Press Release
February 23, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar -- Baguio media

Q: May haka-haka na bababa na daw si GMA sa Monday...

SPMBV: Magugulat ako kung totoo iyon dahil sa walang sign na bababa siya. Normally bumababa lang naman ang isang pangulo kung napupuwersa siya. Sa ngayon, hindi ko naman alam kung napupuwersa siya. Ang nalalaman ko lang ay nagkakaroon ng outrage, nagagalit ang tao sa nangyari. Napupuno na at maraming nagsasabing tama na, parang sagad na. Palagay ko ngayon lamang nangyari na nagkaroon ng outrage ang mga Pinoy. Hindi natin alam kung hanggang saan aabot ang outrage na iyan. Hindi natin alam kung may mangyayari sa Lunes o sa mga darating na panahon. Itong hearing napapanood ng tao at sila ang nakakapag-judge kung nagsasabi ng totoo si Mr. Lozada o nagsasabi ng totoo ang government officials. The mere fact na nagkaroon ng outrage, ibig sabihin naniniwala sila kay Mr. Lozada.

Q: Hanggang ngayon wala pang desisyon ang CBCP sa nangyayari.

SPMBV: Sa akin kasi ang mga organisasyon tulad ng CBCP, Makati Business Club ay iginagalang natin. Subalit ang mahalaga rito ay ang tao. Kapag ang tao ay biglang nagkaroon ng outrage at nagkaroon suddenly ng urge to go out in the streets o kaya may gawing aksyon, diyan magkakaroon ng pagbabago. Kasi hindi mo ino-organize iyan. Nasa isipan lang ng mga mamamayan iyan. I still feel that it's the people who will decide on this issue.

Q: Nakaapekto po ba ang paglabas ni Edwin sa credibility ni Lozada?

SPMBV: Alam mo, sinabi naman kasi ni Mr. Lozada na hindi siya santo. Sinabi naman niya na siya ay sinner also kaya hindi niya sinasabing perpekto siya. Kung merong makikita sa kanya, hindi naman nagulat ang tao. Maski kami ay hindi nagulat na meron sa issue ng kambing, insurance policy. Hindi naman kami nag-iimebstiga ng ganyan kaliliit na bagay.

Q: On students' activism

SPMBV: Ang magpakita ng activism ang ating kabataan ay hindi masama. Mas nakakatakot sa isang demokrasya kapag ang kabataan ay hindi kumikibo. Kapag ang mga mag-aaral ay sumusunod na lamang, hindi nage-express ng kanilang nararamdaman, mas pangit iyon. Hindi maganda iyon sa demokrasya. Mas malamang na mamatay ang demokrasya kapag ang kabataan natin ay nasa baha lamang at walang ginagawa.

Q: On unity walk

SPMBV: Dati may mga hawak-kamay pa iyan. Nawala, nag-resign din. I think the president knows this. Iyong mga unity walk, photo-ops lang iyan na hindi naman nangangahulugan na ang lahat ng naglalakad na iyon ay very proud na makita sa unity na iyon. Baka marami doon ay napipilitan lang.

Q: Do you think Secretary Neri is being watched closely?

SPMBV: I'm sure binabantayan si Secretary Neri. I'm sure bugged ang telepono niyan.

Q: Ano ang magiging epekto ng mga nangyayari sa darating na eleksyon?

SPMBV: Ako kasi nag-iimbestiga. Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan nito. Hindi ko alam kung maganda sa akin ito o pangit. Kaya lang, I'm being consistent na lahat ng darating sa amin na dapat imbestigahan ay iimbestigahan ko. Hindi ko alam ang political repercussions nito. Meron akong nasa isipan subalit hindi naman magbabago ang aking isipan sa imbestigasyon dahil doon. Regardless of the ramifications, regardless of the consequences, tuloy-tuloy iyan.

Q: Iyung nangyayari; public outrage, that it might result in an ouster, are these things political parties are worried about right now?

SPMBV: Definitely. Kasi kung baga ulit uli iyan. Ang premises magbabago. Kung baga iyong mga planning ninyo, scratch muna lahat iyan at square one ka na naman sa mga plano.

Q: Sabi nila instead of the investigation in the Senate, dalhin na lang sa court?

SPMBV: Hindi namin gagawin ang trabaho namin. Sabi ko nga, kung ayaw mong mag-imbestiga at ayaw mong gawin ang function mo sa Senado, bakit ka tumakbong senador? Alam mo naman na sinabi ng konstitusyon na mag-iimbestiga kayo. Kaya sa mga nagsasabi na bakit ba kayo nag-iimbestiga, kasi ho iyan ang sinabi ng konstitusyon. Iyan ang trabaho namin kaya ginagawa namin.

Q: On FVR

SPMBV: Iyon ay obserbasyon ni FVR at iginagalang ko ang kanyang pananaw. Si FVR bilang dating pangulo at bag-oobserba, hindi natin matatawaran ang kanyang mga pananaw. Hindi natin masasabi na anbg kanyang pananaw ay mali. I'm sure na may nakikita siya ngayon.

