Press Release
August 23, 2007

Transcript of Kapihan sa Senado with Senator Chiz Escudero

On the revival of the Hello Garci probe in the Senate

Sinasabi nila na lumang isyu ito subalit hindi naman natuldukan yung isyu nang dininig yan sa House of Representatives, isa ako sa mga nagtanong kay Doble noon at hindi siya nagsabi ng totoo nang tinanong ko kung siya ba ang nagtapped ng mga telepono na nagng produkto ay yung tape. Bakas naming s amukha ni Doble at sa tinig na binigay niya sa amin at narinig namin na talagang may tinatago at kinakabahan siya. Magandang pagkakataon ito kung baga sa korte newly discovered evidence ito na rason at dahilan para buksan muli ang pagdinig na ito. Kung hanggang saan ito darating kung tulad nang binanggit kagabi ni Senator Richard Gordon baka daw umabot ito sa impeachment hindi naming dapat ito pag-usapan, hindi naming tatanggaping rason yun para hindi ito dngging at magkaroon ng hearing sa simpleng rason, baka mamaya iba't-ibang inquiry ang gagawin naming at gagamiting dahilan na ng sinuman ang ipapatawag namin baka impeachable ito kaya wala kayong karapatangg dinggin ito. Malawak ang oversight function ng senado at marapat at dapat lamang na gawin naming ito sa puntong ito dahil hindi naman natuldukan ito noon.

On invoking EO 464..

I don't think they can invoke EO 464 if at all they can invoke MC 108 but we will test the validity of MC 108 in so far as this particular hearing is concerned. Simple lang ang panawagan at hamon namin sa mga executive officials o officials sa executive department: kung wala kayong tinatago wala kayong dapat katakutan. At kung hindi talaga totoo ang paratang dapat tingnan pa ninyong magandang pagkakataon ito para magpaliwanag at linisin an ginyong pangalan kung ang paratang naman ay walang basehan ayon sa inyong pananaw. They should in fact welcome this inquiry and opportunity to cleanse and clear their names if indeed they have no accountability and if they did not violate any provision of the law.

Narefer sa committee on rules yung talumpati ni senador Gordon at yung reservations niya, ninais ko sana mag-object kagabi dahil dapat nirefer na yung speech ni senador Gordon sa committee of the whole sang-ayon sa Section 3 in relation to section 8 ng ating inquiries in aid of legislation, kanya nga lang pumayag at nag-agree ang majority at ang minority leader kagabi na doon na lamang ibato. Hindi na ako nag-object sa kadahilanang pumayag na rin naman si Senator Pimentel sa pag-refer niyan subalit kung susundin ang rules dapat sinunod ang Section three at eight committee of the whole na ang nagdsisyon dapat niyan.

Constituted na ang committee of the whole, kung magkaka-inquiry man committee of the whole ang gagawa niyan kaya nga lamang kinukuwestiyon tila ni Senador Gordon ang jurisdiction ng committee na dinggin ito dahil wiretap daw ito at illegal para dinggin iyan ng Senado. Ang simpleng sagot naming doon ay kung wiretap nga ito, rights to privacy ang bina-violate natinito by its very name private right ito. Kaninong rights to privacy ang bina-biolate natin eh wala pa namang umaamin na kanila yung boses na yun. Let them come forward and file a case against violation of the anti-wiretapping law against Doble pero dapat aminin muna nila na boses nga nila yung nandoon sa tape. Pangalawa maski na wiretap conversation ito pinag-usapan nay an sa Kamara noon. Following precedents in the US that are also applicable suppletory (Supple'to'ry) here in the Philippines, in the case of Katz versus US and Gloria Bartnicki versus Vopper, the United Sates Supreme Court said as against the right to privacy and right of the public to know on matters of public concern, dapat mag-give way yung rights to privacy. May karapatan ang mga kababayan natin mapakinggan ang anumang impormasyon na may kinalaman sa isang bagay na dapat lamang nilang marinig at malaman.

Na-play yung tape kung maaalala nyo sa House of Representatives kaya lang depektibo yung speaker sa House of Representatives, yung spekar ha na pinakikinggan, hindi yung speaker, speaker mismo. Depektibo kaya hindi masyadong narinig pero na-play naman sa publiko sa pamamagitan ng media outlets partikular na na radio at TV yung tinatawag nating Garci tapes.

Tuloy ba ang investigation kasi may reservations si Sen. Gordon?

