Press Release
November 9, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar (RMN)

Q. Last time po tayo nag usap, naikwento niyo na ang inyong buhay ay galing din kayo sa kahirapan at naka-ahon dahil sa Sipag at Tiyaga at ito po ay tungkol kay Mariannet Amper.

SPMBV: Nabalitaan ko rin itong nangyari sa bata kay Mariannet, alam mo minsan hindi ko alam kung pano magrereact dyan dahilan sa naalala mo ang aking kabataan pero alam natin na marami pang mariannet sa ating kapaligiran at ito ngayon ang problema natin at siguro ako bilang public official din ay parang nahihiya rin, parang hindi natin nakaya na mabawasan o mawala ang mga Mariannet sa ating paligid. Sa akin lahat ng nanunungkulan ngayon ay dapat isipin ito at parang nasa isipan natin para lalo ganahan magtrabaho sapagkat marami ang umaasa. Nung bata kasi ako, ganyan din kami, squatter din kami at talagang mahirap kami kaya nga ginawa kong slogan ang Sipag at Tiyaga bagamat nalalaman ko din naman na hindi lahat ng nag-sisipag at tiyaga ay nagtatagumpay subalit at least may pag-asa at yun nga medyo nakakalungkot bagamat sipag at tiyaga hindi naman natin sinasabi na makukuha lahat pero at least medyo marami rin siguro ang makakaahon pero ang problema natin pano ang hindi.

Doris: Kailangan talaga merong lalaban, dahil kung hindi, bibigay ka hindi ba, at talagang mawawalan ka ng pag-asa.

SPMBV: Kaya ang nakakaawa ay ang mga bata bagama't siyempre gusto man nilang lumaban ay walang kakayahan pa sapagkat sila'y bata pa, di bale yung mga teenager na at yan ay medyo pwede ng lumaban yan at yan ay aking hinihikayat na wag mawawalan ng pag-asa maski na ano ang kalagayan sa buhay, pero yung mga bata yan ang siguro ma-oobliga tayo sa gobyerno na gumawa ng paraan, para at least yung mga bata ay hindi magkaroon ng ganyang kapalaran.

Q: Sir, Ano po ang maipapayo niyo sa mga magulang na may mga anak na pito, walo, kayo rin sir mukhang marami rin po yata kayong magkakapatid? Ano po ang maipapayo niyo sa mga magulang, tulad nitong magulang ni Mariannet karpintero tapos labandera, paano mapagkakasya yung kanilang kinikita Mr. Senator?

SPMBV: Alam mo napakahirap niyan, talagang kung may ibang minamalas, yun halimbawa nawala sa trabaho, ang sa akin lang ay siyempre nag-iisip po tayo kung pano makakahanap ng trabaho muna, kung wala tayong makuha na pagsasarili pero pag dumadaan tayo sa ganyang problema, dapat alisto po tayo sa ating mga anak dahil sa baka nakakaligtaan natin sa pag-iisip natin ng ating trabaho baka medyo may nagugutom tayong mga anak, kasi diyan pag ganyan na talaga mapipilitan ka munang lumapit sa ibang tao. Bagama't ako naman gusto ko talagang independent lahat pero mahalaga po pag may mga bata tayo kundi dumulog po tayo, kung di po natin talaga makaya humingi po muna tayo ng tulong habang hindi po natin nakakaya na magsarili, pero pagkahingi ng tulong, dahil yan kumbaga ililigtas mo muna yung mga bata, magtitira ka muna sa mga bata, basic kasi yun eh. Safety muna yung mga bata, pag medyo safe na yun saka na tayo, yan na darating yung aking Sipag at Tiyaga formula.

Q: Sir, sabi niyo nakaka-relate kayo dahil pinagdaanan niyo rin yung hirap, sa squatter kayo nakatira. Ano ho ang pwede ninyo maipamahagi siguro sa ibang bata, mga ibang magulang na dumaranas ng kahirapan halos di na makakain. Ano ho kaya ang pwede nilang gawin Mr. Senator based on your experience?

