Press Release
October 5, 2007

Transcript of interview with Senate
President Manny Villar (Kapihan sa Senado)

Q: Sir, tatapusin daw ng House ang budget by Wednesday?

SPMBV: Magandang balita 'yan dahil dapat naman talaga, ang budget tinatapos bago matapos ang taon. Maganda sa ekonomiya natin, maganda sa imahe natin na yung budget ay natatapos bago matapos ang taon, para Jan. 1, unang araw ng darating na taon, ay may budget na tayo. Ito naman matagal na nating tina-try na gawin subalit ang Mababang Kapulungan ang palaging na-de-delay. Ngayon naman ay natutuwa ako at ang Mababang Kapulungan ang nagsabi na sila'y nahahandang ipasa ang panukala na yan at ang atin namang chairman ng committee on finance ay napakasipag at araw-araw ay may hearing, hanggang ngayon na adjourn na ang senado ay nag-he-hearing pa. Kaya ready tayo diyan at umaasa ako na matutupad ang ating hangaring maipasa ang panukala bago matapos ang taon.

Q: Kahit Kongreso umaangal na 29 percent lang ang mapapakialaman ng kongreso dahil automatically allocated yung the rest

SPMBV: Ah dahil sa automatic appropriation

Q: According to Lagman, of the P1.2 trillion halos 286 billion lang ang mapapakialaman ng Kongreso

SPMBV: Akala ko pa naman dahil sa ang pangulo ang nag-de-decide dun sa iba. Ang sa akin namang palagay dapat maibalik sa kongreso yang budget. Hindi dapat sa Pangulo yan. Sa Konstitusyon natin, nakalagay diyan talaga na ang power of the purse ay nasa Kongreso. Danga't nga lamang ang ating executive department ay pinipilit na ang ating budget ay maging sa executive department. Hindi tayo dapat pumayag diyan at natutuwa ako sa pronouncement ng Mababang Kapulungan. Ang Senado ganyan ang posisyon, ang budget, ang power of the purse ay nasa Kongreso at hindi natin dapat i-gi-give up yan para sa malusog na relasyon ng legislative at executive department, check and balance kasi yan, since gumagawa ng proyekto ang executive ang dapat namang mag-appropriate ay ang Kongreso. At hindi dapat ibibigay, hindi dapat isusurender ng ating mga kasama sa Mababang Kapulungan yang power na yan na ibinigay ng Konstitusyon sa atin.

Q: is this one of the reasons bakit hindi nag-tri-trickle down ang benefits, yung bayad automatically appropriated?

SPMBV: Yan ay nasa batas natin at wala tayong magawa. Totoo naman ang na bring - up ni Chairman Lagman subalit sa ngayon ay pababa na yan. Dati kasi 33 percent, ngayon ay nasa 28-29 na lang at mukhang ang trend ay pababa pa. Hindi ko sinasabing tama yan subalit ang kabuuan kung iisipin natin matagal na rin tayong gumagawa niyan parang hindi na oras parang mali na kung ngayon pa tayo magtatanong dito. Noon sana, noong mga 33 porsyento ito ay dapat na bring - up natin yan subalit ngayong pababa na ay parang huli na ang pagtutol na yan I think dapat tingnan ng Kongreso ngayon ay ang pagbabalik sa kanila ng power of the purse.

Q: Naiimpluwensyahan daw ang Senado?

SPMBV: Ang Senado maski kelan sa ating pamumuno naman ay hindi naiimpluwensyahan ninuman. At inuulit ko na independent ang Senado. Yan ang ating patakaran dito hindi tayo tatanggap ng instruksyon ninuman. Independent body ang Senado at ako naman bilang pangulo wala akong natatanggap, hindi naman ako tatanggap ng anumang instruksyon maski kanino, maski pangulo ng pilipinas, maski na sa Chief Justice, maski kanino pa at yan naman siguro ay naipakita natin bilang senador, nung araw, congressman, hindi tayo nakikinig basta-basta maski kanino. Nais kong ipaliwanag kasi na ang Senado ay binubuo ng 23 senador na iba't iba ang pananaw sa bawat isyu. Ang mga chairmen ay nakikinig sa bawat miyembro nila. At hindi naman pwedeng ang opinyon ng isa o 2 tao ang magpapatakbo ng kani-kanilang komite. May sistema ho tayo sa Senado at may kanya-kanyang komite yan. Yung mga nag-iimbestiga, sila ang nag-de-desisyon taking into consideration ang mga views ng kanilang mga miyembro at yan palagay ko ang ginawa ng mga chairman na nag-iimbestiga ng nbn deal.

