Press Release
December 19, 2007

Transcript of interview of Senate President
Manny Villar with Senate Reporters

Q: On confirmation of Cabinet secretaries

SPMBV: Marami ngayong nagmamadali na maghabol. Ang Commission naman ginagawa ang lahat para mag-confirm. Dito nais naming ipakita na maski na maraming Cabinet members ang hindi sumisipot at madalas ay tahasang nambabastos sa Senado, ginagawa pa rin namin ang aming tungkulin na mag-confirm pa rin basta lahat ng kanilang kasulatan ay nasa ayos. Bagamat syempre, mas gusto sana naming mas marami, subalit iyon lamang ang nakayanan ng komisyon. Pero nais naming ipakita na mahalaga sa amin na ang sistema ay tumatakbo. Mahalaga sa amin na gawin ang aming trabaho at hindi naman namin sinisisi ang lahat ng Cabinet members dito pero sana ang pangulo ay isipin na marami sa delay ng confirmation ng Cabinet members ay sa kadahilanang hindi nakikipag-cooperate iyong ibang Cabinet members sa Senado at sa Kongreso.

Q: Wala bang ultimatum?

SPMBV: Kami ay nahahandang mag-reject ngayon. Binibigyan namin ng pagkakataon ang ibang secretary na kung talagang hindi siya magsa-submit ng requirements at hindi talaga susubok na ma-confirm, kami ay nahahandang mag-reject ng miyembro ng gabinete. Hindi kami mangingimi na mag-reject ng miyembro ng gabinete.

Q: Kapag na-reject na hindi na pwedeng ire-appoint?

SPMBV: Hindi na.

Q: Ilan iyong Cabinet members na hindi nagko-comply?

SPMBV: Subjective kasi ang nagko-comply o hindi. Iyong iba talgang may karagdagang hinihingi pa rin iyong ibang kasamahan natin pero hindi pa rin nila ibinibigay. Pero iyong iba naman talaga naghabol at ngayon lamang nag-submit nang kami ay nagbabala na magre-reject. Iyan ay warning lamang. Subalit may mga Cabinet member na sumusubok talaga. Marami talagang nagtatanong at maraming hinihinging paliwanag sa kanila. Makikita natin talaga na iyong iba nagsusumikap. Diyan naman ay wala kaming balak mag-reject ng ganyang miyembro ng gabinete.

Q: Noong araw ng imbestigasyon sa Manila Pen, si Secretary Gonzalez po ay inisnab ang hearing dito sa session hall at sa halip nagpunta sa inyong opisina. Ano ho ba ang napag-usapan ninyo?

SPMBV: Wala naman. Actually, magkikita kami noon sapagkat mayroong pag-uusapan na ibang bagay. Hindi ko naman alam na may hearing. Hindi ko alam kung ano ang kadahilanan kung bakit inisnab niya ang hearing na iyon. Subalit iyang issue na iyan ay nireresolbe natin. Titingnan natin kung ano talaga ang kanilang objections kay Secretary Gonzalez. Maraming objection kay Secretary Gonzalez but to be fair, si Secretary Gonzalez naman talaga ay sumusubok na maipaliwanag ang lahat ng dapat ipaliwanag at maka-comply sa requirements ng confirmation. Hindi kagaya ng ibang miyembro ng gabinete na talagang binabale-wala ang confirmation process.

Q: Ano po ang sadya ni Secretary Gonzalez nang bumisita sa inyo?

SPMBV: Dumadalaw lamang sapagkat pasko na. Maraming dumadalaw sa Senate president kapag ganitong panahon para makipag-kumpara ng mga accomplishments ng iba't ibang departamento.

Q: Pero hindi ninyo alam na may hearing?

SPMBV: Hindi ko alam actually. May mga kadahilanan minsan para hindi dumating at iyon ang pinagtatalunan natin ngayon. Sa aming paniniwala ay hindi tama iyan subalit sa paniniwala ng iba, iyan ay tama at gusto naming mag-rule ang Supreme Court sa issue na ito.

Q: Hindi po niya ipinakiusap ang kanyang CA status?

SPMBV: Hindi naman iyon ang pinag-usapan namin.

Q: Hindi ba kayo nagugulat?

SPMBV: Ang sa akin naman, bagamat maraming dapat ipaliwanag si Secretary Gonzalez, siya naman ay nagpapaliwanag at talagang sinasagot niya ang mga issue laban sa kanya. To be fair, iyong ibang miyembro ng gabinete ay talagang binabale-wala ang confirmation process. Si Secretary Gonzalez naman ay hindi.

Q: Ang energy secretary may pag-asa sir?

SPMBV: Hindi natin masasabi iyan. May proseso tayo at tinitimbang natin ang objection sa kanila at kung hindi naman matimbang masyado iyon, tuloy pa rin ang confirmation. Pero mahalaga sa amin iyong kagustuhan o pagsusumikap ng mga miyembro ng gabinete na ma-confirm. Syempre naman ay nakikita namin ang efforts na iyan at nagkakatulungan din dahil mahalaga din naman sa amin na kung deserving talaga ay makumpirma ang miyembro ng gabinete.

Q: May bearing ba ang sulat sa inyo ni Sen. Jinggoy?

SPMBV: Lahat ng sumusulat sa Commission ay may bearing. Lahat ng mga objection ay may bearing subalit lahat ng miyembro ay may karapatan na magbigay ng mga opinion nila at iyan naman ay normal sa Commission.

Q: Kailangan ng approval for the bicameral panels to work on the cheaper medicines bill and the national budget during the break.?

SPMBV: Wala kaming problema diyan. In fact, ang Senado traditionally nagbibigay ng authority hindi lamang sa bicameral conferences kundi maging sa anumang imbestigasyon sa gustong gawin ng mga chairman ng committee. Pinapayagan namin ang mga masisipag na chairman na magtrabaho maski bakasyon.

Q: Ano ang Christmas greeting ninyo sa inyong mga kababayan?

SPMBV: Nais ko pong bumati ng isang maligayang pasko sa inyong lahat, lalong-lalo na sa miyembro ng media sa Senado.

Q: The government will operate on the old budget on January?

SPMBV: Merong posibilidad na ganyan na pag-ooperate tayo on reenacted budget sa January lamang. Hindi naman nakakagulat iyan. Gagawin namin ang magagawa namin para maaprubahan ang budget pero mukhang hindi talaga makakaya at hindi naman natin puwedeng madaliin talaga dahil may mga issues na kinakailangang i-resolbe pa rin. Hindi naman ako nababahala kung isang buwan lamang made-delay ang pagpasa ng budget pero sana ay hindi na lang lumagpas ng isang buwan sapagkat mahalaga din naman na on time ang passage ng budget natin. (end)

News Latest News Feed