SPMBV: Dito kasi sa amin yung parating kakausapin mo muna. Ang sa akin kasi kinakausap ako ng nanay ko na wag ka mawawalan ng pag-asa maski mahirap ka. Kaya alam ng nanay ko yung problema ko kasi pag nakaka-relate sa inyo yung anak niyo kahit papano mas lumalakas ang loob, ako lumalakas yung loob ko, ang nagpapalakas kasi ng loob ko ay yung nanay ko. Kasi minsan pag wala kang pera at least yung oras lang at payo na maibibigay mo. Tumingin kayo sa kapaligiran niyo, minsan sa kapaligiran niyo ay merong mga bagay-bagay at pagkakataon na hindi lang napupuna kasi minsan pag nawalan kayo ng trabaho ang hinahanap ninyo ay yung trabaho niyo rin na ginagawa dati pero minsan pag binuksan ninyo ang inyong mga mata meron sa kapaligiran ninyong magagawa na hindi niyo ginagawa dati. Halimbawa kayo ay nag-kakarpintero at walang kontrata, iba na muna, tingnan na muna ninyo ang kapaligiran ninyo maaaring may pangangailangan sila roon na may magagawa muna kayo, kasi pag masyadong isa lang inisip mo kung kayo kusinero at gusto mo lang magluto medyo limitado ang oportunidad, pero pag nagkaroon kayo ng konting pagkakataon papasok na rin ang sipag at tiyaga. Ang importante wag mawawalan ng pag-asa maski na hindi kayo matalino, maski na wala kayong pera , maski na may kapansanan, merong paraan po diyan, basta wag lang mawawalan ng pag-asa at bubuksan niyo lang inyong mata sa kapaligiran.

Doris: Yung iba kasi, gaya niyan nawalan ng trabaho, aba'y ang mga misis magtatatalak na lang, yung lalaki naman ay mag-iiinom.

SPMBV: Nagsisisishin kasi, yan ang mahirap, yung sisisihin ng babae ang lalaki, yung lalaki sisisihin yung babae I think dyan nakakaligtaan yung mga bata, siguro pag yan ang oras na medyo ganyan na seryoso talaga yung kawalan yun ang oras na talagang dapat magsama-sama, kasi naman dati nagsasama-sama kami pag may problema at talgang kung anuman yung pagkain namin ay talagang hati-hati.

May magagawa naman pag talagang desidido, yung iba lang kasi nauubos ang oras sa kaiisip o kaya yung iba naglalasing lang, yung iba nag-aaway lang at lumalayas ng bahay.Pero yung mga ganyan delikado yan palagi niyo po iisipin yung anak niyo.

Q: Sir maiba po tayo, reaction lang po sa paninindigan ng Malakanyang na di sila sisipot sa Senado sa issue ng cash gift ang executive officials?

SPMBV: Parati naman nilang sinasabi yan, ang sa kin lang palagay ay talaga namang parang umaamin sila na mali sila. Kasi yung hindi ka sisipot parang binibigyan naman namin sila ng pagkakataon na magpaliwanag kung ano yun, kung hindi naman talaga galing sa kanila o di naman sila guilty may pagkakataon naman sila masabi na hindi sila guilty. Kaya sa akin naman pinapaliwanag lang naman, eh di ipaliwanag nila. Sabi naman kasi nila sa dyaryo hindi naman sila ang may kasalanan, wala naman, o eh di wala namang problema. Ngayon pag di sila sumipot, sinasabi mong may problema ka, kasi siyempre importante din hindi lamang yung legal na way kundi yung public opinion, sapagkat importante din yung publiko.

Kasi iniimbita rin namin si Governor, pano magsasalita yan di walang panig naman nila, bibigyan naman namin sila ng time, kung hindi sila darating siyempre hindi naman namin di pwedeng ituloy yun, syempre itutuloy din naming iimbitahin yung gustong magsalita at kung wala yung kabilang panig wala na kaming magagawa dun.

News Latest News Feed