Press Release
November 6, 2007

Transcript of interview with Sen. Jinggoy Ejercito Estrada

Lumang tugtugin na daw lahat yun (FVR)?

SEN. JINGGOY: Lumang tugtugin, hindi pa nga niya sinsagot. Kulang pa iyong kanyang mga paliwanag, lalo na dun sa mga pinirmahan niyang kontrata tungkol sa mga independent power producers, with sovereign guarantees lahat yun. Ibig sabihin po niyan, kahit hindi po natin nagamit ung kuryente, binabayaran ng Pilipinas yan. Mga apo ng mga apo natin, may utang na tayo. Gawa ni dating Pangulong Ramos yan. Lahat ng mga pinirmhan niya, if my memory serves me right, 28 kontrata ng independent power producers. Nung panahon ni President Cory, meron din yata siyang pinirmahan konti lang. Nung panahon ni Pres. Estrada wala. Panahon ni Pangulong Arroyo, isa. Ibig sabihin po niyan, nung panahon ni Pangulong Estrada, meron inalok sa kanya na 14 million dollars para sa mga proyekto ni Pangulong Erap. Ngunit hindi nya tinanggap yon dahil may sovereign guarantee. Ibig sabihin ginagaratiyahan ng ating bansa ung kontrata, ayaw ni Pangulong Estrada. Pero itong si Ramos, 28. so anong ibig sabihin po niyan? Bawat pinirmahan niya may under thetable.

Possible bang magkaroon kayo ng face-off ni Bong Revilla?

SEN. JINGGOY: That's still too premature to talk about. Malayo pa yung 2010. Iniisip ko ngayon, kung paano ako makakapagpasa ng marami pang mga batas.

Would you be willing to give way?

SEN. JINGGOY: I do not want to comment. Matagal pa yan. Matagal pa ang pulitika. Huwag muna nating pag-usapan yan.

On sandigan justices...

SEN. JINGGOY: Iyon ang laman ng aking privilege speech kahapon. Kung talagang may delicadeza itong mga justices na ito, dapat huwag nila tanggapin ung posisyon ng Assosciate Justice sa Supreme Court dahil magkakaroon ng kulay yan, iisipin ng tao, kaya kinonvict si Pangulong Estrada ay dahil mayroon posisyon na naghihintay sa kanila sa Supreme Court.

News Latest News Feed