Press Release
October 1, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar on Chairman Abalos' resignation October 1, 2007

Q: On Comelec Chairman Abalos' resignation

SPMBV: Binabati ko si Chairman Abalos. Kahanga-hanga ang kanyang ginawa at nagpapatunay na meron siyang delicadeza. Iyon ang hinahanap natin sa ating mga opisyal ngayon. Sana ay pamarisan siya. Kaya lamang ang ZTE investigation ay kailangan ding tapusin. Iba naman ang investigation ng ZTE, iba naman iyong kay Chairman Abalos. Bagamat ako ay humahanga sa kanyang pagre-resign, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado sa broadband deal.

Q: (inaudible)

SPMBV: Titingnan natin. Nabigla tayong lahat dito sa ginawa ni Chairman Abalos. Ito ay pag-aaralan ng committee kung ano ang magandang approach dito sa ginawa niyang ito. Ang sinasabi ko ngayon ay ang aking unang nararamdaman noong mabalitaan ko iyon. Syempre ngayon, bihira na talaga ang may ganyang delicadeza.

Q: May participation kaya ang government sa pagbibitiw na ito? Kasi last Friday sabi niya di siya magre-resign.

SPMBV: Ang taong nasa krisis kasi minsan hindi mo alam ang gagawin mo, nag-iisip-isip ka. Baka naman minarapat niya o nakita niya na ito ang pinakamagandang way out. Ito ay isang way out na may delicadeza, mas marami ang hahanga. Iyong way out naman na mai-impeach ay hindi magandang way out.

Q: Sa tingin n'yo dahil may mga nagsasabi na mukhang na-prejudge na siya sa Senado kaya kung darating sa impeachment, wala rin naman siyang makukuha?

SPMBV: Hindi naman natin alam kung makakarating sa atin iyang impeachment. Dito sa Senado, hindi naman nagangahulugan na dahil mga ganoon ang tanong namin ay meron nang prejudgment. Of course, kung darating dito ang kaso na iyan, puwede rin kaming maging objective. Subalit syempre ang tao, ang problema niyan, more than the Senate, ang tao may opinion na iyan. Hindi lang naman importante ang opinion ng Senado sa bagay na ito. Mahalaga rin kung ano ang opinion ng mga mamamayan at maaaring ito ang hinahabol ni Chairman Abalos.

Q: Both the ZTE and Garci hearings have failed to compel people to attend the hearing. Iyong hindi nila pag-attend pagsasayang lang ng oras?

SPMBV: Wala namang nasayang sa kanilang oras dahil hindi sila umattend. Sa amin naman ay itutuloy namin ang imbestigasyon na ito, maski na hindi sila dumating. Kasi gagawin namin ang aming role dito sa imbestigasyon na ito. Tatapusin namin ito. Marami namang dumating at syempre kung hindi dumating iyong mga inimbita namin, hindi namin maririnig ang panig nila at iyon lamang narinig naming ang magiging basis ng aming magiging desisyon sa isyu na ito.

Q: How do you intend to dispose Secretary Neri's invocation of executive privilege?

SPMBV: Pag-uusapan muna namin iyan. Ang totoo niyan, wala pa tayong pinal na desisyon kay Secretary Neri. Maliwanag naman ang sinabi niya, wala na siyang sasabihin pang karagdagan doon sa mga sinabi niya. Hindi naman magiging madali na ipatawag natin uli siya baka masayang lamang ang oras. Pero titingnan muna natin ang kanyang mga sinabi. Hindi lang naman iyan ang isyu sa NBN deal, importante rin dito ang malaman kung kailangan ba talaga itong broadband deal na ito at meron bang overprice? Maraming katanungan dito na dapat sagutin, hindi lamang ang isyu ni Secretary Neri.

Q: Makakaapekto po ba?

SPMBV: Palagay ko wala naman. Unang-una, retireable naman na si Chairman sa Pebrero at palagay ko walang magiging epekto. (end)

News Latest News Feed