Press Release
November 14, 2007

Transcript of interview of Senate President
Manny Villar with Senate reporters

Q: On Batasan blast

SPMBV: Lahat naman ay nagulat sa nangyari kagabi. Dumadami na yata itong mga ganitong insidente. Hindi tayo dapat maging mabilis sa pag-gawa ng konklusyon dito. Tingnan muna natin kung ano ang kadahilanan. Merong Glorietta bombing tayo although maaaring methane gas iyon. Meron naman tayong napatay na Comelec legal officer. Ngayon naman, bombing. Maaaring related ito, maaaring hindi. Pero huwag muna tayong gumawa ng konklusyon. Basta ang mahalaga dito, ipakita natin na hindi tayo natatakot at hindi tayo maaapektuhan. Dito sa Senado ay tuloy-tuloy lamang ang trabaho. Sana ganyan din ang gawin sa mababang kapulungan. Huwag tayong papaabala dito.

Q: On security in the Senate

SPMBV: Nakapagdagdag na tayo sa security dito. Humihingi ako ng paumanhin sa ating mga kababayan dahil sa maghihigpit na tayo sa mga darating na panahon. Talagang may actual threat naman at nangyari na nga sa mababang kapulungan. Mas mahirap namang magsisi tayo.

Q: Vulnerable po ba tayo?

SPMBV: Kasama na iyan sa institusyon, talagang palaging may threat iyan. Kung sinong gustong hiyain ang ating pamahalaan o baka pamahalaan din iyon, hindi natin alam, syempre ang Senado ay isang target dahil sa ito ay isang mahalagang institusyon.

Q: Ano ang ibig sabihin kung ganitong seat of power ang tina-target?

SPMBV: Masyadong lumalakas na ang loob ng mga gumawa nito. Kung sino man ito ay seryoso o talagang binabale-wala ang authority ng gobyerno. Unang-una dapat hanapin natin kung sino ang gumawa nito but at the same time pag-aralan nating mabuti kung sino ang grupong ito. Obviously, hindi duwag ang grupong ito at hindi takot.

Q: Kayo po ba ay nagdagdag na rin ng security

SPMBV: Maraming changes na tayong ginagawa ngayon. Nagdagdag na tayo ng security dito sa Senado at magdadagdag pa tayo sa mga darating na panahon. Gusto muna nating masiguro kung sino ang idadagdag natin. Baka lalong maging problema ang idadagdag natin.

Q: Personally po sa inyong security?

SPMBV: Okay naman ang security ko. Palagay ko naman ang may panganib ay ang institusyon. Hindi na tayo magdadagdag pa ng security.

Q: Namatay po ang isa sa mga kongresista

SPMBV: Ako ay nakikiramay sa pamilya ni Cong. Wahab Akbar na namatay, kaibigan naman natin iyan. Sa mga nasugatan at namatay na maski hindi congressman, iyong driver� sa lahat ng mga nasaktan kami po ay nakikiramay dito sa Senado. Sana ho ay huwag nang maulit iyan ay sana naman ay gumaling lahat ng mga nasugatan sa insidenteng ito.

Q: The mere fact na sumabog iyon sa isang seat of power...

SPMBV: It's a challenge. To me, parang mas mataas na level ito. Parang hinahamon mo. Parang pinasabog mo ang loob ng Malakanyang, parang mas hinahamon mo.

Q: Either may naggugulo sa gobyerno or government is responsible for that?

SPMBV: Hindi natin alam. Hindi ko sinasabi na ang gobyerno mismo. Ang gobyerno malaking institusyon iyan. Maaaring may grupo within the government who may be doing this. That is why I am saying it might be too early for us to make any conclusion.

Q: You are saying being challenged ang institutions?

SPMBV: Oo. Obviously, bukod sa pagpatay, high profile. Gusto nito ang atraksyon. Kasi kung bibira ka lang sa isang di sikat na lugar, hindi masyadong pag-uusapan. The mere fact na binira mo ang Congress, style ng mga marunong mag-terrorize. Gusto mo high-profile. Kunwari sa foreigner, gusto mo maraming foreigner para CNN ka agad. Kaya ito marunong ito kasi House agad kaya nasa CNN agad iyan.

Q: Halos pinatay na po sa Kongreso ang impeachment case

SPMBV: Bagamat inaasahan natin na iyan ang mangyayari diyan dahil alam naman natin ang numero sa mababang kapulungan, pero mas maganda sana kung magkakaroon ng magandang pagtatalo at pagdedebate nang sa ganon ay makita ng mga tayo na talagang tinatalakay ang mga isyu na hinaharap ng pangulo ngayon. Alam naman natin na merong mga dapat ipaliwanang ang ating pangulo sa ngayon. Hindi naman pwedeng basta bale-walain na lang natin ang mga bagay na ito. Ang iwasan natin dito ay ang mga teknikal na pag-preempt ng impeachment na para lamang wala nang impeachment na mai-file sa mga darating na panahon. Ito ay isang tahasang pambabastos sa ating sistema ng gobyerno.

Q: You consider na pambabastos na nga po?

SPMBV: Kasi kung minsan maliwanag naman na talagang pini-preempt lamang ang impeachment at hindi naman seryoso.

Q: Sa biglang pagdating ng SAF

SPMBV: Iyong biglang pagdating ng SAF dito, bagamat syempre gusto mo rin ng karagdagang tulong para sa seguridad ng Senado, pero hindi naman tama na wala man lang clearance sa Senate president ang mga bagay na iyan sapagkat marami rin, 76 daw ang sundalo doon at dalawang truck. Alam mo ang mga bagay na iyan sa mga ganitong pangyayari ay hindi mo masisiguro kung dapat ba kaming magkaroon ng feeling na safe kami o lalo kaming kabahan. Alam naman natin na kapag ganyang maraming sundalo sa paligid ng Senado, nakakatakot din iyan. Kaya sana ay tanggalin muna nila ito at humingi muna sila ng clearance sa akin. At kung magpapadala sila, hindi ganyan kadami.

Q: Parang na-override ang authority ninyo?

SPMBV: Unang-una hindi nag-clear sa Sendo, sana man lang ay may kortesiya na i-clear sa akin ito unless merong emergency. Pero matagal na naman, dapat mag-clear na sa akin ngayon. Pangalawa, mag-usap muna kami kasi masyadong maraming sundalo ito. Kinakabahan ako sa rito sa ganitong karaming sundalo dito.

News Latest News Feed