Press Release
October 17, 2007

Transcript of Senator Mar Roxas'
interview on DZRV Radio Veritas (Excerpts)

On the Senate probing the alleged Palace bribes

MAR: Nabasa nga natin na mayroong resolution. Titignan natin. Okey sa ating magkaroon ng imbestigasyon, o pag-alam, pero inaantay natin siguro ang unang dapat humakbang dito ay ang mga nasa Palasyo mismo. 'di ba sila nababahala na nagkaroon ng ganito? Kung hindi nga nila alam ito, hindi kaya na hindi pa sila nababahala na may ganitong kaganapan sa loob mismo ng Palasyo? Siguro magandang silang unang humakbang dito. Hindi naman siguro ang Senado pa ang kailangang umaksyon dito, dahilan sa hindi na siguro made-deny na nangyari itong bagay.

Siguro kung may alegasyon na nangyari ito sa Senado, ang Senado ang mangunguna sa pag-imbestiga nito. Katulad ng may lumabas na balita na nagkaroon daw ng suhulan sa House of Representatives, sa pag-file ng impeachment, ang House mismo ang nangunang magsabi, sa bahay namin nangyari ito, kahiya-hiya ito, aalamin namin mismo ano ang nangyari.

Yan ang pag-dismaya ng bansa noong nagkaroon ng report ng suhulan dito sa ZTE, bakit hindi yung executive branch ang mismong nanguna? Hindi ba sila interesado na malaman kung ano ang nangyari rito? Hindi ba sila interesado to get to the bottom of it? May Presidential Anti-Graft Commission naman. Bubuo raw sila ng anti-corruption council or body, 'di ba sila interesado na may ganitong alegasyon? Bakit hindi nila i-apply ang kanilang kapangyarihan, yung kamay na bakal na maaari naman nilang i-apply kung gusto nila.

On the Roxas Law of 1998, which allows for the proper allocation of funds for education projects nationwide

MAR: Dati-rati, yung paggastos sa classroom ng DepEd, dumadaan ito sa hindi klaro na batayan. Noong ako ay naging kongresista noong 1993, sabi natin na yung edukasyon, ilayo sa pulitika, ilayo sa favoritism, ilayo sa mga political horse-trading. Dapat ang pera ng DepEd, pupunta sa mga lugar na nangangailangan ng mag classrooms. Sinabi natin sa batas na pupunta ito pro rata sa student population. Kung maraming estudyante sa lugar, maraming pondo. Kung kakaunting estudyante, ganoon din.

Ngayon, hindi lahat ng pondo, ganito ang formula. Ginawa natin na saisyenta porsyento, yun ang formula na gagamitin. Kwarenta porsyento, paghati-hatian naman ng mga lugar na may kakulangan. Ito yung mekanismo na doon sa may kulang, mayroon silang 'catch-up' mechanism, yung panghabol. Yung kwarenta porsyento pro rata rin according to shortage. Wala na yung favoritism, wala na yung, 'kakampi natin yan, padala natin yan.' E edukasyon ng kabataan natin ito. Kung kalahating tinapay lang talaga ang pondo natin, 'wag naman yung isa, may isang tinapay, yung isa, zero.

Supposed to be, kakampi ka man o hinde, Luzon, Visayas, Mindanao ka man, Kampi, Lakas, LP, Nacionalista kahit ano'ng partido mo, pro rata ang pag-release ng pera ng DepEd, yan ang batas. Baguhan ka man na kongresista, alam mo man o hinde ang sistema ng pag-release, kahit ano'ng partido, kahit ano'ng rehiyon ng pinagmulan mo, sang-ayon sa batas na ito, pantay-pantay ang pag-release ng pera sa DepEd.

Yung CDF [Countrywide Development Fund], na similar dito, may mga areas na hindi nabibiyayaan kase hindi ka-alyado.

MAR: Hindi sakop ng Roxas Law iyon.

Hindi nga. Mayroon bang magagawa para maging katulad ng Roxas Law yung CDF?

MAR: Yung magagawa natin ay, may karapatan ang Kongreso, sa budget. 'di ba ang budget dumadaan sa House? Kung inaakala ng isang grupo ng kongresista na ang constituents nila ay hindi natutulungan ng gobyerno, pwede nilang kwestyunin iyan. Pwede nilang sabihin, 'excuse me, time out, dito ho sa probinsya namin, may tatlong distrito, yung kalye nandoon lamang sa district number one tsaka district number two, bakit wala sa district number three iyan? Kinekwestyun ko ang mali ng executive, kung bakit hindi nare-release. Kung ano ang pagkukulang, kung ano ang favoritism na nakikita nila, pwede nilang kwestyunin iyan.'

Pangalawa, pwedeng sabihin na ang DepEd, inalis sa pulitika. Siguro pwede namang gawin by priority, yung health naman, Department of Health, alisin din natin sa pulitika. Yung budget for prevention, hindi yung curative, kase yung curative, kung saan maraming may sakit, doon dapat yung pera. Pero yung prevention, pro rata, kung saan yung mga populasyon. Sa DA, yung mga siyudad, wala na sigurong hiwa ng budget, urban na sila e. Nagkaroon na ng skandalo na ang fertilizer fund napupunta sa urban areas.

Yung sa executive, kung talagang ninanais nila na mabawasan ang pulitika, kung talagang ninanais nila hindi gamitin ang pondo sa political purpose pero talaga sa development purpose, maaaring gawin iyan. Minumungkahi natin na talaga dapat ganyan ang paggamit sa pera ni Juan de la Cruz, kase hindi naman pera ng Malacañang ito e, pera ni Juan de la Cruz ito.

News Latest News Feed