Press Release
February 8, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas post-NBN hearing press briefing

MAR: Nalaman kay Engineer Lozada na ipinlano na magpa-London hanggang Hong Kong siya, at ngayon na bumalik na siya, kahit yung pagdakip sa kanya mula sa airport hanggang ipinasyal siya hanggang ipilit pirmahan sa kanya itong mga affidavit na sabi naman niya ngayon na malaya na niyang sinasabi na hindi aacurate.

Q: Na-establish ba na may link sa First Family?

MAR: Kung wala mang alam ang Pangulo dito sa hakbang na isinagawa ng kanyang matataas na opisyal ay dapat "i-finire" out niya ang mga ito, dahilan sa kanilang ginawa, una sa pagdakip sa isang mamamayan. Nilibot muna siya ng ilang oras, pinilit nilang pirmahan ang mga affidavit na ito. Yung deputy executive secretary [Manuel Gaite] ay kasama sa pagplano na magbiyahe itong Engineer Lozada, etcetera. Sa airport, ang security ng airport ay na-compromise. In short, kung hindi alam ng pangulo, i-fire out niya mga ito, dahilan sa labag mga itong ginawa ng kanyang matataas na opisyales sa batas, at saka sa tamang pamamahala.

Ang point dito yung kabulokan ng paggogobyerno na nangyayari dito sa amin. Yung anomalya ay nagiging regular. Mahalaga na ang galit ng sambayanan ay madala natin sa paghinto dito sa mga anomalyang ito.

Tignan natin ang koro, nasa TV, radyo, nasa pahayagan, sinasabi ng administrasyon na sinungaling itong si Lozada, magmula kay Secretary Puno, General Razon, Secretary Atienza, Secretary Defensor, Deputy Executive Secretary Gaite. Lahat itong matataas na opisyal ay kasama sa coverup para lamang mabawasan ng kredibilidad ni Lozada nang naging malinaw na talagang tetestigo siya. Noong hindi pa malinaw na talagang tetestigo siya, kasama rin sila sa pagtatago sa kanya.

News Latest News Feed