Press Release
February 18, 2008

Transcript of Blue Ribbon Hearing with Senate President Manny Villar

SPMBV: Nais kong ipaliwanag lamang, kamukha ng sinabi ng ating chairman, na ito po'y ginagawa natin bilang pagtupad sa tungkulin natin ayon sa konstitusyon. ito po ay ibinigay sa atin at ginagawa lang po namin ang aming tungkulin. pipilitin po natin na maging patas po ang mga hearing, didinggin po natin ang kabilang panig din, para maibigay naman ang kanilang panig sa isyu na ito. at yung mga katanungan lamang na hindi pa nasasagot kailangan lamang masagot. Mahirap naman din po na kung meron tayong madidiskubre na krimen na naganap kagaya nito sa zte deal, hindi naman po tayo pwedeng manahimik dito, sa laki ng halaga na involved na haharapin ng ating mga kababayan at kung meron nga pong kidnapping na nangyari lalo na tayong hindi pwepwedeng hindi kumibo dahil pag hindi po tayo kumibo baka po mangyari sa atin ito, mangyari po sa ating mga anak sa darating na panahon, pag hindi tayo kumibo ay wala na ho tayong masisising iba. so ipagpaumanhin niyo sa tumatawag na itigil na ang hearing, hindi po to grandstanding, ginagawa lang po namin ang aming tungkulin.

SPMBV: (Re P500,000) May kasunod pa yan pag ginawa mo yung pinapagawa nila?

J. LOZADA: Nung sinabi ni Mike na mag-p-press con ako, may usapan na raw kung papaano ako ano.

SPMBV: Napag-usapan na?

J. LOZADA: Oho, napag-usapan na.

SPMBV: Kung papano ka i-re-reward just in case mag-cooperate ka?

Sen. Alan Cayetano: so hindi kidnap for ransom ito, kundi kidnap with ransom.

SPMBV: Dun sa airport - kasi pumunta kami sa airport - ang sinabi sa amin do'n, ang sumalubong lamang sayo si mr valeroso lang at si mr atutubo. Dalawang tao lang. si mr atutubo sa una, sa likuran mo si mr valeroso. Ilan ba talaga ang sumalubong sayo.

J. LOZADA: Sa natatandaan ko parang apat po sila, may hawi boys kami sa unahan, yung dadaanan namin, may tagahawi may taga-clear, tapos meron din pong naka-box sa akin na dalawa, yun ang natatandaan ko, meron pa nga pong taga-bitbit ng bag ko. So hindi lang po dalawa yo'n.

SPMBV: Minimum, ilan ang tingin mong kasama mo no'n?

J. LOZADA: Mga apat o lima po.

SPMBV: Sino ang kumuha ng bag mo?

J. LOZADA: Hindi ko po sila kilala, wala naman pong nagpakilala sa akin nung araw na yo'n.

SPMBV: Yung passport mo?

J. LOZADA: Kinuha rin po nila. Hanggang ngayon wala pa rin po sa akin.

SPMBV: Yung bag mo nasa iyo na?

J. LOZADA: Yung pong aking hand-carry nasa akin na.

SPMBV: Wala namang nawawalang gamit sa yo maliban sa passport?

J. LOZADA: Oho.

SPMBV: Kasi nung ipinakita sa amin na hindi ka idinaan sa normal na daanan, idinaan ka sa stairs instead na padaanin ka sa normal na daanan, ikaw ay idinaan sa departure. Nagulat ka ba sa pagdadala sayo dun? (J. LOZADA: oho) kalian ka ba nagsimulang matakot?

J. LOZADA: Nun pong ayaw nilang magpakilala sa akin. At saka yung pagkakahawak nila sa akin hindi pang-VIP. Hinawakan po ako dito (pointing) At ina-address nila ako, "ito," hindi "sir;" saan natin dadalhin ito.

SPMBV: Kasi yung nakikita namin sa video iba, merong nakikita kami na dadalawa lang ang kasama mo, meron namang marami. Tapos nung naglalakad kayo do'n, sumusunod yung mga kasamahan mo na sumalubong sayo?

J. LOZADA: Meron pong sa harapan namin ang alam ko

SPMBV: Sinong official ng airport ang nakilala mo do'n?

J.LOZADA: According sa video, yun pala ang nasa harapan ko, si mr atutubo pala yo'n. tapos may katabi ako sa gilid ko.

