Press Release
November 12, 2007

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

 On bribery probe...

Dapat dalawang bagay ang pagtuunan nang pansin, saan galing ang pera at para saan ito at bakit binigyang ang mga mambabatas o ng mga local na opisyal noong October 11, 2000.

Nag-confirm si Gov. Panlilio, sa paniwala ko rin si Gov. Mendoza na dadalo sa pagdinig, sana dumalo rin ang ULAP at sana dumalo rin ang AMLAC upang sagayon ay malaman natin kung saan nga ba galing ang pera at para saan ito.

 With respect to inter-parliamentary courtesy sa investigation...

Hindi namin inimbitahan ang mga miyembro ng Kongreso subalit bukas ang pintuan, bukas ang pintuan ng komite para sa sinomang mambabatas na nais dumalo o magparticipate sa nasabing pagdinig, subalit sap arte ng komite napag-usapan na namin nila Senator Cayetano at senate president Villar in consultation with the other senators na hindi iimbitahan an gmga miyembro ng Kongreso dahil sa inter-chamber courtesy.

They are free to attend, kung maaalala nyo noon kung hindi ako nagkakamali. Congressman noong si Louie Villafuerte, merong jueteng inquiry ang senado at nag-attend siya voluntarily sa senado. Bulas ang aming pintuan para sa sa sinomang nais magsalita at marinig ang kanilang panig kaugnya ng isyung ito. Wala akong nalalamang nag-volunteer so far, wala pang nagbibigay ng pahayag at intensiyon na magpunta irot mula sa Kongreso.

What do you hope to achieve?

Una ito ay bugso sa isang resolusyon na inihain ni senador Lacson, naniniwala ako na bawat panukalang batas, bawat resolusyon na inihain ng isang senador dapat bigyan ng karampatang respeto at paggalang at dapat dinggin upang mabigyan ng pagkakaton ang senador na naghain niyan na maimbistigahan at mapag-aralan ng husto ng partikular na komite ng senado. Personally ang gusto kong makita dito, malaman ng sambayanan na saan nga ba galing ito, para san nga ba ito at sana magsilbing hudyat ito na para mapigilan na sa susunod na panahon.

 Your reaction na sana itabi na lang ng mga binigyan at ibigay na lamang sa mga mamamayan...

Magandang question yan kasi kung krimeng itong ginawa noong October 11 at yan ang makikita ng senado o ng Ombudsman, hindi mo puwedeng ibigay ang ebidensiya ng isang krimen maski na maganda pa ang intensiyon mo. Yan ay ebidensiya na marapat at dapat gamitin sa isang kasong isasampa sa sinomang dapat managot sa anuamng paglabag ng batas.

On Dalaig's death (Comelec legal dept. chief Alioden Dalaig)

Maramign question ang marapat at dapat sagutin sa pagkakapaslang kay Ginoong Dalaig, uan galing nga ba siya sa Casino o hindi? Bawal ito at hindi ito dapat pinapayagan. Bakit siya nakapasok at nakapanggaling doon bago siya napaslang? Pangalawa ano nga ba ang mga trinatrabaho niyang mga resolsuyon sa kanyang departamento bago siya napatay o hindi man pending sa kanyang tanggapan dahil marahil may kaugnayan ito sa pagkakapaslang sa kanya at pangatlo baka wala namang kinalaman sa kanayng trabaho at personal na rason ang pagkakapaslang. Maraming mga katanungan, maraming mag anggulo mahirap pangunahan, marapat na antabayanan na lamang nating ang resulta ng imbestigasyon.

Parang sunod-sunod ang napapatay na Comelec opisyal...

Hindi natin maikakaila na napakababa ng kredibilidad ng Comelec sa ngayon, at kung sino man ang mag-iisip ng koneksyon sa pagitan ng trabaho nila at mga nangyari sa kanila hindi ko masisisi ang sinomang magsasabi niyan. Kabilang sa dapat masusing pag-aral ng pulis ang trabahong ginagampanan ng mga napaslang o sinubukang paslangin na mga Comelec opisyal subalit may pinapakita rin itong masamang mukha sa ating electoral process, mayroong nga bang ganoong kalaking discretion o kapangyarihan an]g mga Comelec opisyal na mayroon rason kung bakit may magagalit sa kanila at gagawa ng ganitong uri ng aksyon laban sa kanila kung saka-sakaling hindi sila kuntento sa naging galaw o desisyon ng mga opisyal na yan.

Ito daw kasi ang humahawak ng kaso ni Lintang Bedol...

Pero yung kaso ni bedol kasi contempt lang yun eh, tingin ko naman napakaliit na bagay, ayaw kong pangunahan pero napakaliit naman na bagay iyon para maging rason na barilin siya o patayin siya?