I think it will and I think it should, tinanong ko si Senador Gordon kagabi, hinaharang mo ba yung imbestigasyong ito, sabi niya hindi naman daw. Tingnan natin kung yun nga ang magiging resulta bugso ng kanyang mosyon na ni-refer sa rules committee.

So how to resolve this?

It will always end up in a vote, the Senate being a deliberative body will always decide matters that we do not agree on via a vote, given the fact that it is a committee of the whole, then the vote of each and every senator would be counted and heard.

Are you confident majority ay boboto in favor?

Kumpiyansa ako na makukuha naming ang mayoriya kung tatayo at paninindigan lang naman ng lahat na nagsasabing oposisyon sila na oposisyon talaga sila kaugnay ng partikular na bagay na ito.

At the end of the day it will still be voted upon by the committee of the whole.

On the role of the committee on rules

But it would have to be referred back to the committee of the whole and to the Senate as a whole if at all regarding any matters that can be recommended by the committee of the rules. Recommendatory lamang ang committee of rules kung saka-sakali.

Wala daw kredibilad si Doble

Titimbangin ng bawat senador ang kredibilidad ni Sgt. Doble, titimbangin din yan n gating mga kababayang mapapakinggan at mapapanood siya. Hindi para sa amin na sabihin na siya ay may kredibilidad o wala siya kredibilidad. Marapat na ang bawat isa sa amin timbangin yan at husgado kung magsasampahan na ng kaso ang pinal na magsasabi kung kapani-paniwala nga ba o hindi ang kanyang testimonya. Ang mahalaga sa amin sa ngayon nalagay sa record, nalagay sa pormal na record ang kanyang testimonya para magamit sa hinaharap pa at sa iba pang mga proceedings kaysa sa kuwentuhan at tsismisan lamang ang kanyang testimonya at ang kanayng mga assertions ay sinasabi lamang sa pamamagitan ng interview sa media.

You expect any admission from Garci and specially the 'Lady?'

Before any case can be filed against violation of anti-wiretapping law, before anyone can avail of the sop-called rights to privacy the persons whose rights are violated must first come out. Aminin muna nila na kami yun at aminin nila na boses nila yun at nilalabag mo yung right of privacy ko. Paano kung nagsasabi ng totoo si Bunye, paano kung naniniwala tayo kay Secretary Bunye na manufactured pala yung tape, eh di wala tayong bina-violate na anti-wiretapping law, wala tayong bina-vilate na rights to privacy. Importanteng malaman yun kaya importante na mayroon tayong pagdinig.

Papano kung walang umamin?

Isa lamang yun sa mga paraan para i-establish yun, ang pangunahing paraan ay lumabas yung nag-tape dahil hearsay yan hangga't hindi lumalabas yung nag-tape. Parang my ipi-present na picture sa korte. Hindi yan tatanggapin ng korte maliban na lang kung magte-testify yung kumuha ng litrato. Ganoon din yun pagdating sa kaso ng pagti-tape.

To invite Garci

It think it will come to that, depending on how senator Lacson would like, as the person who delivered the privilege speech would like to bring this particular issue. Importante pananagutan, importante accountability, importante mga puwede nating gawin sa pamamagitan ng lehislasyon kung papaano malilinis ang proseso ng halalan at pagsunod ng mga military at government officials sa batas.

May kaibahan ba yung testimony ni Doble sa House of Representatives?

Wala naman siyang sinabi nang humarap siya sa amin sa Kamara de Representantes at wala ring naman sigurong conflict kung haharap siya dito kung wala rin siyang haharap din kung ska-sakali.

Just a word of reminder din, maraming nagsasabi na wala na namang gagawin ang senado dahil sa ganitong uri ng mga imbestigasyon, kabilang na ang planong imbestigasyon sa giyera sa Mindanao. Hindi po parang kabayong may piring ang mga senador at Senado na iisa lamang bagay ang puwedeng gawin kada pagkakataon, dapat at kayang gampanan ng Senado ang paggawa ng batas na makabuluhan at pag-imbestiga ng mga bagay na ito. Mas maganda pang ngang gawing sulit ang binabayad n gating mga kababayan sa pamamagitan ng maraming trabaho na puwede naming gampanan habang kami ay naririto.

Hindi makakaapekto sa trabaho ng Senate?

Sa palagay ko hindi at dapat hindi.

