Press Release
September 27, 2007

Transcript of interview with Senate
President Manny Villar (DZMM-DOS 4 DOS)

Q. (about Neri)

SPMBV: nag-worry na din ako para kay Sec. Neri, medyo may sakit siya. Di namin alam kung siya ay natatakot o desidido siyang gamitin ang executive privilege.

Q: Paano ho iyon Mr. President, hanggang doon na lang ba ang pwedeng mapiga kay Sec. Neri dahil nag-invoke siya ng executive privilege? Wala na ho bang magagawa ang Senado?

SPMBV: Pag-uusapan namin iyan. Kaya lang kagabi, kitang-kita na talaga namin na maysakit na si Sec. Neri. Siguro napagod na rin, at hindi na rin makatarungan na siya ay di pa namin pauwiin. Bagama't medyo bitin ang kanyang testimony ay nag-try din siya na magsabi ng totoo. Yun nga lang medyo pumara siya noong siya ay tanungin kung may nag-utos sa kanya, nag-avail na siya ng executive privilege. Yung pag-avail ng mga executive privilege, minsan ay indikasyon na iyan at naiintindihan na ng ating mga kababayan iyan. Kung wala ka rin namang sasabihin na damaging, bakit mo naman i-aavail ang executive privilege.

Q: Sa palagay niyo, bakit ginawa ito ni Sec. Neri? Siya po ba'y tinatakot sa inyong palagay o kinakabahan bilang bahagi ng pananakot sa kanya?

SPMBV: Ang pagkakakilala ko kay Sec. Neri ay simpleng tao iyan at palagay ko walang ipananakot sa kanya, Actually, mabigat kapag lumalaban ka sa Pangulo. Kapag may masabi ka laban sa Pangulo, mabigat iyan lalo na kapag ikaw ay miyembro ng gabinete. Hindi madali iyan. Kitang-kita mo talaga ang agony sa mukha ni Sec. Neri. Nahihirapan din yung tao.

Q: Kilala niyo ba ng personal si Sec. Neri?

SPMBV: kilala ko iyan at hindi ko itinatanggi na kaklase ko iyan sa University of the Philippines bagama't iba ang aming major.

Q: May mga nagsasabi na nag-aksaya lang ang Senado ng panahon sa 12 oras na hearing kahapon. Paano niyo po sasagutin iyan bilang Senate President?

SPMBV: Hindi pag-aaksaya ng panahon iyon. Maraming sinabi si Sec. Neri na mahalaga. Sa katunayan, pagkatapos ng executive session, nag-sesyon pa kami dahil may dalawang panukala na inisponsor si Sen. Chiz. Ihinabol namin kagabi. Hindi sayang ang oras namin. Bagama't paminsan-minsan di mo talaga makukuha ang lahat ng gusto mong makuhang impormasyon, pero sa kabila niyan, marami kaming natutunan kahapon at nagkaroon ng magandang pagkakataon ang ating mga kababayan na husgahan sa kanilang isipan kung sino ang mga nagsisinungaling sa ZTE deal. Kahit may komite at korte na tumitingin sa bagay na ito, mahalaga din ang korte sa isipan ng ating mamamayan at palagay ko kahapon, nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagpasya sa sarili nila kung sino ang mga hindi nagsasabi ng totoo sa broadband deal na ito. End of Interview

News Latest News Feed