Ito kasing mga ganito ay mayroon talagang mga naninira. Noon pa yan ilang buwan na ang nakakalipas hindi pa tumitigil, Ngunit ako naman ayaw kong humalo sa mga bagay na ganyan danga't nga lamang kailangan nating sabihin ang katotohanan. Na halimbawa yung ganyan na may mga tumatawag at pumipigil ay malaking kasinungalingan po yan. I'm declaring here and now, I'm saying here and now to everybody na walang katotohanan yan at sana dahan- dahan tayo diyan. Konting galang naman sa mga kasamahan. Tsekin muna natin yung mga impormasyon na tinatanggap natin mahirap naman din na walang teamwork sa Senado.

Q:

SPMBV: Kasi naman yung nagsasalita no'n hindi pa rin tumitigil. At parang hindi pa rin nagbabago. Ang sa akin dapat igalang natin ang desisyon ng bawat isang senador. 23 ang senador dito na may kanya-kanyang pananaw. Hindi naman pwedeng ang pananaw ng bawat 1 o 2 ang susundin ng Senado. Ako bilang pangulo iginagalang ko ang desisyon ng mga chairman dito at in fact simula ng ako'y maging pangulo hindi ako nakikialam sa mga chairman ng komite. Napakarami ko nang trabaho bahala na sila sa kani-kanilang pagpapatakbo. Ako'y malaki ang tiwala sa kakayahan ni Senator Cayetano. Ako'y walang duda sa kanyang integridad at natutuwa ako sa paghandle niya nitong imbestigasyon ng zte. Dahilan sa paghandle niya, dahilan sa imbestigasyong ito, so far, nakatipid na tayo ng 16 bilyong piso at sa pagkakansela nitong zte deal at nagsimula pa ang resignasyon ng isang napakahalagang opisyal ng ating bansa. So maganda ang pagkaka handle ni Senator Cayetano dito. Ako'y buong buo ang tiwala ko sa kanya. At siyempre kasama na rin diyan ang mga kasama niyang chairman dahil 3 silang komite na nag-iimbestiga dito.

Q: May kinalaman ba sa 2010 elections?

SPMBV: Ayaw kong mag-ispekula kung ano ang kanilang kadahilanan dito subalit maganda naman ang handling ng komite so far at ako ay nagtataka na merong mga pagdududang ganyan. Subalit ako naman ay consistent sa aking posisyon na ang pananaw ng bawat isang senador ay aking iginagalang. At umaasa lamang ako na medyo rerespetuhin din nila yung mga ibang kasama naman nila sa senado.

Yung namang ethics okay lang yan kung sino ang gusto nilang ipaimbestiga basta kelangan lamang may pruweba siya at ebidensya kasi baka siya ang maimbestigahan.

Q: results of hearing, cancelation and resignation, sapat na ba yon?

SPMBV: Ang sinasabi ko lang so far, at tutal hindi pa naman tapos ang imbestigasyon at wala naman nagsasabing tapos na ang imbestigasyon, hindi ko malaman kung san nanggaling ang ispekulasyon na tapos na ang imbestigasyon. Maliwanag naman ang pronouncements ko na hindi naman tapos yan gusto lamang mag-consolidate ng impormasyon ang committee which is expected kasi mahalaga din naman na nasa tama tayo, ayaw nating masabihan na tayo'y iresponsable o hindi alam ang ginagawa. Alam nating meron tayong mga batas na sinusunod din. At so far, pag sinabi mo kasing me nangyayari sa imbestigasyon mo, kailangan talagang concrete and accomplishments mo. Sa ngayon nakatipid tayo ng 16 na bilyong piso napalaki niyan. At may nag-resign at sa palagay ko napalaking leksyon nito para sa iba pang mga gov't officials na nagbabalak gumawa ng anomalya. Ang senado ay laging nakahanda na mag-imbestiga at mag-expose ng anomalya.

