Press Release
October 2, 2007

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On Senator Arroyo's alleged intervention during the executive session...

Hindi ko nakita yon at walang ganoong kalseng pagkakataon sa executive session.

Kailangan bang imbestigahan o kayo na lang yung mag-uusap?

Desisyon ni Senator Arroyo iyon, suportado ko kung ano man ang nais niyang gawin kaugnay nito dahil klaro naman sa rules naming sa executive session na hindi dapat, kung saka-sakali, pinag-uusapan ang nilalaman ng executive session under pain if at all of penalties that the senate can impose to its members. Maliban doon hindi pa totoo kaya sang-ayon akoat suportado ko kung ano man ang galaw ni Senator Arroyo kaugnay ng bagay na ito.

Kung hindi totoo na there was any motion made by Senator Arroyo...

Wala akong naaalala na ganoon na naganap.

Pero sir who let Secretary Andaya in?

I don't even remember, I just saw him there.

Maliwanag ba sa inyo kung bakit nandoon si Secretary Andaya?

Upon the request daw ni Secretary Neri, but that was done outside the executive session, before pa yun before pa yun.

So hindi kasalanan iyon ni Joker?

Wala, nagulat na lamang ako doon sa nabasa ko sa totoo lang.

So mali yun

I don't know what was being quoted if at all but I was not privy neither do I have personal knowledge of what was written about.

So Joker did not make any motion...

Nobody made any intervention in the executive session, it was a free flowing discussion, there was no even argument. It was a free flowing discussion as amongst the senators with respect to what was being discussed.

Was Neri on the verge of revealing?

It's a valid judgment, each senator would have his or her own opinion regarding that matter. He (Neri) was not feeling well and as announced he was not feeling well and that therefore we gave him time to rest and regain his composure and health.

On compelling the reporter to reveal the sources...

That's totally different and separate issue, there's a Supreme Court decision on that matter and on that issue as well. Hahayaan siguro naming yung proseso ng Senado na sundin kaugnay sa mga ganitong uri ng request kung saka-sakali darating sa puntong yan.

Senator Joker Arroyo would want to reveal the sources...

Papadaanin siguro yan sa proseso ng Senado kung may karampatang mosyon ire-refer yan sa sa komite at pag-uusapan yan sa komite. Pero sa panig at parte siguro ng senado ito ay dapat naming pag-usapan bilang isang institusyon, at sama-sama bilang isang senado, hindi yung isang senador laban sa isang senador.

That did not happen, no intervention...

Hindi ko nakita yon, as I've said i don't have personal knowledge with respect to what was written, kung naganap man, wala ako doon, at wala akong doon at hindi ko kayang sabihing nakita ko iyon dahil wala akong nakitang ganoon.

Diversionary tactics daw yon?

Hindi naman siguro, dahil hindi naman iyan naraised sa anumang hearing ng tatlogn komite nagdidinig ng ZTE broadband deal at wala pa naman pangalawa o pangatlong pagdinig kaugnay nito na maari i-raise yan para hadlangan anuamng pagdinig ng tatalong komite. Sa aking paniniwala hiwalay dapat itong pag-usapan doon sa hearing ng tatlong komite kung saka-sakali. Hindi (nakakagulo) naman siguro at hindi dapat.

Magkakaroon pa kayo ng executive session?

Hindi ko alam, depende sa komite yan, sa three committees hearing the NBN deal.

If there are leaks what's the use of having executive sessions...

It will be discussed and I agree, the confidentiality of matters discussed in the executive session must be maintained and must be preserved.

On Abalos' resignation...so madadagdagan yung bakante sa Comelec...

Ang panawagan at hamon namin sa Palasyo at Malacanang gawing open at transparent ang proseso ng pagpili ng mga susunod na commissioner at chairman ng Comelec upang mapakinggan yung mga opinion at pananaw n gating mga kababayan kaugnay sa kung sino ang nararapat, kung sino ang hindi nararapat na matalaga sa puwestong yan sa Comelec. Naging seryosong usapin yan sa mga nagdaang panahon at sana buksan pa rin at huwag panatilihing sekreto ng Malacanang ang pagpili o pagpipiliang nominees para sa mga nasabing puwesto.

Ang panawagan siguro at hiling din naming bigyan ng partisipasyon ang oposisyon, bigyan ng partisipasyon ang iba't-ibang partido at non-government organizations nang s gayon para makuha ang kanialng pananawa patungkol, pabor o kontra sa sinumang nominees na tinitimbang o kinokonsidera nila, obligasyon nila, sinsero man o hindi na buksan ito sa publiko para maka-pagparticipate ang publiko upang sagayon ang tiwala ng proseso ng halalan ay tumaas din naman kahit na papaano.

Sa two-party system( dalawa sa democratcs, dalawa sa Republican) pero sa dami ng partido baka kulang yung puwesto sa bilang ng partidong gustong magrekomenda ng miyembro o kaalyado nila para sa nasabing puwesto. Pero nabuksan lamang yan sa opinion, pananaw, kuro-kuro at gayundin pag-object kung saka-sakali ng anumang partido o NGO, supisyente at sapat na siguro iyon.