On Justice Secretary Gonzalez threath

Ginagalang ko ang mas nakakatanda sa akin, subalit hindi ako sang-ayon na gantihan ang pagpapatupad ng batas. Kung may paglabag sa batas dapat imbestigahan at sampahan ng kaso ang sinumang dapat managot at hindi ipinagpapaliban yan o bigla na lamang minamadali yan dahil lamang mayroon silang gustong gantihan o bawian. Klarong mali ang ganayng uri ng kaisipan at pananaw lalo na sa parte ng Dept. of Justice na ang simbolo sana ay babaeng nakapriring, may hawak na timbangan na pantay at walang kinikilala.

Parang blackmailing

Pang-ba-blackmail naman na klaro yun kaya nga sabi ko mali at hindi dapat ginagawa ng kalihim ng DOJ na dapat walang pinapaboran, walang kinikilingan at walang tinitititigan kumpara sa tinitingnan lamang.

On committee of the whole handling the investigation

Kaya nga nagging committee of the whole, ang involved diumano dito ay mga sundalo kaya committee on national defense, tungkol diumano s adayaan sa election kaya commotee on electoral reform, mayroon din daw service provider na telecom na involved kaya puwede ring public services, kung hindi binayaran yung mga nag-wiretapped kaya may labor tayo, kung binayaran sila baga hindi nagbayad ng buwis eh di ways and means. Kung tinuturo yan baka tinuturo nang mali eh di education, kung ginamit ang bangko para bayaran sila eh di banks, kung may involved kung saka-sakali na ibang tao na kada election na ginagawa nila yan, eh di trade and industry na din. Ano ang punto, ang punto ay napakaraming batas na maaring pag-ugatan ng imbestigasyon at inquiry na ito kaya't minabuti na naming na committee of the whole na ang gamitin.

How can you guarantee it won't affect senate priorities like the proposed 2008 national budget, JPEPA?

It's a question of scheduling, hindi naman naming puwedeng kalimutan ang isang trabaho ng Kongreso kapalit ng ibang trabaho ng Senado. Dapat gampanan lahat naming yun at schedule lamang naman ang katapat. Ang rason kung saka0sakali na ma-delay ang anumang trabaho ng senado, schedule lamang at walang iba, gaya nga ng nasabi ko kanina na marami kaming nagagawa dapat matuwa pa ang mga tao dahil sulit ang binabayad na suweldo sa kada senador.

On Comelec's opinion on Doblehindi daw sila maka-move on dahil may panibago na naman..

Dapat naman talaga na hindi sila mag-move on kung may panibagong imbestigasyon. Kung ang dahilan nila wala naman daw sinabi si Doble noon kaya close book nay an puwes nagyon may sinasabi, kaya dapat din sigurong buksan din nila subalit hindi ko rin sila siguro masisisi dahil kung sila rin mismo kung saka-sakali ang matatamaan ng imbestigasyon maski na siguro ayaw ding buksan muli ang bagay nay an.

On invoking EO 464

Dapat hindi na gamitin ang EO 464 at MC 108 sa simpleng kadahilanan, ang walang tinatago walang dapat katakutan at nagnanais na maglinis ng kanilang pangalan dapat tingnang magandang pagkakataon ito para magpaliwanag at ibigay ang kanilang panig. Iisa lang ang dahilan na aking iko-conclude kung hindi sila sumipot sa pagdinig, may tinatago talaga sila at may paglabag sa batas silang ginawa kung kaya't ayaw nilang humarap sa Senado at gamitin ang pagkakataong iot.

Maraming batas na gustong ipasa ng executive branch, pagsila ang may kailangan nagkukumahog at nag-uunahan mag-attend dito sa Senado at sa Kamar de Representantes. Papaano kung Senado at Kongreso naman ang may kailangang impormasyon, isasampal sa amin ang MC 108 at EO 464. Hindi naman siguro tama yun, impormasyon lamang an gaming hinihiling, kaalaman lamang an gaming karagdagang hinahanap, walang dahilan para ipagkait pa yun.

What if they insist in invoking EO 464?

Doon na papasok yung sinasabi ni Noynoy na constitutional crisis. Mabigat mang pakinggan sa tainga ang ibig sabihin laman naman ng constitutional crisis iba ang paniniwala ng isang co-equal branch sa paniniwala ng isa pang co-equal branch. Katulad nito naniniwala halimbawa ang Kongreso na kayang ipatawag at hindi puwedeng sangkalan yan, naniniwala naman ang executive na puwedeng gamiting sangkalan yan, sasitwasyong ganyan Korte Suprema ang magdedetermina kung kinakailangan para sa kada sitwasyon nay an ay magka-crop up at lalabas.

