Press Release
October 16, 2007

Transcript of Senate ambush
interview with Senator Chiz Escudero

On the alleged bribery, how can the Senate push through with the investigation kung merong inter-parliamentary courtesy?

Trabaho ng Ombudsman dapat imbestigahan ito, pagkakataon ito n asana ay hindi sayangin n gating Ombudsman. Pangalawa kung mag-iimbestiga ang senado dapat bigyan pagkilala ang inter-chamber courtesy patungkol sa mga mambabatas din o miyembro ng Kongreso kaugnay ng bribery attempt na ito, pero napakaraming nilabag na batas dito, una saan ba nanggaling ang pera, pangalawa para saan ba talaga ang pera at kung bakit cash sa loob ng paper bag. Puede lamang gumastos ang gobyerno sa pamamagitan ng tsekeng ininisyu ng national treasury o ng awtorisadong bangko ng pamahalaan. Panaglawa election ban ngayon, bawal mamigay ng pera, bawal mamigay ng proyekto at panghuli siguro kung magkakaroon ng suhulan at bigayan bakit sa lahat ng lugar sa Malacanang pa, halos tinapon na nila sa basurahan ang respetong binibigay natin sa Malacanang, sa upuan ng ating pamahalaan at sa tanggapn mismo sa tanggapan ng pinakamataas na opisyal ng ating bansa. Ilang sa mga bagay na hindi dapat palampasin hindi dapat sabihing business as usual lamang dahil matagal nang nagaganap at nangyayari. Kung matagal nang nagaganap yan puwes ngayon lang may nagsalita at marapat na hindi natin palampasin ang pagkakataong ito.

Sino ang mga liable?

Sa bribery dalawa lagi ang liable, yung nagbigay at tumanggap. Marapat liwanagin kung anong gagawin ng mga umaming tumanggap nito, doon sa perang tinanggap nila. Hindi normal na tumatanggap ka ng perang cash na nakalagay sa paper bag na hindi mo man lamang aalamin kung saan ito nanggaling at para saan ito. Kahit sino siguro sa atin na abutan ng pera na nakalagay sa paper bag magtatanong tayo palagi, saan ba galling ito at para saan ito? Nang hindi ito itinanong siguro dapat masagot hindi man ng panahong iyon, sa pamamagitan ng pagdinig ng Ombudsman o ng senado.

Ibig sabihin pati sina Gov. Panlilio liable?

Depende sa gagawin nila sap era, kung maaalala ninyo nagkaroon din ng ganitong isyu noon sa Kamara de Representantes kaugnay ng pagpasa ng EPIRA law. Pinakita din diumano ng mga nakatanggap ng pera, ang magandang tanong nasaan na yon ngayon, ebidensying tinatawag yan. Sa totoo lang yung mga bundle at balot ng pera puwede nating i-trace kung saan nanggaling yang perang yan, saang bangko nanggaling, sino ang nag-withdraw. Ebidensiya yan at hindi puwedeng galawin sa puntong ito.

Sa tingin ninyo dapat ibalik ang pera?

Ang tanong kanino, sino ang tatanggap non pabalik? Ibibigay niya pabalik kay Gov. Mendoza, kanino ibibigay ni Gov. Mendoza, hindi daw niya maalala yung mukha ng taong nagbigay sa kanya. Bribery ito kung saka-sakali, violation of the anti-graft law at the bare minimum ebidensiya ito at hindi dapat galawin at palitan ng iabng bills bagaman limang daang libo rin ang halaga, ebidensiya iyon partikular yung mga serial number ng mga bills.

Another impeachable offense?

Kasama sa impeachable offense ang bribery, klarong nakalagay iyon sa Saligang Batas. Ngayon kung bahagi yan o hindi, supisyente ya o hindi, iiwan ko yan sa Kamara de Representantes paar determinahin at pagdesisyunan. Hindi para sa Senado yan para sabihin kung yan ay impeachable o hindi sa puntong ito.

Puwedeng isama sa impeachment complaint?

Ang tanong dyan papayagan ban g Kamara na amendahan pa, ang tanong dyan papayagan pa ba ng Kamara na isama yung ibang mag alegasyon at akusasyon. Isa yan sa dapat padesisyunan ng Committee on Justice ng Kamara.

Paano maa-accomplish ng senate hindi kung iimbestigahan yung nangyari?

