Press Release
October 1, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: The President is going to China. Do you expect her to talk to officials there regarding ZTE?

SPMBV: Palagay ko isa iyan sa mga pag-uuspan at hindi lang naman iyan, marami talagang dapat pag-usapan to be fair with our President. Marami talagang dapat pag-usapan sa China. Napakaganda ng relasyon natin diyan. Maraming mga transaksyon tayo diyan at palagay ko kasama na ang ZTE diyan.

Q: Don't you fear na baka i-settle na lang nila doon when she goes to China?

SPMBV: Wala namang kinalaman iyan sa aming imbestigasyon sa Senado. Ang pangulo naman ay dapat gawin ang kanyang tungkulin. Ang sa akin, inuulit ko, kung ako ang sa Pangulo, kakanselahin ko na lamang ang deal na ito. Ngayon lumalabas kasi na talaga namang hindi kailangan ng bayan ang deal na ito at magandang kanselahin na lang hindi lamang ang deal na ito kungdi baka may mga iba pang deal na ganitong klase. Sana kanselahin na lang lahat at pagkatapos ay tingnan na lang natin ang mangyayari.

Q: Pero tuloy pa rin ang investigation if ever man na i-cancel iyon?

SPMBV: Kasi kailangang tapusin ang imbestigasyon at inuulit ko naman na hindi lamang iyon ang pakay. Importante ring malaman natin kung anong batas ang puwede nating gawin tungkol dito at mahalaga na mabago ang ating patakaran sa pagawa ng project na gaya nito para matigil na iyong mga ganito sa darating na panahon. Kailangan transparent. Itong style natin na ginawa sa China, maliwanag na hindi transparent ito. Kaya dapat siguro ma-improve natin ang batas natin para iyong mga ganitong transaksyon, transparent na at mas maliwanag na nakikita ng mga tao at wala iyong mga deal na nawawala ang kontrata sa hotel room. Hindi magandang tingnan iyon.

Q: Chairman Abalos is quite apprehensive kasi kung ibabase daw po sa pagtrato sa kanya ng mga senador the last hearing, mukhang impeached na rin siya pagdating sa Senate.

SPMBV: Hindi naman siguro ganoon kasi kami naman bilang senador, siyempre titingnan din namin objectively ang issue na ito kung darating man sa amin ang pagkakataon na iyan. Syempre iyong mga magtatanong, iba't ibang senador iyon pero iyong pangkalahatan, iba namang bagay iyon at ang required number of senators para mag-convict ng isang tao ay hindi naman majority, two-thirds iyan.

Q: May report sa Inquirer na allegedly, may ire-reveal daw po dapat si Chairman Neri the last hearing pero diumano pinigilan daw po ni Senator Joker, totoo po ba?

SPMBV: Sa executive session naman nangyari iyon kaya hindi kami allowed na magsalita tungkol sa executive session.

Q: Pinigilan po ba?

SPMBV: Alam mo hindi kami allowed na magsalita tungkol sa executive session. Bawal po sa aming mga senador ang mag-reveal ng anuman pong pinag-usapan doon lalong-lalo na bilang pinuno ng Senado, mahirap po tayong mag-reveal ng anumang pinag-usapan doon.

Q: Meron pong pagpipigil?

SPMBV: I don't know if I can disclose even that kasi baka naman makapag-bigay tayo ng hindi magandang halimbawa. (end)

News Latest News Feed