Q: Hindi kaya it's about time for the Senate to confront Malacanang on eo 464, 108, and now there's admin order 197

SPMBV: Actually hindi kami tumitigil ng pag-confront sa malacanang. Nitong nakakaraang araw ay nagprisinta ng oral arguments ang senado sa pamamagitan ni Senator Pimentel at duon ay ipinagtanggol ni Senator Pimentel ang karapatan ng Senado na mag-imbestiga sa garci, dahil may 2 na former justice na nag-file ng petisyon sa Supreme Court para pigilan ang Senado sa pag-iimbestiga ng garci. At ipinagtanggol natin ang ating karapatan in fact kaya nga din mahalaga na bawat galaw natin ay pinapag-aralan natin ang batas. Napakapangit naman na magkakaroon tayo ng impresyon na tayo ay iresponsable. Hindi naman tayo matatakot diyan, lahat ng pagtatangka na bawasan ang authority at responsibility ng Senado ay ating hahadlangan at nahahanda tayong ipagtanggol ang karapatan ng Senado sa pagtupad ng kaniyang tungkulin.

Q: Kasi sir parang nananatiling busal yung 464, ok yung sa zte investigation but we see the spectacle in the garci, the committee continues to be snubbed

SPMBV: Totoo naman yan kaya nga sa aming caucus ay sinabi naming kailangan handa rin tayo legally dahil sa talagang itong dinadako natin ngayon ay papunta tayo sa direct collision with Malacanang. Dito naman hindi tayo natatakot gusto lamang nating maging matatag ang ating legal arguments. Mukhang diyan pupunta yan more or less naman yung ating mga sinubpoena palagay ko marami naman sa atin ang naniniwala na hindi naman talaga darating yan. Kaya talagang aabot tayo dun sa mga hakbangin pagkatapos ng subpoena na hindi darating.

Q: palace has come out with regard to military

SPMBV: ang malacanang kasi ay gumagawa ng mga legal steps at mga hakbangin para mas maprotektahan ang kanilang mga karapatan so mahalaga na ang senado rin ganyan din ang gagawin. Ihahanda rin natin ang ating mga legal defenses sapagkat yan ay tungkulin natin sa konstitusyon kaya yan ginagawa natin bilang pangulo ng Senado. Talagang panay ang aral natin ng legal positions ng Senado at nagsasabi tayo ngayon na talagang openly ipagtatanggol natin ang senado -- preparado tayo diyan. Sa direksyon na yan at yung ginagawa ng Malacanang more or less inaasahan na natin yan kaya inaanticipate na natin yan. Kaya nga rin siguro nauunawaan din ng iba't ibang chairman na dahan dahan ka din kasi baka magmukhang kahiya-hiya ang Senado. Kinakailangan namang maging maayos ang ating ipapakita na kakakayahan para gawin ang tungkuling ibinigay sa atin ng konsitutusyon.

Q: hindi ba talagang magiging kahiya hiya ang senado with these three orders tapos subpoena ng subpoena tapos next step arrest or contempt

SPMBV: totoo yan subalit ang magagawa lamang ng senado talaga ay dumulog sa Supreme Court, wala tayong army, wala tayong Armed Forces of the Phils, kaya pagka talagang hindi tayo kinampihan ng AFP ay wala tayong magagawa. Kaya ang takbuhan lamang natin bilang paggalang sa ating konstitusyon ay dumulog sa Supreme Court pero pagdulog mo sa Supreme Court, kailangan nakahanda ka sa mga arguments mo, hindi naman kasi tayo makikipagbarilan sa isyu na ito, talagang ang tatakbuhin natin dyan ay ang Supreme Court at umaasa tayo at so far naman ang Supreme Court ipinapakita nila ang kanilang objectivity at hindi sila pumapanig kaninuman. Mabuti na lamang at ang ating Supreme Court ay ganyan.

