ito.

Will you be presenting the Senate's legislative agenda sa LEDAC

SPMBV: Mayroong sariling agenda ang Senado. Ito ay ikukumpara namin sa agenda ng Mababang Kapulungan at ikukumpara namin sa agenda ng Malacanang. Iyan ay titingnan naming kung saan kami magkakaroon ng common items sa agenda. Pero mahalaga rin na meron kaming unity sana nang sa ganoon ay mas mabilis ang maging aksyon ng buong gobyerno sa pagharap sa problema ng bansa Papakinggan ko lamang ang kanilang priorities, ikukumpara ko sa aming priorities, ikukumpara ko sa priorities ng mababang kapulungan. Hopefully, makakagawa kami ng isang magandang common agenda. (end)

News Latest News Feed