Press Release
September 24, 2007

Transcript of interview of Senate President
Manny Villar with Erwin Tulfo and Doris Bigornia

Q: Ano na po ang mangyayari sa ZTE investigation matapos na suspendihin ito ng Korte Suprema at maging ang Pangulong Arroyo ay sinabi na suspended muna at lets leave it to the court, tapos na rin po ba ang imbestigasyon ng Senado?

SPMBV: Hindi naman, hindi lang naman yun ang pakay. Marami pa tayong dapat malaman. Bagama't pinapupurihan natin ang pangulo sa pagsuspinde sa deal, pero mas paupuirhan sana natin siya kung tuluyan ng kinansela ang kontrata. Kung kinansela nab aka ako mismo ay magrekomenda na i-wrap up na ang imbestigasyon. Pero sa ngayon ay marami pang katanungan kaya'y kinakailangang matapos ng maayos, dahil bitin pa. Tinatanggap nama namin ng paborable ang desisyon ng pangulo dahil maganda 'yan sa imahe n gating bansa sa paglaban sa korapsiyon. kinansela na ang kontrata.

Q: Itutuloy pa ba ang subpoena kay First Gentleman Mike Arroyo

SPMBV: Worried din ang iba sa amin kaya't urong-sulong din kami sa bagay na yan. Nag wo-worry kami sa kanyang kalusugan dahil kagagaling lamang niya sa sakit at hindi pa talagang magaling 'yan.. At ang mahalaga kasi ay maipatawag muna namin ang lahat dahil marami pa kasi ang hindi nagsasalita. Hindi pa namin naririnig si Secretary Neri at baka dumating din si Chairman Abalos. Ito yung mga main players din naman na mas magandang marinig muna natin.

Q: Gaano katagal pa itong imbestigasyon na ito na tinitingnan natin?

SPMBV: Mabilis siguro ito kasi malapit na rin kaming mag adjourn.

Q: Kailan po ba kayo mag-aadjourn?

SPMBV: Tatlong lingo na lamang ang nalalabi sa amin.

Q: Magbi-break muna kayo?

SPMBV: Subalit maaari pa rin namang mag-imbestiga maski break. Kaya nga lamang siyempre mas magandang matapos iyan bago mag-adjourn pero kung hindi talaga at nasa sa committee iyan, pwede naming i-allow ang committee na mag-hearing maski na break.

Q: Ano po ang susunod na malaki-laking agenda ninyo pagkatapos po nito kung sinasabi ninyong mabilis na lang po ito. Tinatanong po nang taong bayan, mukhang pinaka-importante po yata itong "cheaper medicine bill".

SPMBV: Nais kong sabihin muna na bagama't nag-iimbestiga kami dito sa Garci, sa ZTE, ay tuloy ang aming pagtatalakay ng budget, tuloy ang aming pagtalakay ng JPEPA, at 14 na panukala, kasama na yang cheaper medicine, kasama yung sa Pamantasan ng Pilipinas sa pagtaas ng kalidad noon, kasama na yung pagbibigay ng mas maraming retirement benefits sa mga judges, at kasama na yung pagtulong sa mga maliliit na negosyanteng pinoy. Labing-apat (14) ho iyon na in-identify namin para habulin namin bago mag-adjourn kaya sabay-sabay ang trabaho namin. Ngayon kung magtrabaho ang Senado ay 5 days a week na, noong mga nakakaraang taon pag nagtrabaho ang Senado ay 3 days a week.

Q: So hindi pala naiiwan yung ibang mga imbestigasyon? Yung ibang mga hearing hearing diyan, Tuloy-tuloy pa rin?

SPMBV: Tuloy-tuloy kami, parang multi-tasking ang ginagawa natin ngayon para ma-maximize natin at lahat ng committee ay tumatakbo. Tuloy ang pagtalakay ng mga importanteng panukala at hindi naaapektuhan ang ibang imbestigasyon.

MORE

Q: Akala kasi ng iba ay sumesentro lang kayo dito sa ZTE deal?

SPMBV: Hindi, kanya-kanyang committee nga kami ngayon. Para hiwa-hiwalay at ang ZTE deal natin at ang Garci, ginagawa lang yan sa overtime, sa labas ng pangkaraniwang regularisasyon namin.

Q: Isang hirit nalang po, meron po ba kayong reaksyon doon sa sinasabing pagbibigay ng "Unconditional Pardon" kay dating Pangulong Erap?

SPMBV: Pinapupurihan ko ang pangulo diyan kung totoo yan, kung yan ang kanyang balak gawin. Ako'y natutuwa diyan at para naman magkaroon ng magandang wakas ito, sa aking palagay naman ay puwedeng tanggapin ng Pangulong Estrada iyan nang hindi naman niya inaamin na siya'y nagkasala, at 6 years na naman siyang nakulong, sa palagay ko naman ay pwede nang magsasara ng maganda ang chapter na ito at nang sa ganun ay ang bayan naman ay maka-abante na.

Q: Meron pong pahayag si dating Pangulong Ramos na sabi niya na maski isang araw lang daw ay dapat makulong itong si Erap?

SPMBV: Nakulong naman eh, at hindi ko naman maintindihan kung ano ang ibig sabihin nang hindi nakulong, 6 years naman yung tao na nasa kulungan. Of course kahit naman papano pagka nakulong ka naman, hindi naman ibig sabihin sa Muntinlupa, hindi naman ganun, nakulong din. Ang nakakulong ay hindi nakakalabas o yung walang kalayaang gumawa ng mga bagay na gusto niyang gawin ng walang pahintulot ang hukuman.

Q: Ayun. . . Correct me if I'm wrong, noong hinuli iyan ay binooking yan eh at dinala yan sa Kampo Crame. Nabooking yan, nakita at nilitratuhan na akala mo ay kriminal. Nag finger printing pa, nilagay yan doon sa Kampo Crame. Yan ang pagkakaalam ko diyan Mr. Senate President?

SPMBV: Totoo naman, at hindi na kailangan yung mga ganyang bagay. Sa South Korea nga ay 1 year lang ang kanilang dating pangulo na hinatulan lang at binigyan na nila ng absolute pardon. Sa atin nga ay 6 years and a half years na.

End of interview

News Latest News Feed