Press Release
January 30, 2008

Transcript of interview with Senator Alan Peter Cayetano with DZMM: Tambalan Ted Failon at Sanchez on ZTE-NBN Pre-Hearing

Ted: Magandang umaga po sa inyo Senador Alan Peter Cayetano. Sir?

Sen. ALAN: Magandang, magandang umaga Ted at Korina, at sa lahat ng ating mga kababayan.

Ted: Sino ho ang mga panauhin mamaya sa gitna ho ng pag-aabroad nitong si Rodolfo Noel Lozada sa inyo hong pagdinig ng Blue Ribbon Committee?

Sen. ALAN: Let me confirm that, kahapon tumawag ang staff ng Blue Ribbon sa office ni Mr. Lozada, nung umaga sinabi nasa Malacañang pero baka mag-attend. Pagdating ng hapon sinabi kukuha muna ng permission kay Sec. Atienza dahil ito ang kanyang superior. Pero this morning ang ni-report sa akin ay 8:00 o'clock sumakay ng Philippine Airlines papuntang Hong Kong.

Ted: Oho.

Sen. ALAN: So, we are expecting Mr. Joey De Venecia because I want him to be able to testify dun sa si-nubmit niya, kung saan nanggaling yung overpricing. May si-nubmit siya na ilang pages ng document pero sulat lang ito.

Ted: Oho.

Sen. ALAN: So, I want him to testify on that. And then, si Mr. Jarius Bondoc, he has a similar document from a different consultant showing also kung nasaan yung overpricing. I'm hoping that Mr. De Venecia can give us insights about Mr. Lozada para mag-build yung pressure sa pag-attend niya.

Ted: Opo. But mamaya kumpirmado na ho si Mr. De Venecia?

Sen. ALAN: Well, so far wala pa siyang pinapadalang (letter of regrets), nakadalawa, tatlong check na kami at sinabing mag-aatend pa din sya. But alam ko naman Ted na napakalaki ng pressure kasi nga brewing and issue ng pag-remove kay De Venecia sa House and yung iba itinatali ito dun. I would really want him to attend today so that kitang-kita talaga yung intention niya to see this investigation through.

Ted: So nabanggit niyo yung...

Korina: Ah, kaya umugong Ted ng husto yung...

Ted: oust JDV...

Korina: tanggalin si JDV kasi magsisimula na ulit yung ZTE broadband deal investigation.

Sen. ALAN: Actually, medyo uncanny Korina yung timing.

Korina: Oo.

Sen. ALAN: Remember, yung sinabing hindi alam ng tao ito. Dahil yung time na sinabing lalabas si Lozada hindi naman namin sinasabi sa ibang tao ito and then mag-aatend ulit si Mr. De Venecia. Talagang ugong na ugong na yung meeting ng lower House para tanggalin siya but then again that is only speculation. Tapos tumawag si Presidente kay Sec. Ermita daw na huwag tanggalin and then after ayaw naman mag-testify ni Mr. Lozada. So, I don't know. But the presence of Mr. De Venecia mamaya will prove that it has nothing to do with his father's speakership pag nag-attend siya mamaya.

Ted: So, yun nga ho magkakaalaman po talaga mamaya kasi... Let's face it, itong si Speaker Jose De Venecia ay parang naiipit sa matinding sitwasyon, hindi ba partner?

Korina: Oo.

Ted: Kasi yung anak mo ay parang again babanggain ang gobyerno tapos ikaw ay kaalyado ng gobyerno. Napakahirap pumosisyon sa ganun. Well, anyway so mamaya po, so far maliban kay Joey De Venecia na wala pa hong abiso kung hindi sisipot but so far sisipot. Sino pa hong haharap sa inyo?

Sen. ALAN: Si Mr. Jarius Bondoc. Actually Ted kasi wala na kaming dapat hearing and panay Technical Working Group na lang with the Telcos.

Ted: Oho.

