Press Release
February 27, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero -- 'Double A sa Double B'

Senador, bakit nalamyaan ka sa posisyon ng CBCP?

Kalamya-lamya naman talaga, noong Edsa I lumaban sa gobyerno sa isyu ng pandaraya sa eleksyon, noong Edsa II lumaban ang Simbahan dahil sa katiwalian at korapsyon. Sa kasalukuyang panahon pinagsamang Garci at ZTE ang pinag-uusapan natin, pinag-uusapan natin ang dayaan, pinag-uusapan natin ang katiwalian, may dagdag pa yung pagsisinungaling sa senado at sa taong bayan. Kung hindi pa sapat yun hindo ko alam kung ano ang aantig sa sa damdamin n gating mga bishop kaya nga tingtog ko yung Voltes V baka doon sila matulak.

So hinihintay mo talagang sabihin nila Gloria resign din, magkaiba ba yung sitwasyon noon?

Sa palagay ko sa mga isyung kinakaharap natin, ay oo, at ang nakakalungkot yung hiharap nating isyu noong Edsa I- katiwalian, human rights record at pandaraya sa eleksyon- 22 years after bakit yun pa rin ang hinaharap nating problema- katiwalian, pandaraya sa eleksyon at napakasamang human rights record.

Hindi ba magandang panimula yung panawagan na tanggalin yung EO 464?

Wala na kasi yung EO 464, nagdcide nay un Korte Suprema na yung mga kuwestiyonableng probisyon ng EO 464 ay sinabi nilang hindi na pede yan. Ang ginawa ng Malacanang bilang katugunan ay nag-isyu sila ng MC 108 o Memorandum Circular 108 na ang alam ay halso kinopya yung EO 464.

Non-issue sa ngayon ang EO 464, ang tanong na lang para hindi tayo magdebate kung 108 ba, 464 ba o kuang anong numero yan, ang tanong na lang padadaluhin din ba sa hearing at sa mga kasong isinampa o hindi.

May bagong witness sa senado, si Madriaga paano susukatin ng senado to, hindi ba hearsay?

May bahaging hearsay, may bahaging hindi, pero ganoon dinnaman kay Ginoong Lozada. Ang rules sa hearsay ay simple lang naman na totoo yung sinabi sa kanya o hindi, hearsay yun. Na talagang sinabi sa kanya yun personal knowledge yung. Halimbawa, na sinabi nga daw sa kanya ni leo San Miguel ganito kalaki yung bukol o yung patong, hindi hearsay yun, personal knowledge yun, na sa kanya mismo sinabi ni Leo San Miguel yun, pero kung totoo yung mga pigura at amount na ibinigay at kung nakatanggap ba talaga o hindi, hearsay na yung bahaging yun.

Paano kung i-contest ni Leo San Miguel yun?

Isa lang ang paraan para ma-contest ni Leo San Miguel yun, magpakit siay sa Senado.

Baka siguro may ginawang pagtitimbang at pagsusuri ang mga Obispo kaya ganoon yung desisyon, sa tingin yung isa sa factor ay yung posibleng kahihinatnan natin kung sakaling magresign ang Pangulo?

Possible yun pero gaya nga ng nasabi ko hindi naman kinakailanagng dumating sa puntong umalis ka dyan o patalsikin na yan na ang panawagan ay tulad ng Edsa I at Edsa II pero hindi naman tayo nagkasakitan ah, wala namang nasaktan, pero may may ngipin naman sigurong pananalita kaugnay sa dapat at hindi dapat gawin ng Pangulo at ng gobyerno. Anrinig ko nga na sinasabi ng ilan na nakausap ko walang pinagkaiba yung sinabi ng CBCP kaugnay sa ang Pangulo ang dapat tumigil sa katiwalin sa pamahalaan sa kahilingan natin sa Abu Sayyaf na itigil na ang kidnapping sa lugar nila at sila na ang gumogpo sa kidnapping, mahirap nay un huhulihin mo ang sarili mo.

Pero kung titingnan mo yung kasaysayan hindi naman siya kagaya ng dalawang umalis, eto talaga away umalis� ano man ang panawagan mo hindi pakikinggan talaga�

Ang pagkakaiba siguro, yung unang dalawa ay lalaki, yung Pangulong nakaupo nagyon ay babae, sabi say o mahirap talagang kalaban ang babae. Yung lalaki maas madaling sumuko pag-inaaway na, eh yung babae mas tila hindi bibitiw at ayaw sumuko.