Q: On spy cameras installed all over Metro Manila

SPMBV: Nag-aalala ako. Kine-question ko ang timing nito. Bakit ngayon? Bakit natatakot ka ba kaya nagi-spy ka? Ang mga ganitong pangyayari na naglalagay ng mga camera nagpapakita lamang na natatakot ang ating gobyerno. Ito ang mga ingredients, characteristics ng repression na naman. Parang bumabalik na naman tayo sa dati na ipinagbawal natin na mawala na, itong nagbabantay ang state. Syempre ang mga gobyerno na mahilig magbantay sa mga tao, talagang mahilig gumamit ng mga camera iyan. Sa palagay ko ang tanging dahilan nito ay takutin ka na sige ka, huwag kang magra-rally at makikita namin kayo, mare-record namin ang mukha mo. Hindi maganda iyan. Ako ay napapangitan diyan. Parang masasayang naman ang mga pinaghirapan natin noon na pakikipaglaban para sa ating demokrasya.

Q: Time frame for the termination of the ZTE deal investigation? Any particular legislative measure coming out of this investigation?

SPMBV: Number one, time frame is not possible. Kasi kung may lumitaw na isang witness na magsasabi na naman ng iba, iimbestigahan mo na naman iyan. Ipapatawag mo na naman. It's not possible to have a time frame. Pangalawa, mali iyong sinasabi na wala kaming ginawa kundi mag-imbestiga. Noong ako ay maging presidente ng Senado, unang taon ko pa lamang, iyong ipinasa ng Senado ay four times the average number of bills approved. Ngayong taon na ito, first year of the 14th Congress that started in July, nakapagpasa na kami ng 21 panukala. We passed the budget in record time. Last month, nag-usap sa Malacañang ang pangulo, ang mga Cabinet members, ang House of Representatives at Senate at nag-agree kami na siyam ang mahahalagang prayoridad ng ating bansa. Sa siyam na iyan, walo na ang ipinapasa namin. It is wrong to say na itong imbestigasyon na ito nauubos ang oras ng Senado. Ginagawa namin ang imbestigasyon sa patay na oras; morning na wala kaming sesyon o Thursday, Friday na wala kaming sesyon.

Q: Will the Senate have a hand in helping Lozada build a new life?

SPMBV: Yes, we will go out of our way para talagang makatulong kay Mr. Lozada. In fact one of the things na nabanggit kanina ay ito ba ay magbubunga ng legislation dahil this is in aid of legislation? Sasabihin ng iba na wala namang nangyayari diyan. Mali po iyan. Number one, Witness Protection Program. Ang WPP natin a hinahawakan ng DOJ. Paano kung ang witness na hihingi ng proteksyon ay laban sa government o laban sa DOJ? O gaya ni Mr. Lozada na kung tutuusin ay nangangalaga lamang sa $330 million natin? Ibig sabihin siya ay ipapailalim sa WPP ng DOJ? Kaya dapat magkaroon ng pagbabago ang batas natin sa WPP. Paano naman ang mga whistleblowers? Kaya dapat may sariling WPP iyan, separate sa DOJ . Maaring under the Senate. Pangalawa, iyong sa procurement law. Iyong mga batas natin sa pagsasara ng mga deal na ito ay maliwanag na flawed. Maliwanag na masyadong madali na nasasara itong ganitong mga anomalous transaction. Therefore, they must be amended. Iyong nangyari sa airport dapat higpitan natin iyan. Sa akin kapag dinampot ang isang tao sa airport, hindi mo dinaan sa immigration, that should be viewed as kidnapping already. Magpapasa ako ng panukala doon. Sinabi ni Mr. Lozada pinapakinggan ng mga pulis ang usapan sa Senado. Therefore it's very clear na dapat repormahin ang wiretapping law.

Q: Smuggler daw si Speaker de Venecia?

SPMBV: Sa akin, nagakakaroon ng batuhan. Ang pinag-uusapan natin ay ang ZTE deal at kidnapping. Ngayon, iyong ginawa ng isang tao noong siya ay bata ay ibang istorya, ibang kabanata iyon. Kung ano ang ginagawa mo noong bata kay ay hindi naman namin iniimbestigahan iyon. Kung ano man ang ginawa ni Mr. de Venecia noong bata, kung ano man ang ginawa ni Mr. Lozada noong siya ay bata, these are irrelevant insofar as the investigation of ZTE and the kidnapping are concerned.

Q: Magkakaroon yata ng meeting ang UNO, sasama po ba kayo?

SPMBV: Okay naman. Ako naman ay parating imbitado sa mga meeting na iyan kaya lang depende.

Q: Some sectors are proposing for snap elections?

SPMBV: Titingnan muna natin ang constitutionality niyan, unang una bago natin bigyan ng serious thought iyan. Iyan ay isang panukala sa Mababang Kapulungan pero walang nagbibigay ng serious thought diyan dahil alam natin na sa Mababang Kapulungan, hindi lulusot iyan kasi kontrolado ng pangulo ang Mababang Kapulungan.

Q: It's not yet time?

SPMBV: Hindi ko sinsabi na it's not timely. I'm just saying na hindi ako naniniwalang lulusot iyan sa Mababang Kapulungan kaya hindi ko tine-take seriously.

Q: But you would not mind doing it the constitutional way by having the vice president take over?

SPMBV: Sa akin basta Konstitusyon. Kasi magulo kapag hindi.

News Latest News Feed