Sen. ALAN: Pero kinausap nga ako ni Senator Lacson last December. Tama yung sinabi niya kanina and yesterday he approached me to explain na hindi niya ako sinisisi dun sa...

Ted: Pagkasunog, pagkasunog...

Sen. ALAN: Because I told him pagka invitation I can keep that secret dahil prerogative ko yun ako lang pipirma nun.

Ted: Oho.

Sen. ALAN: Kahit i-fax ko pwedeng hindi nila alam na inisyuhan ko ng imbitasyon.

Ted: Oho.

Sen. ALAN: Pero kapag subpoena dadaan sa 2 pang Chairman, sa Senate President at sa Sergeant-at-Arms at ang nangyari nga nag-birthday si Mr. Rey Marfil nung Friday last week at nandun yung mga taga-Sergeant-at-Arms. Nakwento nila because they're not under any legal obligation to keep quiet about a service of a subpoena and I explained that to Senator Ping beforehand. Na kapag subpoena, kailangan handa si Jun a few days before. But I told him na pwede kong ipitin ng isang buwan ang subpoena at ilalabas ko 3 days before the hearing because if it is not 3 days pwede naman kwestiyunin ng superiors ni Mr. Lozada. That's why ang suggestion ko sa ibang mga senators, gayahin natin yung style ni Bishop Oscar Cruz. Remember ang ginagawa niya bago niya i-confirm yung isang witness kinukunan niya muna ng affidavit na sworn 'to.

Ted: Oho.

Sen. ALAN: Para kapag nag-abroad, nawala, o umatras ay may hawak pa rin yung committee but I understand naman that witnesses of this nature hindi mo naman parati mare-require. Pero what would have been better para may deterrence na rin umatras sila kasi expected na natin Ted na kung ang First Family ang ituturo or kung si Sec. Mendoza or si Sec. Neri na taong matataas., expected na natin lahat ay gagawin para hindi siya makapag-testify.

Ted: So nandiyan na po yan, kung baga ho public document kasi yan Pag subpoena na. Senador ang tanong po naming is mamaya ho ba ay tatapusin o meron na ho bang mosyon na inaasahan to close itong imbestigasyon na ito

Sen. ALAN: Well, last November, I asked them to give me 30 days to achieve the details. Number 1, to finish yung Technical Working Group para sa mga detalye. Number 2, para mapapirma ko yung ibang mga senador na buksan yung nilalaman ng executive session para maisama ko dun sa committee report at katulad ng ina-nounce ko sa programa ninyo ni Korina na testimony ni Mr. Neri. And then number 3, I told them if there is a new witness at substantial ang sasabihin niya walang dahilan na i-close ito. So today, we will finish the hearing depende sa mapag-usapan at depende kung nag-attend nga si Mr. Loazada. I feel mapipilitan si Sec. Neri mag-appear ulit kasi malaki sa testimony niya kailangang i-confirm or i-deny ni Sec. Neri. Hindi siya pwede manahimik. Mas powerful pa sa subpoena sana ang testimony ni Mr. Lozada. So Ted I'm not ready to close it yet o magsalita ng tapos na sarado na ito until I'm sure na wala na kaming makuhang witness o document. Pero let's say, at the end of the hearing na...

Ted: na may mosyon...

Sen. ALAN: Pero hindi naman kailangan pagbotohan pa yan. Halimbawa, pag pinagbotohan pa yan Ted at mas marami ang gusto isara na mamaya yan, pwede ko naman in my prerogative to open it again kung may witnesses naman na mabigat di ba? Kasi as you were once a congressman di ba Ted, one hearing after the last you can file a motion for reconsideration. Assuming na naisahan ka ng mas marami yung gusto isara at kokonti yung ayaw pero may dumating na witness, pwede mo buksan kaagad. And that is why Senator Escudeo always reminds me 'Alan you can come out with a partial report and then pagka may dumating na bago we can amend it'. But I want to come out with a sufficient report sa facts at saka sa batas para sa pagbaba ng pangulo sa 2010 magamit ng Ombudsman o ng korte ito sa paghahabol. So yung intention namin hindi yung pang ngayon lang. Kundi yung findings naming magamit para kung sa huli man ang kasuhan dadating ang araw na kakasuhan yung mga dapat kasuhan.