Kailangan pa bang maglabas ng panibagong ruling ang Supreme Court?

Theoretically hindi pero kung may nagmamatigas na ulo at ayaw makinig, tulad nga nang nasbi I Noynoy mas madaling gisingin ang tulog kaysa sa nagtutulugtulugan at makakita ang bulag kaysa sa nagbubulagbulagan, kailangan at wala tayong ibang kahihinatnan kundi ang husgado na naman.

Puwede bang ipa-contempt?

Kasam yun sa poder na maaring gamitin ng senado subalit ayaw kong pangunahan ang paggamit ng kapangyarihang yan ng Senado na ang magdedetermina ay mayoriya ng mga miyembro ng Senado

On Doble's credibility

Ayaw kong pangunahan yung pagbigay niya ng testimonya at magbigay ako ng trust rating, pero huwag na tayong magulat kung mas mataas ang lalabas na trust rating ni Doble kumpara sa ialng mataas na opisyal ng gobyerno natin sa ngayon.

How about yung mga matataas na opisyal ng ISAFP?

Kailangang simulan doon at matapos doon depende sa kanyang sasabihin at depende sa paniniwalang sasabihin niya ng Senado mismo doon namagsisimla ang pagpapatawag ng iba pang mga taong kinakailanga. Sang-ayon sa rules ng kahit na naong parliament kapagka may pangalang nabanggit saq anumang narinig may karapatan ang sinumang taong yan na nabanggit ang pangalan niya na magpunta rito at magsalita at ibigay ang kanyang panig. So depende sa sa magiging takbo ng pagdinig at mga pangalang mababanggit doon kung sino pa ang karagdagang mga taong iimbitahan ng Senado.

Kaming mag baguhan sa Senado hindi pa naming alam kung ano ang concerted at hindi concerted, pero kayo na rin mismo ang nagsabi noong una pumayag bandang huli tila hindi na, yan na rin siguro ang ebidensiya na hindi concerted sa kanila na mismo at tila walang klaro kaugnay sa kung ano, kailan at paano dapat gawin ang isang bagay. At least nitong nagdaang dalawang araw, subalit kung may kamay man ang Palasyo o wala, marapat na pagdesisyunan ng kada senador yan sa kanyang indibidwal na kapasidad anuman ang gagawin naming dito dahil co-equal independent branch ang Kongreso at Senado.

In aid of presidential election ang pagbuhay ng Hello Garci tape

In aid talaga yan of the 2010 elections dahil kailangan malinis natin ang eleksyon, ang sistema bago tayo mag-eleksyon sa 2010. Hindi ito in aid of the election of a particular candidate pero in aid ito of elections not only in 2010 but subsequent elections para maiwasan na natin yung mga kamalian at maling nagawa noong nagdaang halalan.

On Sammy Ong as witness

Ang papel lang naman ni Sammy Ong ayon sa kanyang mga pahayag noon na siya ang may hawak ng mother of all tapes na sinasabi niya subalit wala naman siyang papel na ginampanan sa aktuwal na pag-wiretap. Wala siyang sinabing ganoon, hindi ganoon ka-vital sa sequence ikanga of events si Atty. Sammy Ong sa ngayon.

As chairman of the committee on justice and human rights, what are your priorities?

The committee on justice and human rights has been formally constituted since last week and finalized yesterday given some substitution of members, the same is true for the committee of ways and means. We already conducted our initial organizational meeting and we expect to conduct our first hearing next week kaugnay ng kay Jonas Burgos dahil may bago kaming rules in aid of legislation. Marapat at kailangan na ipublish pa yung rules na yun bago maging effective at bago kami makapagpatawag ng testisgo with respect to inquiries in aid of legislation. But as soon as next week we intend to initiate some actions, proactive actions regarding this and other cases particularly the civilians caught in the crossfire in the enraging and ongoing war in Mindanao pero ayaw kong pangunahan ang komite hangga't hindi pa nababasbasan ang mga kautusang yan ng komite sa pagdinig naming sa Wednesday.

