Press Release
September 26, 2007

Transcript of interview with Senate
President Manny Villar (DZMM)

Q: Kailan po ba ang huling araw ng sesyon at kailan kayo magbabakasyon?

SPMBV: ang Senado ay maaaring hanggang next week na lamang ngunit hahayaan namin ang mga komite at bibigyan natin sila ng pagkakataon na magtuloy-tuloy sa kanilang mga hearing kung gusto nila kahit nakabakasyon kami.

Q: Ano po ba ang mga panukalang batas na maaaprubahan bago ang bakasyon ng Senado?

SPMBV: Naaprubahan na namin yung panukala na nagbibigay ng mas malaking retirement benefits para sa mga judge at justices. Malaking bagay ito para sa kanila. Nakapila na rin yung bill sa turismo, ang tungkol sa UP chapter at panukala para sa kapakanan ng mga bilanggo. Pitong mga panukala iyan. Nakiusap ako sa mga committee chairmen na ipalabas na ang report tungkol sa mga panukalang ito ngayon o sa susunod na linggo para tuloy-tuloy na ang aming trabaho. Kasama na rin diyan yung Cheaper Medicine Bill, kung mailalabas ng komite.

Sana mauna iyang Cheaper Medicine Bill.

SPMBV: Iyan naman ay nasa komite sa pangunguna ni Sen. Roxas. Hinihintay na namin ang panukalang iyan.

Ang sabi ng DOH lalo na ngayong mga BER months na usung-uso ang maraming sakit na yung gamot ay pagkamamahal. Malaking benepisyo ito para sa Pilipino.

SPMBV: Totoo iyan. Normally kasi kapag mga unang araw ng sesyon ng Kongreso, wala pang masyadong naipapasa iyan dahil halos nasa komite pa lahat. 600 na panukala na ang nai-distribute sa mga komite.

Q: Hindi po ba sagabal itong sunod-sunod na mga imbestigasyon sa Senado?

SPMBV: Hindi naman dahil ginagawa naman namin ito sa labas ng session time. Pinakiusapan ko na rin ang mga committee chairmen na hangga't maaari ay gawin ang kanilang mga pagdinig na hindi nakakaabala sa sesyon. Katulad ng hearing ngayon tungkol sa ZTE deal, ito ay inaasahan nating matatapos bago mag-sesyon mamayang hapon.

End of interview

News Latest News Feed