Ted: In case mayroon sector o indibiduwal na gusting maghabol sa ating pangulo sa ating pwesto sa taong 2010. That's it.

Sen. ALAN: Yes hindi lang sa pangulo pati siyempre lahat ng nasa ilalim niya. For example Ted, I'm hats off talaga kay Senator Magsaysay. Napaganda ang hearings at mga findings nila sa fertilizers scam kay Usec. Bolante.

Ted: Oho.

Sen. ALAN: Hanggang ngayon ni isang tao sa ilalim ni Usec. Bolante walang nakasuhan. But since maganda ang imbestigasyon nila at yung dokumento, I know it is just a matter of time. Pero kung yung findings namin, maganda at explosive for today, pero panay conjectures o kaya panay conclusion na wala yung mga facts at saka yung mga basis, pagdating ng araw hindi rin makakasuhan yung mga dapat kasuhan. And I think yun ang difference ng Blue Ribbon sa ibang Committee. Yung ibang committee nagrerecommend lang ng change sa batas. Ang Blue Ribbon 2 recommendations: 1) anong reform sa batas at 2) sinong dapat kasuhan.

Ted: At maaring maging basehan din for further investigations ng isang kagaya po ng Ombudsman kung saka-sakali nga pong may indibidwal o sektor na gusto pong habulin ang mga taong nagkaroon po ng pagkakamali.

Korina: After the term of office ng pangulo senador kasama na po yung mga nasa ilalim niya depende kung co-terminus sila o hindi. Ano po ba ito regular na korte na kung maghahabol?

Sen. ALAN: Well, depende sa position ng tao. Kasi until a certain position Ombudsman yan. Sa lower position ang Prosecutor's office yan. Except kung may conspiracy yan, Korina. But as long as all the witnesses are there, the documents, the testimony, etc. Hindi naman pwede gawin ng Ombudsman na i-dismiss yan tapos with prejudice. Ibig sabihin never na pwede buksan. And wala naman doble jeopardy sa level ng Ombudsman pa lang. So at least sa ating mga kababayan nahuli man yung hustisya, dadating din naman. That is why we want to make sure na yung aming comittee report ay parang findings ng korte na kahit sinong tumingin hindi sasabihin na inimbento lang ito ng mga senador. Nakapalayo nun 1 plus 1 ginawa ng mga senador na 10. That's why I want to make sure na halimbawa, makuha ko yung kay Joey De Venecia, witness si Congressman Suplico, dito na si Vice Mayor Suplico. Kinulit ko siya every week. Talagang sabi ko sana mag submit si Joey kung saan ba yung overpriced para mapakita talaga natin at masama ko sa committee report. So I'm hoping Ted and Korina, after this day na i-explain ni Joey yun, magpunta ang DOTC. I-explain naman nila yung computation nila. Kasi remember sila dapat pinag-aralan lahat nila itong computation na ito - halimbawa, magakano ang y, magkano yung sa services at magkano yung sa ganito. So dapat sagutin nila at hindi nila sabihin na mali agad yung kay Joey. Ipakita nila in Indonesia, Malaysia, Singapore ano ang computation nila for something like this. At siguro Ted pinakamasakit, hindi pa tapos yung imbestigasyon namin nag-announce na ang DOTC na itutloy nila ang NBN project kaya lang i-bi-bid nila internationally. Kaya nga part nung hearing namin is to determine whether or not kailangan itong project na ito. Kung hindi naman kailangan itong project na ito, why spend $300 million in principal. Then another more than $100 to $150 million in interest for a project like this. Napakarami namang project na pwedeng gawin. That is why I want to keep this hearing alive and come to the truth because itutuloy din pala nila. Gusto kong ibulgar ng husto kung talagang kailangan itong project o hindi.

