Press Release
February 6, 2008

KIKO SA PNP: IBIGAY SI LOZADA SA SENADO
"Di dapat makihalo ang PNP sa bangayan ng Malacañang at Senado!"

Hinamon ngayon ni Senate Majority Leader Kiko Pangilinan ang PNP na ibigay si NBN ZTE witness and Phil Forrest Corp Pres Jun Lozada sa Senado. Sinabi ni Pangilinan, "Dapat i turnover ng PNP sa Senado si Lozada dahil may warrant of arrest siya ukol sa di nya pagharap sa zte nbn hearing."

"Ang PNP ay di dapat makihalo sa bangayan ng Malakanyang at ng Senado sa NBN ZTE hearing. dapat manatiling walang pinapanigan ang PNP. Hindi private army ng Malakanyan ang PNP,"dagdag niya.

"Di dapat kailanman maging instrumento ng cover up, ang whitewash o panghaharass o pananakot ng mga testigo ang pambansang kapulisan. Hamon kay razon na manatiling isang professional police officer at hindi maging hatchet man ng Malakanyang,"ani Kiko.

News Latest News Feed