Press Release
September 3, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: President Erap said he will not accept pardon. Does he have the prerogative to decline?

SPMBV: Palagay ko, naniniwala ang dating Pangulong Estrada na hindi naman siya guilty kaya niya nasasabi iyon. Ayaw niya na magmukha siya na nanghihingi ng pardon. Lubos ang paniniwala ng Pangulong Estrada na hindi siya guilty rito, wala siyang kasalanan kaya iyan ang kanyang sinasabi hanggang ngayon.

Q: So dapat iatras ang pardon?

SPMBV: Sa akin, huwag nating i-preempt muna dahil wala pang desisyon sa bagay na iyan. Kapag tiningnan mo ang mga arguments, makikita mo na mahirap ma-establish na meron ngang plunder na nangyari.

Q: So you'd rather wait for the Sandigan decision?

SPMBV: Ang sinasabi ko lang naman, nauunawaan ko ang posisyon ng Pangulong Estrada sa bagay na ito at matagal na nga naman siyang nakulong. Syempre ang gusto niya ay vindication at hindi pardon.

Q: Cardinal Rosales said the Senate should put a closure on Hello Garci by not continuing with the investigation. Is that an encroachment on the Senate's function?

SPMBV: Hindi naman. Sinumang Filipino ay may karapatang magbigay ng komento sa ginagawa ng Senado at anumang komento ay welcome iyan. Naiintindihan naman namin na hindi lahat ng tao ay gusto na magkaroon kami ng imbestigasyon. Marami ring mga tao ang nagsasabi sa amin na dapat ituloy namin ang imbestigasyon. Ito ay isang bagay na hindi namin inaasahan na makakakuha kami ng 100 percent na suporta. Subalit ang maliwanag dito ay iginagalang namin ang opinyon ng bawat isa.

Q: There was a suggestion to issue a subpoena for Garcillano

SPMBV: Iniiwanan ko iyan sa chairmen ng mga committee na nag-iimbestiga dito. Mag-uusap-usap iyan kung sino ang kanilang inaakala na dapat i-subpoena at iyan ay aking iginagalang. Ang aking patakaran bilang pangulo ng Senado ay igalang ang desisyon ng mga iba't ibang chairmen na nag-iimbestiga ng iba't ibang mga issues.

Q: Does it have to go up to you?

SPMBV: Kung mga imbitasyon lamang, normally ay sila lamang iyan. Kung subpoena, kinakailangang dumaan sa akin iyan.

Q: What would you do with it, sir? Sign it?

SPMBV: Sa akin, iginagalang ko kung anuman ang request ng mga committee chairman. Napakataas ng paggalang ko diyan at halos sa akin ay ministerial na lamang ang ginagawa ko diyan. Of course, kung hindi ako sumasang-ayon ay kakausapin ko sila. Pero ganyan ang aking patakaran sa mga committee hearings, kung ano ang gusto ng mga committee chairman, may kakayahan sila at naniniwala ako sa kanilang kakayahan na i-handle ang imbestigasyon na iyan.

Q: There is also a proposal for the Senate to request that Garci be placed on hold-order list in connection with the hearings?

SPMBV: Sa akin, okay lamang iyan. Kung iyan ang gugustuhin ng committee at ipapakiusap nila, okay lamang naman sa akin iyan.

Q: Comment sa posibilidad na i-invoke ng Malacañang ang EO 464?

SPMBV: Ako ay naniniwala na ang EO 464 ay nadeklara nang unconstitutional ng Supreme Court. Sana igalang naman ng executive department iyang decision ng Supreme Court na iyan. Maganda rin naman na ipakita natin sa ating mga kababayan na wala tayong itinatago sa issue na ito.

Q: On mail-order bride investigation

SPMBV: Ako ay nabahala lamang dito sa mail-order bride na nangyayari ngayon sapagkat medyo marami pala ang involved, daan-daang libo. Ito ay isang bagay na dapat tingnan natin sapagkat sa palagay ko napapahamak ang marami sa ating mga kababayan rito. Ating obligasyon na bigyan ng pansin ito at tingnan kung paano natin sila mapapangalagaan at matitigil itong mga bagay na ito.

(end)

News Latest News Feed