Ted: So kung ito ho ay itututloy, sa inyo hong pagkakaalam, ano ho ang remedy ninyo diyan para ito ay pigilan? Because apparently sa inyo hong mga nauna na hong pagdinig at sa inyo hong timbre ay talagang nagkaroon dito ng overpricing.

Sen. ALAN: Well iba yung overpricing lang at kailangan yung project ok lang. Ang masama hindi na kailangan yung project may overpricing pa. Para yang telepono sa baranggay.

Ted: So papaano ho ano ang inyong balak gawin? Papano ho ito mapipigil ngayon?

Sen. ALAN: I want the Senate to send our foreign lenders a strong message that hindi babayaran ng Pilipinas ang isang kontratang papasukin na hindi papakinabangan. Remember, kung ito ay ba-budget-an for this year pwedeng sa budget naming harangin ito. Ang problema uutangin, tapos 3 to 5 years pa mag-aappear sa budget kasi may grace period. Then siguro, kung meron nang resolution or committee report na kumpleto nat sabi ng mga Senador na hindi natin babayaran yan, sana magdalawang isip yung nagpapautang sa atin.

Ted: Hindi ho ba pwedeng ilapit sa Supreme Court yan, Sir?

Sen. ALAN: Pardon me.

Ted: Hindi ho ba pwedeng ilapit sa Supreme Court yan, Sir, to prevent the government from pursuing the project?

Sen. ALAN: Well, when they go into the next contract, yung susunod na contract, pwede naming kwestyunin. Remember Ted sa korte hindi yung wisdom nung contract yung tinitingnan, yung legality. Pwedeng hindi rin naman lahat ng legality, pero it's not wise to get in. Ibig sabihin nag-appropriate ng 1 million bumili ng kamote tapos hindi naman kailangan ng bansa ng kamote. I-uphold ng court yun kasi it's a stupid project but then it's a legal contract. We want to prevent that. We want to make it clear sa aming findings, Ted. Even dun sa batas di ba, you're an active member of the telecoms committee sa house. Remember, may provision sa Telecom law natin na pagka mga IT projects, private sector. Hindi dapat gobyerno kasi pag inabot yan ng pagiging obsolete sayang lang ang lahat ng pera natin. Pero kung yung mga Telco companies continuous yung investments, continuous yung upgrade nila. Kaya tinatanong nga ni Senator Escudero nun sa kanila, kasama ba dito yung provisions niyo para i-maintain? Hindi daw. Makikita natin yung $300 million plus yung interest na $100 to $150 million hindi pa kasama diyan kung biglang binagyo yung Bicol. kailangan 150 million dahil binaha dito. So, napakalaking sayang ng pera dito. That's why natutuwa naman kami dahil binibigyan ninyo ng oras ito.

Ted: Huli hong punto. Short answer please Senator. Sa inyo hong pagkakaalam diyan, sa inyo hong damdamin, sa gitna ng kontrobersiya ho na ito na hindi naman talaga kailangan at luging lugi ang bayan, bakit pa rin po ipinipilit ng gobyerno ang proyekto?

Sen. ALAN: Parang itinatanong mo Ted "sa magkanong dahilan" itinutuloy ang proyekto. Alam mo napakalaking at napakadami ng testimonya of hundreds of millions in kickback. Ngayon nung sinabi ng president na postponed yung kontrata, stop yung kontrata tapos ika-cancel. Lumabas na ang tsismis. Ang style niyan magpapalamig lang bubuhayin ulit. So I don't want to speculate and I don't to say na definitely ito ang dahilan pero aminin natin ang katotohanan na yun ang nagiging suspicion.