On justice committee's intention to appoint a general counsel

Nasa rules ng senado na maliban sa blue ribbon committee, pati ang justice committee at kung hindi ako nagkakamali pati ang ethics committee puwedeng kumuha ng general counsel. Nilagay naming sa rules yun at nang pinag-usapan yung rules sa aming committee hearing this week, it was even broadened to be able to engage the services of special counsel for special purposes, soisa sa pinag-aaralan at ipapanukala ko next week sa pagdinig ng committee on justice ay magkaroon ng special counsel partikular na dito sa Jonas Burgos case, gayundin special counsel para sa nangyayaring human rights situation sa giyera sa Mindanao. Ilang paraan ito para mapalawig ang kakayanan ng komite, maging proactive ang komite at diretsong makakuha ng impormasyon diretso mula sa field ang hindi naaantala ang oras at trabaho ng kada senador.

Sino yung pipiliin nyo as the general counsel?

I wouldn't want to preempt, we will be proposing some names in our hearing next week and hopefully the committee would subscribe to some of the names in the list, at least one.

Adel Tamano being the general counsel

Siyempre, nandoon siya palagi sa mga kinokonsidera. Pero kasama yun, I assure you. On our part it's the committee that will decide, in fact due courtesies will be given to the committee but under our rules it's the chairman that will designate.

Are you willing to also conduct investigation into the Kuratong Baleleng case as chairman of the committee on justice and human rights, DOJ Sec. Gonzalez is planning to revive the case

Gaya nang nasabi ko kanina ang pagpapatupad at pagsunod sa batas ay hindi binabase sa bawian, galit o gantihan. Kung anuman ang resolusyon na ihahain sa aming komite bibigyan naming ng karampatang atensyon at pantay na atensyon, sino man ang matamaan, sino man ang masagasaan.

Hello Garci probe to unite opposition

Two out of the three votes, nakita natin yung boto ng oposisyon lumabas. Di ba yung mga bumoto kay Trillanes at yung bumoto para mag-organize na, sana umaasa ako na isa rin ito, amgiging pangatlo ito doon sa botong makikita natin ang boto ng oposisyon sa Senado.

United ba ang oposisyon sa stand nyo to support the reopening of the investigation?

I think various, several opposition members have already expressed their agreement with the speech and inquiry of senator Lacson and we hope that itong cbonding na ito ikanga ay magpapalakas at magpapatatag at magpapa-unite sa opposition dito sa loob at sa labas ng Senado.

May speculations na makakaapekto ito sa senate presidency ni Villar

I don't want to go that far, isa lamang ito sa isyu na pinag-uusapan gaya ng nasabi ko. The fourth vote if at all if indeed there will be a vote on this issue, pang-apat na botohan ito pero nakita natin two out of three votes lumabas ang boto ng oposisyon, yung tungkol sa prinsipyo, paninindigan at plataporma. Yung unang nagkahiwa-hiwalay kami isyu ng personalidad at politika.

Matatapos kaya ni GMA yung term niya dahil sa pagbuhay ng Hello Garci issue

Si Senador Lacson mismo ang nagsabi wala itong kinalaman sa anumang destabilization effort or effort of unseating the president. Katotohanan lamang ang habol, lehislasyon para malinis ang sistema ng halalan at dagdag pa rito pananagutan para doon sa mga lumabag sa batas.

Kung mapatunayan na nandaya sila, implication na yun

Hindi puwedeng pangunahan ng Senado ang bagay na yan, kailangan naming mag-ingat sa pagbanggit ng anumang bagay tungkol dyan dahil ay may kapangyarihan lamang na magsimula ng anumang impeachment proceeding ay ang House of Representatives. Uupo kami bilang huwes at juror sa bagay nay an kaya hindi dapat naming pangunahan ang bagay na yan.

Pero si GMA ang target di ba?

Maganadng itanong yan kay Senador Lacson, kung ano ang target niya sa kanyang privilege speech. Pinakita niya ang litrato pero kung maaalala ko wala siyang binanggit na pangalan nang isya ay magdeliver ng talumpati.

Hindi poot sa dibdib ang nagtutulak sa amin, gawin ang ibang bagay pa. Kagustuhang malaman ang katotohanan, kagustuhang malinis ang sistema, kagustuhang magkaroon ng katarungan at pananagutan sa mga opisyal sa gobyerno. Which begs the question, bawat opisyal ng gobyerno sumumpa na gagawin lahat nang nabanggit ko, hindi na naming dapat ipinapaalala pa yan sa kanila.

News Latest News Feed