Gaya nga nang nasabi ko pangunahing may trabaho dito Ombudsman para imbestigahan at sampahan ng kaso. At kapagka hindi ginawa ng Ombudsman ang kanialgn trabaho doon lamang puwedeng pumasok ang senado para lamang kumalap ng ebidensiya at impormasyon, una para lamang makita kung may butas bas a batas. Pangalawa para ma-preserba ang ebidensiya hindi man sa panahong ito sa ilalim ng Ombudsman na nakaupo, sa mga ibang Ombudsman nadarating.

So premature pa yung pagsusulong ng senate inquiry?

Karapatan ng sino mang senador na isulong ang anumang inquiry at hindi at hahadlang dyan, subalit ang rason kung bakit hindi ako mismo ang nag-file ng resolusyon, nais kong bigyan ng tiyansa ang Ombudsman subalit kung mauunang dinggin ang resolusyon ito, palagi akong susuporta sa anumang pagdinig nang hindi pinipigilan ang trabaho ng marapat gumagawa nito, at yan ay ang Ombudsman.

Sa panig ng bribe giver sino sa tingin ninyo ang dapat imbitahan?

Binanggit ni Fr. Panlilio ang sikat na pangalan na namang si Medy Poblador. Maganadng malaman muli mula sa kanya kung hindi gagamitin na naman ng 464 na naman ng Malacanang. Hindi ko nga alam kung may kahihinatnan ito maliban sa mga gobernador na iimbitahing umamin na at kongresmang umamin na, pero para sa akin ang dulo nito trabaho ng Ombudsman ito, ang mag-imbestiga at magsampa ng kaso, dapat pumasok lamang ang senado kapagka hindi na nito ginampanan ang kanyang tungkulin.

There's nothing wrong daw kung walang hinihinging kapalit o kondisyon...

Ang unang tanong siguro saan ba nanggaling ang pera, pangalawa inaamin ba nilang magbigay nga sila. Pangatlo kung wala ngang hinihinging kapalit bakit sila nagbigay. Kung personal nilang pera iyon, personal na pera nino, patingin nga ng income tax return niya, patingin nga ng statement of assets and liabilities nya, kung kaya nga niyang maglabas ng ganayng kalaking pera. First things first, bago magrason at dahilan ang Palasyo, aminin muna nila kung ano ang totoo, nagbigay nga ba sila o hindi. Hindi nila puwedeng sabihing wala kaming binigay tapos sasabihin din nila kasabay non wala namang mali'ng magbigay. Ano ba talaga ang totoo?

On cha-cha...

Hindi nagbabago ang posisyon ko sa Cha-Cha. Hindi ako sang-ayon dito dahil hindi ito napapanahon at wala akong tiwala sa kasalukuyang nakaupo na gumawa ng Cha-Cha sa panahong ito. Kung gagawin man yan dapat pag-aralan nang husto at dapat gawin yan sa takdang panahon pagkatapos ng termino ng administrasyon ito.

Binanggit ng Pangulong Arroyo 2012, baka pag-amin na rin yun na hindi yun gagawin sa mga panahong ito at hindi dapat pag-awayan nang husto kasabay ng mga iba't-ibang isyu pa na tinatalakay natin.

Do you think dead-on-arrival dito yun sa Senate?

Kung yun ang gagamitin nilang pamamaraan. Tandaan natin mayroon pa silang tinatawag na people's initiative kung saka-sakali na puwedeng magamit na pamamaraan. Mayroon pa rin silang tinatawag na constituent assembly na pinayagan ng Senado, constitutional commission pala, na medyo magaang ang senado ng mag nagdaang Kongreso. Tingnan natin kung anong pamamaraan talaga ang kanilang gagamitin, pero para sa akin sa daming problema nating kinakaharap, first things first, isa ito sa mga huli siguro nating dapat talakayin at pagtuunan ng pansin.

Yung nag-host ng party, kailangan din bang imbitahin din?

Sino ba ang nag-host ng party? (Malacanang). Desisyon ng komiteng babagsakan ng resolusyon ni senador Lacson ang pagbigay ng listahan ng mga iimbestigahan. Pero tulad ng ibang imbestigasyon ng senado. Ito ay number one in aid of legislation. Number two ito ay para kumalap ng ebidensiya at ma-preserba ang ebidensiya for future use at pangatlo siguro ito ay pagkakataon para sa mga opisyal na bigyang linaw ang mga isyung bumabagabag sa isip ng ating mga kababayan para naman hindi pagdudahan at mawalan tuluyan ng tiwala ang ating mga kababayan sa pamahalaan.

News Latest News Feed