Press Release
February 11, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas after NBN hearing

On Lozada abduction

MAR: Parang hindi magkatugma ang saysay ng mga opisyales kung makita sa konteksto na wala sa interes ng pamahalaan na pumunta rito si Mr. Lozada. Kaya ginawa na ang lahat, nagkaroon ng kooperasyon, ng confluence of interests, kaya hindi mahirap para kay Lozada na kumuha ng travel authority, humingi ng security, etcetera, kase nasa interes din ng pamahalaan, ng executives, na hindi na rin nga siya dumating dito. Sabi nga niya, 'pagdating ko sa Senado, hindi ako magsisinungaling.' Sinabi rin niya na, maghanap kayo ng ibang dumepensa niyan, kase ako, hindi ko madedepensa iyan. Malinaw na mayroong limitasyon si Mr. Lozada.

Sa kanya, ayaw niyang mabulabog ang buhay niya, kase pagdating niya rito, magsasabi siya ng katotohanan. He didn't want to defend an anomalous transaction, he didn't want to have to say the things that he would have to say, because he would not lie. And he knew that if he said it, mabubulabog ang buhay niya. So nag-align ang kanyang interes doon sa interes ng Malacañang o ng mga kinauukulan na huwag din siyang paratingin dito.

Q: Nakatulong ba ang pagpunta ng mga opisyales?

MAR: Nakatulong, kase una, yung ginawa sa airport, pati na rin sa PNP, hindi ito ang pangkaraniwang ginagawa nila 'pag may binabantayan sila. Saan ka nakakita na yung dalawang assistant GM - tatlo lang iyon sa triumvirate, yung general manager at yung dalawang assistant manager - biro mo, dalawang assistant GM ang sumundo sa kanya sa plane side mismo, at dinala siya hanggang doon sa tarmac. Hindi pangkaraniwang gawain iyan.

Pangalawa, yung PNP mismo, hindi rin pangkaraniwan na sila ang mandando doon sa galaw, sa activities, sa destinasyon ni Mr. Lozada. Hindi rin pangkaraniwan iyon. At pangatlo, nakita na itong gap sa istorya ng PNP at saka mga nasa airport, nagkakaroon ito ng saysay, ng meaning, kung ilagay sa konteksto na ang mga kinauukulan, ayaw rin nila na makarating dito si Mr. Lozada dahilan sa hindi siya magsisinungaling. Sinabi niya iyon sa kanila.

Q: So malinaw na may kidnapping?

MAR: Para sa akin. Hindi ko masasabi para sa iba, pero para sa akin, malinaw na mayroong effort na itago siya, o kaya ikubli siya, na sa ganoon, hindi na siya makarating dito.

Q: Are we almost done?

MAR: Hindi pa naman. Palagay ko magkakaroon pa ng one more hearing on the Lozada episode, pero sa ZTE, bukas iyan, kase yung technicality, yung valuation, etcetera, tuloy-tuloy iyan, nasa procurement side iyan.

News Latest News Feed