On impeachment, this morning being heard by the House committee on justice

Actually hindi ko napanood pero nais ko sanang mapakinggan si Congressman San Luis kung kaya talaga niyang depensahan yung tatlong pahinang impeachment complaint, kung gaano kaya katagal niyang puwedeng madepensahan iyong tatlong pahinang complaint. Maging ganoon pa man inaasahan ko n asana talakayin ng committee on justice yung pagkakabalik ng impeachment complaint na isinampa sa secretary general. Ministerial ang trabaho ng secretary general, wala siyang trabahong magdesisyon kung tatanggap ba siya o hindi ng impeachment complaint. Anumang aksyon sa impeachment complaint dapat committee on justice mismo na binubuo ng mag miyembro nito, hindi nga yung chairman lamang, at plenaryo kung saka-sakali ang dapat magdesisyon kaugnay nito, hindi ang sec gen lamang, hindi ang chairman lamang o hindi ang speaker lamang.

On the proposed Northrail project probe...

Kung hindi talaga ito nasara noon at natapos marapat na ipagpatuloy, hindi ako tututol sa anumang muling pagbubukas ng Northrail project (investigation). Nabanggit din ni senador Biazon na maraming parallelism ang Northrail project dito sa ZTE at kung saka-sakali sa Cybered project. Kung base sa kaalaman ng mga author ng mga nagdaang Kongreso kulang pa ang kinalap na impormasyon hindi ko tututulan ang muling pagbukasn niyan sa Kongreso.

On the death of Mariannet Amper of Davao who commited suicide...

Maliban s gobyerno bawat isa siguro sa ating tingnan nang seryoso ang bagay na yon. Responsible tayong lahat kung tutuusin, empleyado ka man ng pamahalaan o hindi ka man empleyado ng pamahalaan, nasa pampublikong sector ka man o pribadong sector, marapat na akuin natin ang responsibilidad upang sagayon ay makahanap tayo ng paraan mula sa ating kinauupuan, pribadong sector man o gobyerno kung paano ito maiiwasan at hindi na muling mangyayari pa. hindi lamang sa mga kabataan kundi sa iba pa nating mga kababayan na tila nawawalan na ng pag-asa.

Ngayong patay na ay umaapaw na ang mga regalo at padala..

Huli man daw at magaling ika nga ng mga matatanda ay huli pa rin pero hindi rason iyon para balewalain natin ang mag tulong na ibinibigay. Sana ito ay ma-channel, sana ito ay mapadala doon sa iba na malapit na ring mawalan ng pag-asa at malapit nang dumating sa puntong sila rin ay pagpapatiwakal.

Kung talagang gustong sagutin ng pamahalaan ang problema sa kahirapan, pag-aralan dapat ng gobyerno ano ba ang buhay ng isang mahirap na tao mula nang siya ay ipinanganak hanggang siya ay mamatay, at pag-aralan ng pamahalaan ano yung mode of intervention na pede nilang gawin para mapagaang ang kanialng buhay. Hindi yung mag-aanounce ka lamang ng anti-poverty fund at hindi mo alam kung paano ito gagastusin at saan ito pupunta at kung talagang makakatulong ito doon sa tunay na nangangailangan.

Going back to impeachment complaint, yung Pulido complaint isinalang daw ng admin, now that Atty Tamano himself accepted the amendment (sa case)...

Ayokong pangunahan yung detalye at partikular n abagay nay an dahil baka makarating sa amin at magamit pa laban sa akin para sabihing na-prejudge ko yung kaso. Sang-ayon lamang sa rules, ang kaya kong sabihin at komentaryuhan, kung 11 th Congress rules pa rin ang ginagamit ng Kamara, at yan din ang rules na umiral noong nagdaang Kongreso, ang amendment ay possible at puede. Ang pinagbabatayan ko ay ang kasaysayan, kung maaalala nyo ang 11 th Congress rules on impeachment ang ginamit sa pang-impeach kay dating Pangulong Estrada, iba yung na-file nilang complaint, iba yung allegation sa original complaint doon sa mga alegasyon na nakarating na reklamo dito sa senado, patunay na pede pa ring mabago at pedeng baguhin yung mga alegasyon at reklamo mula nang ito ay na-file hanggang sa ito ay makaratign dito sa senado.

On minimum fare, transport sector wants an increase...

Chicken or the egg na lang palagi yan kapagka tumataan ang presyo ng gasoline, kapagka tumataas ang presyo ng palitan ng piso kontra dolyar kapagka bumababa ang suweldo kumpara sa mga pangunahing bilihin, presyo ng pangunahing bilihin, palaging hihingi ang transport sector ng umento sa pamasahe. Dapat pag-aralan ng pamahalaan ang ilang mga bagay kung paano ito matutugunan. Una ang pagreview at pag-amenda ng oil deregulation law, pangalawa ang pagbibigay ng mga karampatang insentibo at exemption sa transport sector, partikular na PUV, PUJ at public utility buses para sa pagbibigay nang mas mababa o abot kayang pamasahe para sa ating riding public.

News Latest News Feed