SPMBV: Wala sinabi sayo si mr atutubo? (J. LOZADA: Wala po.) Habang naglalakad kayo hanggang lumabas? (J. LOZADA: Wala po.) Tumatawag ka sa cellphone no'n?

J. LOZADA: Tinext ko nga po yung kapatid ko na may kumuha sa akin na hindi ko kilala. Hindi po talaga sa akin nagpakilala.)

SPMBV: Tapos nagpunta ka sa comfort room and you stayed there for about 10 minutes.

J. LOZADA: Hindi naman po siguro 10 minutes, napakahaba naman nun. tumawag nga po ko sa kuya ko na may kumuha sa aking hindi ko kilala.

SPMBV: Pero nung nasa banyo ka, sigurado mo na na kinikidnap ka?

J. LOZADA: Kasi po hanggang dun sa urinal, kasama ko sila.

SPMBV: Ah sumama sayo? Kasi sinabi sa amin walang sumunod sayo.

J. LOZADA: Hindi ho. Meron hong sumama sa amin saan man ako umano ho.

SPMBV: Ah. Hindi ka pala hiniwalayan din. So mali yung sinasabi sa amin kasi apat kaming senador na kasama nila na walang sumama sayo sa loob.

J. LOZADA: Hindi na po ako nagtataka. Ilang beses na paulit-ulit ang kwento nila.

SPMBV: Vina-validate ko lamang at ikinukumpara ko do'n sa sinasabi sa amin ni mr atutubo, binaba ka na sa elevator at sa labas, tapos sino ang kasama mo sa kotse?

J. LOZADA: Hindi ko rin ho kilala.

SPMBV: Pero ilan kayo sa kotse?

J. LOZADA: Tatlo po. Dalawa po sa harapan, ako do'n sa likod. Naka-central lock ang sasakyan.

SPMBV: Pakiulit nga po uli.

J. LOZADA: Dalawa po sila. Dalawa sa harap, ako lang po sa likod.

SPMBV: Kilala mo ang dalawang yo'n?

J. LOZADA: hindi po.

SPMBV: May nakita ka ba kung may kasunod kayong kotse o yun lamang kotse na yo'n?

J. LOZADA: Alam ko po may kasunod kami, kasi nung nagpapabili ako ng tubig, ayaw nila akong pababain, may inuutusan lang sila na bibili

SPMBV: Si col. mascarinas?

J. LOZADA: Nakita ko po si col. Mascarinas sa outback na po.

SPMBV: dun lamang. So nung umiikot ka ang nakikita mo lang yung dalawang kasama mo sa harap.

J. LOZADA: Alam ko po na may kinakausap sila inuutusang bumili para sa akin.

SPMBV: Paglabas niyo ng airport, dire-direcho kayo dun ka na inikot-ikot.

J. LOZADA: Tinanong kop o sila bago pa ko ilabas sa tarmac. Sabi ko pare san niyo ko dadalhin? Mga taga-san kayo? Ayaw po nila akong sagutin.

SPMBV: Sinasabi ko lang ito on the record yung dinaanan niyo, talagang hindi ito magagawa ng walang approval ng airport authorities. Ni-reverse ang ginawa sayo, dinaan ka sa departure. Samantalang dapat sa arrival na ibang floor. So maliwanag na ang nakikita namin do'n maliwanag na may pagtatakip dito sa airport. Dahil sa nag-iiba iba ang mga video, nag-iiba iba ang mga entry. Tatanungin ko sana, sayang at hindi naman dumating dito ang mga pulis kung ano naman ang sa PSG. pero hindi pala natin naimbita ang PSG. I move that we invite the PSG on the next hearing to explain kung bakit andun sila mga one hour before dumating ang eroplano. Dun naman ho sa P500,000, bagamat naitanong ko lang kung may kasunod yon o wala na dito ba sa, meron bang nabanggit sina mr de venecia o mr abalos, papartihan ka pag natapos ang deal?

J. LOZADA: Wala ho. Si mr abalos lang nabanggit sa akin na maaprubahan lang sa neda-icc yung transaksyon aadvance niya na si sec neri ng P200 million kahit hindi pa narerelease ang loan proceeds ng pilipinas sa china?

SPMBV: Magkano nga advance?

J. LOZADA: P200 million po.

SPMBV: Kanino sinabi yo'n?

J. LOZADA: Sa akin po, ni chairman abalos.

SPMBV: kay ms Carmen lozada, tatanong ko lang pano nagsimula na nabanggit pangalan niyo?