Q: may chance pa ba postponement barangays elections.

SPMBV: Wala na.

Q: hindi ba kayo tinawagan ng malacanang

SPMBV: Ang totoo niyan hindi mahilig tumawag ang Malacanang sa atin, hindi ko alam kung nagagalit sa atin o hindi at hindi tayo tinatawagan, good news or bad news. Nagtataka nga ako na may impresyon na pag may problema tumatawag ang malacanang -- hindi naman tumatawag ang malacanang sa akin.

Q: Si Cong. Fuentebella

SPMBV: Wala namang problema na mag lobby sila alang-alang sa Mababang Kapulungan yan naman ay welcome. Bilang mga kasamahan natin at sinumang kongresista dito na magpahayag ng kanilang gusto ay yun namang ay talagang tinalakay naman namin at in fairness sa aming colleagues sa Mababang Kapulungan, tinalakay naming yan at inaral naming yan at pinag-debatihan hindi lang sa aming caucus maging sa huling araw. Subalit lumalabas na karamihan pa rin ng senador ayaw nang pigilan ang halalan sapagkat nakaka 2 pigil na raw. At yung SK ay tumatanda na at hindi na bata at oras na para maghalal na ng SK at kapitan.

Q: on Trillanes

SPMBV: hetong ating pakikipaglaban sa ganitong mga bagay talagang nagiging legal na, 2 lang naman yan, pwersa o legal, hindi naman tayo nakikipag away hindi naman tayo nakikipag pwersahan tayo'y nananatiling gumagalang sa ating hustisya, sa ating gobyerno, sa ating konstitusyon, kaya ang magagawa lang nating remedyo diyan ay gumamit ng sistema ng ating pamahalaan para maipagtanggol ang karapatan ni Senator Trillanes. Ang Senado ay nananatiling nasa likod ni Sen. Trillanes, ano man ang kanyang gustong mangyari. Subalit tayo po ay nalilimitahan ng batas, kaya mahalaga na proper din ang coordination natin, ang mga legal nila, si senator trillanes at mga legal group ng senado ay dapat nag-cocoordinate ng maayos. Dapat higit pa itong palakasin nang sa gayon maprotektahan natin ang kapakanan ni Senator Trillanes. Ang magagawa lang naman namin dito ay ang legal na pamamaraan. At hindi naman natin talaga pwedeng pwersahin ang mga nagbabantay kay Senator Trillanes na magkaroon ng hearing doon.

Q: do you know mr ricky razon

SPMBV: Oo naman pero hindi kami gano'n ka-close, kilala mo naman lahat yan dahil businessman din yan, pero hindi kami nagkikitang madalas niyan in fact matagal na kaming hindi nagkikita niyan, minsan pag me party makikita mo yan.

Q: No communication with him?

SPMBV: Pag nag-paparty naman dami mo namang kausap, iba naman kasi ang line of business nila at pagkakaalam ko lagi nasa abroad.

SPMBV: Inuulit ko, hindi ako tumatanggap ng tawag kaninuman, pangulo ng Pilipinas, businessman, politician, pari, para pigilin ang nbn deal. At ang magsasabi sa aking may tumawag para diyan ay nagsisinungaling.

Q: Ipapa-ethics daw?

SPMBV: Ako, hindi naman. Natural lamang iyan at sanay na tayo riyan.

Q: Iyong mga senators daw text messages lang pinapatulan na

SPMBV: Marami rin naman na hindi ako sang-ayon sa mga ginagawa ng ating mga kasama subalit basta ako, maliwanag ang aking posisyon sa bagay na iyan. Iginagalang ko ang sasabihin at posisyon ng bawat isang kasama ko. Sometimes hindi ako naga-agree. Ako ay umaasa na lamang na sana ay maging responsible ang lahat.

