Press Release
November 5, 2007

Transcript of interview on DZRH
with Senate President Manny Villar

Q: Senate President, ano po ang ipaprioritize ng Senado sa muling pagbubukas ng sesyon?

SPMBV: Palagay ko dun sa mga darating na linggo, ang pinakamahalaga ay ang budget at yun ay malapit na rin naman bagamat wala pa sa amin kailangang paghandaan na. At saka yung JPEPA. Dalawang tricky kasi yan na nakasalang na mahalaga. Yung JPEPA at yung atin pong VFA sa Australia. At siyempre kasabay niyan, yung mga hearings po natin na tuloy-tuloy din po naman at malalaman din po natin mamayang hapon kung may magpa-file ng resolution para sa imbestigasyon sa P500,000.00 at doon sa bombing sa Ayala, at dito sa NBN deal naman ay tuloy-tuloy. At siyempre yung mga pangkaraniwang panukala namin na nakasalang din, ay lahat po ng ito ay tumatakbo na ngayon kaya sabay-sabay po naming tatalakayin ito, sapagkat meron na lang po kaming mga 7 linggo ngayon na sesyon bago mag Christmas break. At dito sa oras na ito, ay pipilitin po naming makatapos ng marami.

Q: Mr. Senate President, ito pong Cheaper Medicines bill, ano na po ang estado nito?

SPMBV: Pasado na yan, nakapasa na iyan sa amin at kailangan na lamang ng approval ng mababang kapulungan.

Q: So naghihintay tayo ng bersyon ng lower house?

SPMBV: Oo, tapos magkakaroon ng bi-cameral conference at sana ay makapasa na din yan. Noong magsara kami noong unang sesyon ay nakapagpasa na kami ng 9 na panukala at ito ay isang record number din. Normally walang pinapasa kasi kapag 1st session, kaya medyo maganda-ganda yung mga naipasa namin.

Q: Isa pang record breaker kung maipagtitibay ang budget for 2008, napakaagang maipagtitibay nito.

SPMBV: Oo, ang pangarap sana namin ay maipasa ito on time. Kami naman sa Senado ay parating matulin, mabilis na mabilis kami. Kaya lang minsan binibigay samin ng mababang kapulungan ay 1 day before the Christmas break. Talagang wala na ring oras pero kapag naibigay samin yan nitong Nobyembre, ay maihahabol namin yan bago matapos itong taon.

Q: Itong JPEPA, mukhang nagkakaroon pa ng problema?

SPMBV: Maraming problema ang JPEPA, at medyo napaka kontrobersiyal pa talaga. At napakaraming paliwanagan na dapat marinig. Siyempre me suspisyon kasi yung ibang mga environmentalist natin na talagang may malaking isyu ng toxic waste. Bagamat itinatanggi naman ng panig ng ating pamahalaan at yung kanilang ine-emphasize naman ay yung kanilang mga economic benefits. Yung kanilang benepisyo naman na hindi naman natin kailangang balewalain dahil sa talagang malaking bagay din para sa bayan natin.

Q: Compare dun sa VFA sa Australia, mas madali atang mapagtitira ito kesa sa JPEPA?

SPMBV: Kasi minsan hindi ko masabi, hindi ito yung parang iniexpect na kontrobersiyal na mas matagal, mas mabilis, at yun naman ang inaasahan natin na tahimik lamang ay mas matagal. Subalit sa ngayon ay wala pa naman akong naririnig na objection dpyan. At malalaman natin, pero hindi ko pa masasabi ngayon kung ano ang mas mabilis.

Q: So hindi tulad sa Kamara de Representantes, mukhang smooth ang magiging resumption of session ng Senado?

SPMBV: Sa Senado ay puro trabaho lang. Wala kaming pulitika masyado.

SPMBV: Siguro sa mga darating. Sana naman sa darating na mga lingo. (end)

News Latest News Feed