Press Release
October 4, 2007

Transcript of Interview of Senate President
Manny Villar with Joel Reyes Zobel (DZBB)

Q: Kanina kinuhanan ko ng reaksyon si Senador Allan dun sa napaulat na para bang inutusan kayo ng isang malaking negosyante , isang very powerful influential businessman para ihinto itong Senate ZTE hearing, at lumalabas pa doon sa balita na parang kayo pa ang pinakiusapan at inutos niyo kay Allan na itigil na yung imbestigasyon, Senador kukunan ko kayo ng reaksyon dito?

SPMBV: Alam mo Joel, nabalitaan ko rin kahapon yan at tingin ko may naninira sa akin talaga. Di kami nagkakausap niyang nabanggit na businessman na yan at hindi naman ako ganyan kalapit dyan, at di ko malaman kung paano ako mauutusan niyan.

Q: And I'm sure, sabi po nila campaign contributor daw ito ng mga pulitiko, im sure di naman kayo lumapit dito?

SPMBV: Hindi naman. Palagay ko naman kahit papano may naipundar naman tayo kahit konti, at hindi naman tayo uutusan ng ganyan. At talagang may naninira, kaya sabi ko ako ay hindi nakikialam sa mga committee hearings, sa mga committee affairs, pero ako ay supportive dyan. Nauunawaan ko yung ginawa ni Senador Allan, kasi kailangan din namang medyo tingnan muna niya yung mga pumasok na impormasyon , dahilan sa medyo may dalawang malaking development ang nangyari, yung NBN deal ay na-cancel at pagkatapos ay nag-resign si Chairman Abalos. Kahit naman sinong lumagay sa kalagayan ng mga committee chairman ay medyo magpo-pause nga, ika nga. At titingnan muna ang mga impormasyon nila, yung mga testimonies, magko-consolidate muna yan bago magmi-meeting kung ano ang next step. Iyong iba ay mainit na mainit at gaya nga niyan sinakyan ng iba at may naninira pa. Hindi naman ang type ni Senator Cayetano yung mapipigil nilang pagtawag na ganyan. Palagay ko naman, ako talaga ay tamaan man tayo ng kidlat dito ika nga ay hindi tayo nakakausap ng businessman na iyan at hindi naman kami ganyan kalapit at hindi naman tayo tatanggap ng utos.

Q: Kilala niyo ito Senador?

SPMBV: Bihira kaming magkita niyan. Nakikita ko lang yan minsan, once, twice, dahil sila din may-ari ng standard na diyaryo. Pero di ganun kadalas at ang pagkaka-alam ko diyan madalas sa abroad yan at hindi ko nga malaman kung papaano mapapasok sa deal yan.

Q: At negosyanteng pangkalawakan po ito, hindi lang pang-Pilipinas po ito?

SPMBV: Port operations yan eh.

Q: Yes, mukhang multi billionaire po at maraming negosyo sa ibang bansa.

SPMBV: Maraming negosyo, kaya nagtataka nga ako bakit nasasangkot siya sa ZTE at palagay ko yung tatawag pa sa Senate Preisdent para patigilin eh, ang Presidente nga di tumatawag sa akin eh. Di naman sa ano Joel, ang Presidente naman ay di naman tayo natatawagan para pigilan sa ZTE.

Q: Matawagan man kayo, di naman kayo magpapapigil?

SPMBV: Ay di naman siguro, at tayo naman maski kelan ang reputasyon natin ay independent naman tayo, kaya nga tayo naghahanapbuhay para nang sa ganun ay magawa natin ang gusto natin at mananatili tayong independent.

Q: Sabi ni Allan, in the next 14 days malalaman natin kung kailan ire-resume yung hearing, pero ang importante na lang yata yung naiwang parang tinatago pa ni Secretary Neri dun sa conversation niya kay GMA, aside from that mukhang wala na ho tayong pag-uusapan sa hearing na ito?

SPMBV: Yun nga, alam mo kasi ayaw din naman ng committee na pagtawanan sila na mali-mali, dahilan sa talagang yung brining-up ni Secretary Neri maski sino namang abogado ang tanungin natin ay talagang there is such a thing na executive privilege. Medyo gray area nga iyan kung ano ang karapatan ng Senado at ano ang executive privilege na iyan kaya ipinapaaral nga muna iyan at baka kami ay magkamali at mapagtawanan na hindi alam ng committee ang ginagawa nila. Kaya nauunawaan ko ang desisyon ng committee na iyan na mag-pause muna at pag-aralan na muna ang mga impormasyon, ma-consolidate ang mga impormasyon para mas objective at may legal basis iyong gagawin namin. Dahil sa tingin ko, kapag pinatawag namin ang dalawang iyan, hindi magsasalita iyan at mapapahiya ang committee kung mali ang kanilang basis. (end)

News Latest News Feed