Q: Puwede bang magkaroon ng special session para sa SK, barangay elections?

SPMBV: Hindi na siguro, wala nang tao eh.

Q: Mayroon daw 14 senators na pumapayag nang i-postpone?

SPMBV: Nasaan ang 14? Rumor na naman iyan. Hindi siguro 14. palagay ko, nag-uwian na ang mga senador. I doubt it. Syempre iyong ibang mga senador ay nahihiyang magsalita ng kanilang posisyon kapag nilapitan.

Q: There is a proposal now for the Ethics Committee to conduct and investigation on leakage. There were talks on the floor to amend the Sotto law so that journalist will be forced to reveal sources. Hindi ba barking at the wrong tree iyon?

SPMBV: Iyon ang titingnan ng ethics kung matutuloy ang imbestigasyon. Iyan naman ay isang bagay na titingnan muna ng committee kung gusto nilang tingnan. Hindi pa naman nagdi-decide ang committee na titingnan nila iyan. Wala pa kasing pormal, nag-adjourn na ang Senado. Hindi naman tayo nagmamadali na i-convene iyan. Siguro sa pagre-resume ng session ay mako-convene na iyan. Siguro tama rin iyan na magsilbing leksyon sa ating ibang mga senador na dapat naman igalang nila ang executive session otherwise, mawawalan ng isang mahalagang sandata o tool na ibinigay ng Konstitusyon sa Senado. Mawawala iyan kung merong isang senador man lang na magdi-disclose ng napag-usapan doon. In fact under our rules, that senator na magsabi can be expelled. Puwedeng matanggal siya bilang senador kung siya ay mapatunayan na nag-leak ng impormasyon at may boto ng two-thirds ng membership, puwede siyang ma-expel.

Q: Kung apat ang mae-expel, makakalbo ang membership ng Senado?

SPMBV: Hindi ko alam kung mapapatunayan iyan pero ang sinasabi ko, iyan ang nasa batas.

Q: Sabi ni Commissioner Borra iyon daw pong mapapatunayan na positive sa drug test papabayaan nilang tumakbo pero hindi nila pauupuin sa puwesto kung mananalo?

SPMBV: Hindi ako pamilyar sa batas ng eleksyon kung puwede iyan. But I suppose kapag sinabi ng commissioner na ganyan ang kanilang magiging patakaran ay legal iyan. However, sa akin kung iyan ay opinion lamang ni Commissioner, hindi siguro maganda. Siguro mas maganda na kung kayo ay tatakbo, huwag na kayong kumandidato kung kayo ay gumagamit ng illegal drugs.

Q: Barangay elections are supposed to be non-partisan. Ano ang nangyari at naging very political ito at ano ang gagawin ng Senado para maibalik sa concept na non-partisan?

SPMBV: Nasa sa tao kasi iyan. Iyong idea na non-partisan may be impractical to start with pero iyan ang batas. Kapag tumatakbo as barangay captain ang kapatid mo, ang mga leader mo, hindi mo talaga maiiwasan na susuportahan iyon. Iyon ang reality ng politics. Bagamat ang intension ng batas na iyan ay hindi maging partisan, pero talagang mukhang mahihirapang i-implement iyan dahilan sa talagang ang sistema ng pulitika sa atin ay ang tumatakbong kapitan a ay iyong mga lider. At kapag lider mo iyan, kailangan suportahan mo'. Kaya hindi siguro magiging madali ang pagpapatupad ng batas na iyan.

Q: You will be heading the delegation to the IPU in Geneva. Ano ho ba ang mga items doon na of Philippine interest?

SPMBV: Oo, tayo ang maghe-head ng delegation. Actually sa human rights ang focus lagi ng Pilipinas diyan. Noong nakaraang sesyon, we raised the case of Congressman Beltran at iyong mga extra-judicial killings. In fact, pumasa ang resolusyon ng Pilipinas ukol sa extra-judicial killings kaya nagpadala pa ng representatives ang IPU dito sa Pilipinas. In fact, last year sila Ka Satur pa ang kasama namin.

