Press Release
November 14, 2007

Transcript of interview with Senate
President Manny Villar (DZRH)

Q: On bombing in Batasan

SPMBV: Ako ay nababahala, malaking bagay iyan. Habang lumalaki ang mga bagay na iyan, kinakailangan tayong maging kalmante diyan at mag-isip mabuti sapagkat dapat maliwanag ang pagbasa natin sa pangyayaring ito dahilan sa medyo dumadalas yata. Maaring isolated cases lamang ito o maaari din namang may pattern sapagkat fresh tayo dito sa Glorietta bombing or Glorietta methane gas, depende sa paniniwalaan. Kakabalita lang natin dito sa pagkamatay ng legal officer ng Comelec at ngayon naman itong bombing na ito.

Q: Hindi po ba ninyo napapansin na kada may malalaking isyu, tulad ngayon nag-uumpisa ang imbestigasyon ukol sa Malacañang payoff, biglang may nangyayari. Una iyong Glorietta noong magkaroon ng pagbubulgar ukol sa ganitong insidente...

SPMBV: Dito ay nababahala ako. Kaya ayokong gumawa ng konklusyon dito sapagkat posible talaga ng sinabi mo. Sa akin, kailangan alisto tayo dito dahil hindi natin alam kung sinong grupo ang gumagawa nito o anong panig.

Q: At nakakabahala kasi hindi pangkaraniwang bomba ang ginamit nila?

SPMBV: Medyo nga. Definitely nakakabahala ito at lahat ng tao ngayon ay nag-iisip. Sa amin, ang magagawa lang namin ngayon dahilan sa hindi pa natin alam ang kasagutan, ay magpatuloy na parang normal. Sa Senado po hindi kami matatakot, itutuloy namin ang imbestigasyon. Bagaman isa lamang ang pupunta, mukhang natakot ang iba, mukhang si Fr. Panlilio lang ang pupunta. Sana naman iyong sa mababang kapulungan din ay ganoon, as much as possible ay normal ang kanilang dapat na ipakita para hindi magkaroon ng impression itong grupo na ito na kaya nilang takutin ang Kongreso. Ganoon din ang ginawa ko sa Senado ngayon.

Q: Definitely maghihigpit tayo ng seguridad sa Senado?

SPMBV: Kagabi pa lang ay nag-usap na kami ng aming Sergeant-at-arms, nire-review namin ang seguridad. Merong offer sa amin na magpalit ng gwardiya pero kinakabahan din kami. Gusto naming masiguro kung sino ang nago-offer. Kaya nire-review muna namin iyong mga nago-offer, hindi tayo sigurado. Marami tayong dedesisyunan ngayong araw na ito dahil mahalaga na normal tayo dapat at maprotektahan natin ang ating mga institusyon, hindi tayo dapat matakot.

Q: Humingi na rin tayo ng paumanhin sa ating mga kababayan na nagpupunta sa Senado dahil sa mga paghihigpit na gagawin ng mga security men?

SPMBV: Tama ang sinabi mo. Kailangan humingi tayo ng paumanhin, maghihigpit po kami sapagkat hindi po biro ito. May sumabog, may namatay, may mga nasugatan. Hindi na po biro. Noong araw po ay may mga threat na ganyan, medyo nababale-wala. Ngayon seryoso ito.

Q: Noong araw ay nagkakaroon ng mga pagsabog, walang namamatay, maaring may nasasaktan pero slight lang. Pero ito ay grabe.

SPMBV: Grabe ito. Kaya kami ay talagang maghihigpit sa Senado ngayon. Ako ay humihingi po ng paumanhin sa mga kababayan po natin na dadalaw po sa Senado, hindi po muna siguro ngayong mga panahon ngayon.

Q: At sa ating mga kababayan, huwag po tayong patatakot pero huwag tayong magwawalang-bahala.

SPMBV: Maganda iyon. Kami ay talagang nag-iisip at pinag-aaralang mabuti ito sapagkat mahalaga para sa kinabukasan ng bansa. But at the same time, kailangang ipakita namin na hindi naman kami takot dito.

Q: Hindi po ba pipilitin ng Senado na makusap din si Dep. Speaker Villarosa sa imbestigasyon ng cash gift?

SPMBV: Hindi naman rule pero, hindi kami talaga nag-iimbita sa isa't isa, itong lower house at Senado. Bagamat wini-welcome namin ang sinumang congressman na gustong magpahayag ng kanyang nalalaman. Open po. Baka akala ng ibang congressman ay hindi sila puwede, puwede ho sila basta sila ay voluntary at hindi po iimbitahin. Pero iyong governor puwede iyan.

Q: Nagpahiwatig si DILG Sec. Puno na willing siyang lumabas sa Senate inquiry. Isasama nyo ba siya?

SPMBV: Puwede rin. Kaya lang merong listahan ang imbitasyon, palagay ko kasama siya at kung hindi naman ay iimbitahin din namin dahil sa talagang gusto rin naming marinig din ang panig ng Malacañang dito. (end)

News Latest News Feed