Korina: Ano po bang nangyari na...

Sen. ALAN: Noong nagkaroon ng malaking kickback, kunyari pinatay lang pero bubuhayion ulit. Kasi bakit mo ipagpipilitan ang isang project kung hindi kailangan. Korina: Aha, well of course, sasbihin nila kailangan nila yun pero ano ho ba ang nagyari sa CyberEd? Natuloy na ho ba yon?

Sen. ALAN: Binring-up ko rin yan sa hearing ng ZTE because meron kaming dokumento. Yung isa, nanggaling mismo sa DOTC-Technical Working Group na walang kakayahang teknikal ang DepEd to undertake a project like that. Number 2, sa initial phase ng NBN-ZTE Project ang Cybered ay kasama na dito sa $300 million. Pero ito naman, CyberEd nabuhay pa ulit at mas malaki sa ZTE. But ang ginawa raw ng Presidente binigay sa isang private sector group para i-review. So para ipakita na hindi naman namumulitika and Senado o hindi sabihin dahil mas maraming oposisyonista sa Senado we're waiting sa private sector group before we look into it.

Korina: Oo...

Ted: Sige po Senador Cayetano. Partner pending pa, hindi pa gumagalaw at ...

Sen. ALAN: Pwedeng manawagan lang. Meron kasing pinirmahan ang pangulong Executive Order noon na binibigay yung lupa dito sa Western Bicutan sa tabi ng service road dun sa mga tao dun at sinabi ng president matulog na kayong mahimbing. But starting yesterday, isang libong miyembro ng military ginigiba. Tinawagan ko si Sec. Ermita sabi niya tatawagan ako kaagad ni Sec. Teodoro nung commanding General kasi covered ito ng UDHA law. Dapat may relocation sila bago gibain. Hanggang ngayon yung day care center at yung simbahan ginigiba na rin. Hindi po tumatawag sa akin yung Commanding General. Pinirmahan na ni GMA yun. Pakiusap ko lang sa inyong himpilan na huwag naman ala marshal law pati naman sa mga lupang binigay na sa maralita at sana mag-coordinate sila.

Korina: May papeles po ba yung pagbigay nung lupa?

Sen. ALAN: Meron kaming video at saka may papeles na pinirmahan ng pangulo pero hindi nila nilabas. Hindi nilagyan ng stamp ng Malacañang because hinarang nga ng mga heneral. Dahil lupa ito ng militar but Korina I talked to Sec. Ermita and he was very gracious to call me back yesterday and I told him kung ayaw ninyo na talaga ibigay, wala na tayong magagawa dun pero under the UDHA law bigyan ninyo muna ng relocation bago niyo tanggalin. Pinuwersa nila. There are 1,000 soldiers dun. Paano makakalaban yung mga tao? And hindi naman ako tinatawagan ni Sec. Teodoro o ng Commanding General. I used other channels last night, yung mga tumulong sa kanya sa confirmation but tuloy-tuloy lang ang ginagawa nila. Kawawa naman yung mga tao. They've been there since 1970's.

Ted: Saan itong lugar senador?

Sen. ALAN: Sa Western Bicutan poi to sa Western Masagana katabi po ng service road. Thank you Ted and Korina.

Ted: Sa ngayon ho ba mayroon dung resistance?

Sen. ALAN: Hindi sila maka-resist.

Ted: Oho.

Sen. ALAN: Kumpleto sa gamit. Ni yung representative ko na papasok , ni hindi makapasok sa area. We are limited to taking pictures but ang masama pa dito Ted, but sana hindi totoo, ang balita naming gagawin lang mall kasi katabi mismo ng service road kaya nagustuhan yung lupa. Sana hindi totoo ito.

Ted: Senador Alan Peter Cayetano. Mr. Chairman thank you for your time, Sir.

Sen. ALAN: Magandang umaga. God bless you thank you po.

Ted: Thank you.

News Latest News Feed