Q: Comelec Borra suggested that the nomination to Comelec be transparent and open to public?

SPMBV: Maganda iyan. Dapat naman talaga maging transparent kasi mahalaga na maibalik natin ang tiwala ng tao sa Comelec kaya mas maganda na transparent iyan at talagang mga kilala ng mga kababayan natin ang mga mano-nominate para sila ang makapag-judge kung talagang karapat-dapat na umupo sa isang napakahalagang komisyon ang isang tao.

Q: Meron kayong suggestion sa nominees?

SPMBV: Maraming tao na ang tingin qualified sila pero konti lang kilala ko. Sa ngayon wala pa akong naiisip.

Q: Former Sen. Joey Lina was mentioned?

SPMBV: Pero iyan naman ay nasa Pangulo ayon sa ating Konstitusyon. Pero siguro mas maganda kung ang Pangulo ay makikinig sa suggestion na iyan na maging mas open at hindi iyong masyadong kilalang-kilala na kasama nila sa pulitika para hindi naman mapaghinalaaan na magiging biased.

Q: Pero may legal issue yata diyan na hindi puwedeng mag-appoint ng Comelec Chairman just to serve the unserved term of Abalos?

SPMBV: Anyway matatapos na rin naman, four months. Kaya naman siguro nila kung barangay elections lang.

Q: Sa tingin ninyo pulitiko pa rin o puwedeng hindi na pulitiko?

SPMBV: Puwedeng hindi naman pulitiko. Preferably nga hindi na pulitiko ang ma-appoint.

Q: Kung pulitiko?

SPMBV: Okay din naman dahil sa hindi mo naman masasabi na ang lahat ng pulitiko ay merong problema sa ganyan. Meron naman sigurong mga pulitiko rin na naka-maintain ng magandang reputasyon at puwedeng i-appoint. Pero hanggat maari na lang sana, hindi pulitiko.

Q: Sabi ng ibang senators dapat medyo allied sa opposition ang ilagay para may check and balance?

SPMBV: Maganda rin ang proposal na iyan pero palagay ko hindi rin solusyon iyan. Subalit walang masama sa proposal na iyan. Kung talagang gusto ng Pangulo na ipakita na magiging patas ang Comelec, mas maganda na isang personalidad na galing sa oposisyon ang i-appoint. But of course, hindi tayo naniniwala na gagawin niya pero baka sakali para maipakita na talagang magiging maayos ngayon ang Comelec.

Q: On bills passed

SPMBV: We worked very hard to pass the nine bills that are of importance to our country but nobody bothered to ask the nine bills that we passed.

Q: Hindi pa daw naman batas? Second reading lang?

SPMBV: Pero pinasa na, wala na iyon, automatic na iyon.

Q: Sa pagbabalik ninyo, ano pang iba ninyong priority?

SPMBV: Marami iyon. National budget, JPEPA

Q: Mukhang magre-renegotiate ang JPEPA?

SPMBV: Sana. Of course, when you talk of renegotiation, it's not normally done kaya lang mas maganda kung papayag ang Japan. Kung bakit naman kasi inilagay pa ang mga toxic materials? Isang libong items, ilalagay mo pa iyon kung talagang hindi mo talaga i-eexport, bakit inilagay mo pa?... What is an otherwise maganda sanang treaty, hindi ma-approve dahil lamang sa inilagay nila sa list of items iyong ilang items na toxic. Dapat magpaliwanag ang nag-negotiate diyan dahil saying made-deprive ang bansa ng mga benefits ng isang treaty na maganda sana kung hindi nila nilagay ang feature na iyan. Ang mismong Japan hindi naman pala mag-eexport at hindi naman tayo magi-import, bakit nandoon pa iyon?

Q: Ano kaya ang motivation ng nag-text?

SPMBV: Parang hindi niya alam. Tatlong buwan na akong nakikinig ng ganyan, hindi ba? Hindi na natigil.

Q: Hindi na bago?

SPMBV: Hindi na. (end)

News Latest News Feed