CARMEN LOZADA: Natatandaan ko po na nabanggit ang pangalan ko Wednesday nmorning, hindi po nababanggit ang pangalan ko pero sa interview kay gen razon, sinabi niya na may written request ang pamilya.

SPMBV: So nililiwanag niyo na wala.

CARMEN LOZADA: Wala po pero meron po silang pinapirmahan sa akin.

SPMBV: Sinong nagpapirma? CARMEN LOZADA: Si col mascarinas.

SPMBV: Kelan pinapirmahan. CARMEN LOZADA: Afternnon, pagkagaling nila sa abugado, pero pinirmahan ko gabi na.

SPMBV: Ano ang kadahilanan para pirmahan yun?

CARMEN LOZADA: Kailangan daw yon kasi nasabi na ni gen razon na may written request kami.

SPMBV: Dun naman sa pagpirma niyo, sumasang-ayon na rin si engr. Lozada?

CARMEN LOZADA: Kung hindi po siya ang nag-request na pirmahan ko yo'n hindi po ako pipirma.

SPMBV: maraming salamat ms lozada. kay bro felipe naman, Sa tingin niyo ba ngayon, under surveillance ang la salle?

BRO. FELIPE: Ang pagkaalam ko po nung Thursday afternoon nag report ang security naming may ininstall daw na surveillance camera sa tapat ng gate four ng la sallle greenhills.

SPMBV: Apart from the cameras, wala naman kayong napupuna na under surveillance ang la salle?

BRO. FELIPE: Wala naman po. Mahirap po pumasok sa la salle. maraming gates at meron pong guwardiya lagi lalo na papunta sa brothers house.

SPMBV: Kelan pa po kayo na-involve dito sa case?

BRO. FELIPE: Nun pong jan. 6, 2008, around 11 am after ng misa sa la salle pumunta po sa akin si jun at si violet at sinabi nila sa akin na namomroblema sila sa safety ng kanilang pamilya. Dahil nga po in general sa zte walang masyadong detalye. don ko nakita na wala na silang mapuntahan, also the fact na apat sa kanilang mga anak nag-aaral sa la salle greehnills. Nakita ko nung usapan namin, kung kailangan talaga pumunta lang ho kayo at sumulat o tawagan niyo ako at pwede naming maibigay kung ano mang tulong.

SPMBV: And then after that kelan uli ang susunod na contact

BRO. FELIPE: Ang nag-contact sa akin susunod na po si violet nung jan. 30, wed po yun almost 11 na po ng umaga dismissal na po ng anak nila sa kinder 2 yung kambal po nag-bu-bus service sa sinabi niya kasi baka uuwi sa bahay, na hindi niya maintindi ang mga bata. sinabi po niya temporarily kung kami muna ang mag-alaga. At tinawagan ko po ang mga tao sa la salle. In fact sa office ko po muna ang dalawang bata. past twelve na po kami pumunta sa brothers house, kumain po sila dun ng lunch.

SPMBV: Pagdating ni mr lozada?

BRO. FELIPE: Andun na po sila feb 4 Monday. Tumawag po uli si violet, close to 11 kasi dismissal ng kambal, if we can already take care of the children. So ako po tawag naman po ako sa mga tao sa school, sa grade school at high school, dalawang kinder na pagkatapos ng klase dumerecho sa brothers hous� dun na po sila natulog nung feb 4 ng gabi.

SPMBV: Hindi niyo inaasahan na darating si jun?

BRO. FELIPE: Sinasabi lang po ni violet na darating na si jun from hongkong. �

SPMBV: At dumating na si mr lozada

BRO. FELIPE: Si Carmen po ang nagsabi sa akin, nabigla po ako, natakot, kasi ang mga bata po nasa pangagalaga ko tapos hindi ko po inaasahan na darating dun si mr lozada.

SPMBV: After that kayo na ang nag-advice na mag-press conference? Ang proseso ng press conference, mahaba yon hindi lang po ako. In fact ang aking papel was to provide for the safety of the children of mr lozada�.

SPMBV: Yun lamang naman ho, gusto ko lang makumpleto from the airport para makumpleto ang trabaho ng committee at maintindihan natin in full yung mga inconsistencies na sinasabi ng mga pulis. kasi masyado kaming maraming tanong. meron akong napakahabang listahan na itatanong sa mga pulis pero hindi po dumating. kaya itatanong ko na lamang sa kanila ito sa susunod na mga hearing.

News Latest News Feed