Press Release
November 14, 2007

Transcript of post-forum media interview with Senate
President Manny Villar (Quijano de Manila forum)

Your say on the bombing?

SPMBV: Maraming mga possibilities ngayon na lumalabas at wag tayong gagawa ng conclusion. Ang mahalaga nating magagawa ngayon ay hanapin ang gumawa no'n at no. 2 ,parang mas normal tayo dapat. At gaya sa Senado at Mababang Kapulungan, hindi tayo magpapakita na tayo'y magpapaapekto sa ganitong mga bagay. Malaking bagay para sa ating bansa na normal lamang. Sa Senado, tuloy ang aming schedule. Tuloy kanina ang imbestigasyon ng blue ribbon, session will go on as usual, maghihigpit kami siyempre ng konti sa security at ganun din dapat ang gawin ng house para normal. Para malaman ng gumagawa ng ganitong mga bagay na hindi naman nila basta-basta matatakot ang kongreso o ma-dedestabilize ang ating bansa.

Sen, kung maghihigpit kayo ng security will there be any security plan na iimplement sa senate?

SPMBV: Maghihigpit kami. Humihingi na ako ng paumanhin sa ating mga kababayan na gustong bumisita sa Senate, pero magkakaroon po ng paghihigpit dahil sa hindi na ho bali-balita o theory lamang yan kundi may bomba na sumabog sa Mababang Kapulungan. At bilang pangulo ng Senado, obligasyon naman natin na pangalagaan hindi lamang ang mga miyembro, hindi lamang ang mga empleyado, kundi ang institusyon. Kailangan ding nating pangalagaan yan.

Death threats?

SPMBV: Kami kasi hindi na nasasabihan pag may mga death threats. Dahil sa parang normal naman yan. Ako, sa akin wala naman. Luckily.

Specify the new measures?

SPMBV: Wala pa. syempre pag security measures hindi mo naman sasabihin yan. Pero mas mahigpit kami ngayon definitely. Sa mga bisita, sa mga paglakad-lakad sa Senado, sa parking, magkakaroon ng panibagong mga rules, kaya this early humihingi na ako ng paumanhin, yung mga regular na bisita sa Senado at sa mga pumupunta roon na hindi na magiging kasing luwag dati.

Possibility to ask for an augmentation force?

SPMBV: Papag-aralan din namin yan kung papano sapagkat sisiguraduhin muna namin kung sino ang magbibigay sa amin ng security - baka mas malaking problema sila.

Usap-usapan lang si gma daw might take advantage of the situation para mag-declare ng state of emergency?

SPMBV: Well, kaya ko sinabi kanina wag tayong gagawa ng anumang kongklusyon dahilan sa marami talagang posibilidad. Ako at this point, wala akong ni-rurule out anuman sa mga possibility. Masyadong maaga para mag-rule out ng anuman. Mabuti na rin na tayo'y nahahanda sa anumang posibleng mangyari.

Sabi niyo hindi dapat apektado ang Kongreso, bakit na-cancel ang CA hearing?

SPMBV: Ah hindi. Yung sa Commission on Appointments, dahil sa pinakiusap ng Mababang Kapulungan. Noon pa yon. Actually even before the bombing we have already reset the hearing in the CA dahil sa nag-request ang Mababang Kapulungan na magkakaroon ng voting sa impeachment kaya pinakiusap nila na wag muna kahapon gawin. Yung desisyon na yon lumabas na at ginawa namin bago pa nagkaroon ng bombing sa house.

The impeachment was junked

SPMBV: Bagamat inaasahan natin yan eh siyempre kahit papano ay wag naman sanang masyadong harap-harapan ang pagbalewala sa oposisyon. Mahalaga rin naman na bibigyan natin ng respeto ang oposisyon - yan ang mahalaga sa ating bansa - na may check and balance. Wag naman sanang parang binabalewala ng administrasyon ang mga miyembro ng oposisyon.

News Latest News Feed