On opposition nominating one of its members sa Comelec...

Not necessarily one of its members dahil kung maka-oposisyon yan mali din naman, kung maka-administrasyon din, mali din, dapat makatao yan, sumusunod sa proseso ng batas at sa interest ng botante o ng electorate, hindi ng maski na sinong partido, so dapat buksan lamang yung proseso, hindi kailangang nominee ng oposisyon yan.

The nomination process must be first made known to the public, ano ba yugn nomination process, kung may interesado ba may nais irekomenda ang anumang NGO, kanino ba dapat ibigay yan at saan dadaan yan, anogn uri ng proseso, sino ang dapat kausapin, kanino ipagbibigay-alam yan. Yan siguro ang dapat unang simulan ng pamahalaan ito kaugnay ng nomination process na isasagawa para sa mga commissioners ng Comelec.

Na iaannounce na there are four openings, were accepting nominees sa office na ito, ito yung mag-i-screen, ito yung members ng board na mag-i-screen at ito ang guidelines dapat, parang JBC, similar.

On committee on ways and means hearing the common carrier's tax

Doon sa common carrier's tax gumawa kami ng posisyon laban at kontra doon, 2,600 percent ang increase. Tinalakay naming itong common carrier tax na pinapataw o gustong ipataw ng BIR, napag-alaman ng komite, una hindi ito sumunod sa proseso na nangangailangan ng public hearing, nilabas na lamang ang regulsayon ng walang public hearing, na paglabag sa batas. Pangalawa bahagi ito ng legislative agenda ng DOF noon, nagpapakita na dapat batas ang kailangan, hindi lamang revenue regulation, at pangatlo, parang tawaran sa palengke ang nangyari, sinimulan sa 2,600 percent biglang pumayag na lang sila sa 1,000 percent dahil yon daw ang hiniling ng ilang transport groups. Hindi dapat pinapadaan sa tawaran, sinusunod dapat ang batas at dapat pinapadaan sa Kongreso ang bagay na ito. Maglalabas kami ng komite report kaugnay sa bagay na ito na tumututol at nagsasabing illegal, unconstitutional at hindi naayon sa proseso ang paglabas ng revenue regulations tungkol sa common carriers' tax

Will you make also recommendations on how to compute…

Not only how to compute but what process to follow. One public hearing, two a congressional bill or a bill being filed in the House of Representatives and then sent to the Senate before it can be effective. Sa ngayon yung pagsuspinde ng Presidente pinakamaliwanag na ebidensiya na may mali talaga silang ginawa, hindi lamang sa pagcompute kundi pati sa prosesong sinunod.

On income tax exemption…

Ipinasa din naming kanina in principle yung exemption ng minimum wage earners, mula sa income tax na kinokolekta sa pamamagitan ng withholding tax procedure. Layunin ng komite hindi man naminmadagdagan ang suweldo ang mag naninilbihan sa pribadong sector at sa pamahalaan, palakihin yung tinatawag natign take home pay nila sa pamamagitan ng pag-exempt sa kanila s withholding tax at sa income tax. Applicable dito yung tumatanggap ng minimum wage sa buong Pilipinas at gayundin yung nasa salary grade One hanggang Step One at Step Two ng Salary Grade sa pamahalaan. Hindi lang puwede naming isa-pormal ang komire report hanggat hindi dumarating sa amin yung bill sa House of Representatives dahil sang-ayon sa Saligang Batas all revenue measures must emanate from the House of Representatives, pero as soon as dumating yan dito nakahanda kaming i-file yung committee report dahil nakapag-public hearing na kami kaugnay nito.

May version yung House… ano yung status non?

Nasa committee level pa lang sa Kamara de Representantes, dito hindi puwedeng dumating sa plenary hanggat wala pa yung House version na approved on third reading, hihintayin naming yun mula sa kanila.

 Approved yung exemption pending the filing of a committee report because we have to wait for the House version.

Nag-isyu na ng revenue regulations ang BIR noon pa, exempting from withholding tax but requiring them to file an income tax return na wala namang nagpa-file, so in other words by administrative…pinopormal lang naming ngayon, in other words nono hindi lang nila kinokolekta, ngayon ang ginagawa naming wala na lang. (Walang mababawas sa revenue collections?) Wala kasi they haven't been collecting it since 2006, but the rough effect is about P5 billion. Even filing (of income tax return) wala na, pero hindi nga siya foregone kasi since 2006 hindi na kinokolekta ng BIR. Ang collection ng BIR is through withholding tax, di ba bago mo matanggap bawas na, by revenue regulation ini-exempt ng BIR ang minimum wage earners from withholding tax, but requiring them to file a return but nobody's filing, it's foregone revenue already as early as 2006 after they impose the VAT. It was at that time to cushion the VAT. So pino-formalize lang namin.

News Latest News Feed