Press Release
October 1, 2007

Transcript of interview with Senate
President Manny Villar (DZXL)

Q: Magandang panukala ito, sino po ba ang nagpanukala na patawan ng mas mabigat na parusa ang mga magnanakaw, ang mga holdaper ng cellphone?

SPMBV: Nai-file ko iyan dahil sa noong mag-imbestiga ako, talagang gumagrabe iyan. Talagang ito ngayon ang pinaka-popular na krimen sa ngayon at marami talaga ang nagiging biktima kaya itong bill na ito ay nagpapanukala na taasan pa ang kanilang penalty from six to 20 years, pero kung may mamamatay ay maximum penalty ang ibibigay. At pinalawak ang mga involved, pati iyong mga bumibili ng nakaw na cellphone. At iyon pa ring telecommunication companies ay hinahanapan namin ngayon ng paraan para maghigpit sila at gumawa sila ng mga technological advancement nang sa ganon maging mas mahirap ang pagnakaw ng cellphone.

Q: Hindi lamang ang magnanakaw, pati ang mga bumibili ng nakaw na cellphone ay sabit dito?

SPMBV: Oo, dahil kailangan ma-discourage natin ang mga bumibili.

Q: Lalo diyan sa Quiapo, sa Divisoria, sa Greenhills, napakarami niyan, pati mga sanglaan ng mga cellphone, isa pa iyan.

Q: Lalo siguro ngayon na magpapasko.

SPMBV: Kaya bibilisan namin ito.

Q: Ngayon po ba kapag ang isang magnanakaw ng cellphone, ilang taon lamang ang kulong?

SPMBV: Depende, kung may masasaktan. At kung may mamamatay, maximum penalty.

Q: Marami po bang nagre-report?

SPMBV: Maraming hindi nagre-report kaya sabi ko nga noong mag-hearing ako, iyang mga statistics na iyan mali-mali iyan, napakarami talaga ang nawawalan hindi lang nagre-report. Kaya iyong nare-report sa inyo, maliit na bahagi lamang iyan ng talagang nangyayaring nakawan ng cellphone.

Q: So mas ma-eenganyo sila ngayong mag-report dahil mas mabigat na ang parusa?

SPMBV: Ayun, at hopefully mas matatakot ang magnanakaw at ang bibili.

Q: Paano naman po kung mismong mga pulis po ang tirador ng cellphone?

SPMBV: Mas malaking penalty kapag pulis ang gagawa niyan.

Q: Karagdagang budget na naman ito sa gobyerno kung tataasan natin ang parusa ng mga criminal na ito?

SPMBV: Hindi naman tataas masyado. Bagaman wala namang problema na lakihan natin ang budget para dito sa bagay na ito dahil talagang ito ay isang bagong phenomenon na talagang lumalaki nang mabilis kaya wala namang problema na dagdagan natin ang pondo para dito. In fact, gusto ko talaga na harapin na ito ng ating police agencies, mag-create na sila ng talagang all-out effort dito na properly funded para masugpo ito. Hindi na puwede ang pangkaraniwang approach lang dito.

Q: Kailan naman kaya magkakaroon ng linaw ang panukalang batas na ito?

SPMBV: Sa palagay ko, papasa nang mabilis ito sapagkat palagay ko wala namang tututol dito at talagang alam na alam nila na sa lahat ng kanilang nasasakupan, constituenst, ito ang hinihiling na panukala.

Q: Kapag pumasa po ito, six to 20 years ang pagnanakaw ng cellphone at kapag may namatay pa ay reclusion perpetua?

SPMBV: Oo. (end)

News Latest News Feed