Press Release
January 15, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas on the Biofuels Law

MAR: I think that we should support the Renewable Energy bill regardless of what happens to the Biofuels Act. Magandang layunin ito na makakahanap tayo at makaka-develop tayo ng iba pang sources of energy, katulad ng sa wave power, sa wind power, sa solar power at sa biogas. Lahat ito'y makakatulong na mabawasan ang ating dependence sa fossil fuels o sa langis na sa ngayon ang isa sa pinakamahal na component ng ating energy mix.

Q: Do you agree with the opinion that the Biofuels Law is counterproductive?

MAR: Mahirap mag-disagree sa isang Nobel Prize Laureat. Pinag-aralan niya ito at the molecular level, at meron namang saysay ang kanyang sinasabi. Palagay ko lang na nasa sa pagbalanse ang solusyon dito sa lahat. Hindi naman maaari na lahat ng ating lupain sa ngayon ay nasa asukal ay gagawin ngayon na para sa biofuels. Gayon din naman, hindi naman maaari na hindi na tayong magsusumikap na maghanap pa ng ibang sources of energy, lalong-lalo na ngayon na mahigit sa $100/barrel ang krudo. So, nasa sa balanse ito, whether it comes from sugarcane or jathropa o sa iba pang mga sources, mabuti para sa ating bansa na parating bukas sa alternative sources of energy. Siya ang nag-aral nito, siya ang experto dito, siya ang Nobel Laureat dito, at of course wine-welcome natin parati lahat itong learned views na ito para lalo tayong makagawa ng mas magandang programa sa ating bansa. Sa kabila ng ating dependence on oil sa Middle East at saka sa iba pang mga sources, maganda rin na mayroon tayong ginagawa na alternative sources for energy.

Hindi natin pinapawalang-bisa ang kanyang mga sinabi. Maganda rin ito at ibig sabihin nito, huminahon tayo, hindi agad-agad, todo-todo diyan dahil nga nagkakaroon ng food vs. fuel debate. Ganumpaman, itong contrast na mawawalan tayo ng asukal ay hindi rin maganda para sa atin. dapat ay mahinahon tayo, nasa sa lugar ang ating programa, bigyan natin ng incentive katulad ng nasa batas, at kung ito naman ay magmumula sa mga bagong lupain o sa conversions na hindi naman mapipinsala ang ating food security o food supply, palagay ko ay ok na rin ito, dahil sa maganda rin na mayroon tayong alternative.

Q: Should the Biofuels Law be repealed?

MAR: Hindi naman natin sinasabi natin na i-preno. Maaari naman kasi na may mga lupain na maaaring i-convert for new use into biofuels. Hindi naman kinakailangan na yung existing coconut lands or sugar lands na sa ngayon nag-susuply ng ating kopra o kalamay ang siyang gagamitin dito.

Ang sinasabi natin ganito. Sa kabila ng impormasyon mula sa Nobel Expert na ito na di natin kinokontra, sinasabi natin na may kahalagahan na nagde-develop tayo ng alternative sources of energy. maganda ang kanyang sinabi, tama lang iyan, pero maganda rin na gumawa tayo ng hakbang para may alternative tayo sa krudo na galing sa Middle East.

Itong 1% sa Diesel at 5% sa Ethanol ay para maisakatuparan, ito ay hindi na kailangan pang bilhin sa Middle East. Makakatulong ito sa atin.

Ngayon, ang pinag-uusapan dito ay efficiency. Is it sugar cane, jathropa, other crops? Maaaring pag-aralan iyan. Ang pinag-uusapan dito ay extent. Dapat ba todo-todo ito, dapat ba agad-agad, dapat ba buhos? Siguro, ang sinasabi niya ay huminahon tayo, huwag namang agad-agad. Pero huwag nating isara ang ating pinto sa alternative sources of energy. Mahalagang-mahalaga ito para meron tayong mas dagdag na independence sa takbo ng presyo sa Middle East.

Q: What are the safeguards present in the Biofuels Law?

MAR: Nakapaloob iyan, the law creates certain boards that will decide dito, at sila ang pinakamabuting magsabi kung ano ang pinakamagandang timing na magagawa dito.

News Latest News Feed