Press Release
December 17, 2007

Transcript of interview - Kapihan sa Manila
Hotel Senate President Manny Villar

Q: Re Jalosjos binawi ang release order after siyang ma-release, what is your say?

SPMBV. Hindi ko alam kung bakit pabago-bago ang isipan ng Pangulo. Dapat yun, syempre, nakakahiya naman dun sa mga napalaya, kung napalaya mo, tapos babawiin mo. Hindi na lang sana binigyan ng pardon kung ganyan din pala na babawiin. Sana iniiwasan natin ang ganitong mga bagay dahil hindi naman fair ito sa mga tao din sapagkat nag-celebrate na ang pamilya tapos biglang hindi pala, babawiin.

Q: Ito ay irregular - apparently may release order NBP pero walang clearance order sa DOJ...

SPMBV: Ako'y nagtataka at bagamat ayaw kong magkomenta sana kung tama ang ginawa ng Pangulo sa pardon - ako'y isa sa mga nakipaglaban din sa pagpardon sa Pangulong Erap - ang sinasabi kong argument dun, bagamat iba namang kaso yun - ang sinasabi kong argument dun, yun naman ay karapatan ng Pangulo at ginagalang ko ang kaniyang karapatan na yan. In the case of Cong. Jalosjos again, yan lang ang masasagot ko, karapatan ng pangulo ang pagbigay ng pardon at wala tayong magagawa diyan. Ang hindi ko lang nagustuhan ano ba yang palit palit ng desisyon. Hindi fair yun sa lahat ng mga taong concerned, maski na kay Mr. Jalosjos mismo, hindi naman fair yun.

Q: Re cheaper meds, may move to block in the lower house. Anong chances na maipasa ito?

SPMBV: Maaprubahan lang ito payag na ako maski anong bersyon. Mas gusto kong bersyon yung makakapagpamura talaga ng presyo ng gamot. Kung ano man yun, kung kinakailangang mag price control walang problema yan basta sa akin makapasa ang panukala na mas mahigpit at mas makakapagbaba ng presyo ng gamot. Ayoko ng watered down version ang gusto ko lamang kahit paano yung tatalab at maiimplementa ang pagpapababa ng presyo.

Q: Aware po ba kayo sa moves to block the passage of the bill?

SPMBV: Palagay ko maraming nag lo lobby dito sa bill na ito at hindi ako magugulat na may mga lobby para i-block ang approval niyan. Pero dapat aprubahan yan, sabi ko nga, kami naman sa senado, pag-usapan na lamang sa bicam yung problema. Sa akin mas mahigpit ok din sa min, hindi naman kami magpipilit sa aming bersyon.

Q: Maipapasa na ba ang budget bago matapos ang taon?

SPMBV: Sa palagay ko naman. Maganda ang balita sa budget. Palagay ko tayo ay magkakaroon ng budget bago matapos ang taon. (30)

News Latest News Feed