Press Release
January 31, 2008

Ambush interview after Kapihan sa Senado with
Senate President Manny Villar

Q: On BID watch list against leftists, members of the press

SPMBV: Iyang watchlist normal lang iyan pero kung ito ay ginagawa na harassment sa media, dapat ay tigilan na. Hindi nakakabuti ito sa ating demokrasya. Iyong nangyari sa Peninsula, alam naman natin na galit ang tao sa nangyari doon.

Q: Ano po ang hakbang ng Senado kapag na-veto ang budget?

SPMBV: Pag-uusapan namin iyan kasi ang two-thirds na override, mabigat iyan kasi away iyan. Ang Senado palagay ko, iko-consider iyan. Ang House, hindi ako siguradong iko-consider iyan. Lalong-lalo na kung matatanggal si Speaker de Venecia. Syempre kung sino man ang papalit, siguradong very close sa presidente iyon.

Q: Sabi sa House, may numbers na daw ang oposisyon para tanggalin si de Venecia? Kasama ba ang NP sa numbers na iyon?

SPMBV: Magmi-meeting pa kami. Pero ang sa akin, kapag ganyang mga bali-balita sa numero, madalas hindi totoo iyan.

Q: Today po ise-serve ang warrant kina Neri?

SPMBV: Nagsisimula na. Kaya lang syempre hindi naman natin puwedeng i-disclose ang gagawin ng ating Sergeant-at-Arms kung paano. But I understand he has already formed two teams to look for the two.

Q: Wala daw sa CHED.

SPMBV: Hindi naman talaga madali iyon. I don't think na nandoon sa bahay iyon at maghihintay at pakakapehin sila.

Q: Kay Neri, we should wait for the decision of the Supreme Court?

SPMBV: Iginagalang natin ang desisyon ng committee. Merong rekomendasyon ang committee diyan at majority of the senators signed the request. And so I signed it. Hindi lamang ito about Secretary Neri. Ito ay tungkol din sa karapatan ng Senado sa mga ganitong bagay sa patuloy na pagbabale-wala ng Malacañang sa karapatan ng Senado na magpatawag ng government officials at magpaliwanag sa mga issues. Nagkataon lamang na si Secretary Neri ang inabutan. Ito ay isang bagay na para doon sa patuloy na pagbalewala ng Malacañang sa karapatan ng Senado na magpatawag.

Q: Ide-detain po ba siya dito sa Senado?

SPMBV: Dito sa Senado siya made-detain kung saka-sakali. Pero inuulit ko na ang Senado ay magbibigay ng maximum courtesy sa kanilang dalawa. I will let them use even the facilities available to me. Hindi naman kami nakikipag-away diyan.Ang gusto lang namin ay iimplementa ang batas.

Q: Saan po sa Senate building siya ide-detain?

SPMBV: I don't mind na ipahiram ko iyong part of my office para lamang mabigyan ng sapat na kortesiya itong dalawang ito lalong-lalo na kung sila ay magko-cooperate. Hindi naman tayo talaga nasa business of jailing people. Talaga namang nagkataon na ito ay sa pagtupad ng ating tungkulin na ibinigay ng Konstitusyon.

Q: Once arrested, when will you schedule the hearing?

SPMBV: Kapag sila ay naaresto, pai-schedule agad kami. Kung possible lang, sa araw na iyon. Ayaw rin naman namin silang i-keep nang matagal. Hangga't maaari sana, lalo na kapag sila ay nag-volunteer na mag-appear, iyong mismong araw na iyon ay pipilitin naming ma-convene ang committee para makapag-hearing.

Q: Ang GNP daw tumaas ng 7.3 percent...

SPMBV: Mataas naman talaga kung sa mataas. Palagay ko naman hindi natin matatanggalan talaga ng credit ang Malacañang sa nangyaring ito. Bagamat syempre, malaking bagay din iyong nangyayari sa ating kapaligiran. In other words, the 7.3 percent should be compared with our neighbors. Hindi lang naman ito dahil sa atin. But we cannot of course deprive the President also of credit sa nangyaring ito.

Q: Ito ba ang sinasabi ninyo na huwag mag-panic sa recession?

SPMBV: Oo kasi wala namang dahilan. Baka iyong pag-panic natin, doon tayo magka-problema. Tingin ko, iyong mga suggestion relax lang. Kung baga, kung ikaw ang kapitan ng barko at dumadaan ka sa bagyo, dapat ipakita mo na cool ka lang.

Q: Going back to Neri, sabi po ng lawyers niya wala daw powers and Senate na mag-issue ng warrant of arrest sa indirect contempt?

SPMBV: Iba ang paniniwala nila, iba ang paniniwala namin. In the end, didesisyunan din ng korte iyan. Habang hindi nadedesisyunan ng korte iyan, syempre kami ay naniniwala sa karapatan ng Senado at iyan ang aming iimplementa.

Q: Nararamdaman ba ng tao ang GNP growth?

SPMBV: Masyadong maaga pa. Maliwanag naman na sa 7.3 percent ay hindi pa nararamdaman iyan ng mahihirap. Nevertheless, ang mahalaga nasimulan na natin itong 7.3 percent. Ito ay dapat siguraduhin na mame-maintain natin sapagkat kailangan ng mga mahihirap itong ganitong klaseng growth nang matagal-tagal. Kailangan natin ng tatlo hanggang apat na taon na tuloy-tuloy na ganitong klase ang growth para talagang matikman nila ang ginhawa. Kaya dapat ay huwag nating hayaan na itong mga nangyayari sa kapaligiran ay maapektuhan tayo. Kailangan dito ay may tiwala tayo sa ating sarili. Huwag tayong nerbiyoso.

News Latest News Feed