Sa isang radio interview na isinumbong sa kanya gabi bago nagkapirmahan, ngayon iba na yung dating na wala daw siyang sinabi na may anomalya�

Isang araw naman talaga siya bago umalis dahil kinaumagahan pinirmahan na niya. Sang-ayon to sa kuwento ni Sceretary Neri kung inyong maaalala nang siya ay nag-appear sa senado, sinabi ni Neri tinawagan ko ang Pangulo April 20 para sabihin sa kanya Sec may 200 dito, tinanong namin siya anong sabi sa kanya ng Pangulo, doon na sumagot si neri na executive privilege po, hindi ko pedeng sagutin yan, hindi ko pedng ilahad sa inyo ang pinag-usapan namin ng Pangulo, pero ang sinabi ko sa kanya nasabi ko na sa inyo. Ito'y konpirmasyon ng nasabi ni Neri na si Neri rin ang nagsumbong na mayroong lagaya dito sa proyektong ito. Ang sagot ng Pangulo nakakahiya kung hindi ako pupunta, naskakahiya sa ating mag Chinese counterparts kung hindi ako pupunta. Ang problema ko sa statement nay un. Una hindi ba mas nakakahiya sa kanila kung aatrasan mo yung pipirmahan mo, eh di wag mo nang pirmahan. Pangalawa ba't mas concern siya na mapahiya sa mga opisyal ng China hindi ba siya natatakot na mapahiya sa sambayanang Pilipino at pangatlo hindi na ba siya nahiya sa asawa't sa pamilya niya, nasa ICU ang asawa niya iiwanan niya at pupunta siya sa ibang bansa.

Naliwagan ba ba't siya pumunta doon sa testimony ni Madriaga kasi hinihingan ng representation fee na P30 million� kasi pikon na yung Chinese.. not until we see the face of your President�

Alam nyo at alam ko na hindi naman abogado ang Pangulo pero tila appearance fee ang binabanggit ni Ginoong Madriaga na bago bitiwan ang anumang pera dapat makilala at makita ang mukha ng Pangulo.

Hindi ba matagal nyo ng kinukewstyon bakit nandoo ang Pangulo eh ang counterpart nya naman ay hindi naman representative ng gobyerno ng Tsino�

Totoo yun, bakit pa kailangang tumestigo ang Pangulo natin doon� ang bababa talaga (ng ranggo ng mga nakatapat nya doon), ni hindi kilala. Pangalawa bakit niya kailangang pumunta doon habang nasa ospital ang asawa niya iiwanan nya roon para lamang magpunta roon nang balikan. Nagsalita daw siya sa isang forum, ni hindi ko pa naririnig kung anong forum yon, ayaw yata nialng sabihin san nagsalita eh.

At hindi lumulutang ngayon na nawala ang kontrata�

Hindi lumulutang yon dahil ayon kay Madriaga imposible naman walang ibang kopya, totoo naman talaga yon, maramin naman talagang kopya, pero tila sinasabi nila noon na nawawala sa dalawang rason, una hindi pa nila alam kung ibibigay ba nila sa senado o hindi so bumili sila ng oras doon sa kuwentong nawawala. Nang kinagat yung kuwentong nawawala nagkaproblema na sila kung paano ipakita at ipalabas uli. At ang pangalawa siguro kungtalagang nawawala yin mayroong silang opportunity na sabihin na hindi pinirmahan yon ng Pangulo dahil witness ang pirma ng Pangulo doon at kung nawaal at ni-reconstruct doon sa reconstructed contract, wala ng pirma ang Pangulo doon.

Mukhang tagilid daw yung ibang statement ni Madriaga�parang hindi siya maka-corroborate kina Joey at Jun�

Well hindi dahil hindi sila magkakilala, hindi sila nagkasabayan at nagkatagpo dahil daw ang interest ni Joey ay yung kontrata niya, ang interest ni Jun si Neri, ang interest naman niya ay yung ZTE. So hindi talaga sila magkatagpo-tagpo daw.

So si Madriaga hindi siya yung pinupunto na Trojan Horse daw ang dating�.

Hindi ko alam kay senator Lacson at senator Cayetano, sila ang mas may nakakaalam at may transaksiyones sa mga testigo kung saka-sakali. Kung hindi mo napapansin si Senator Lacson ang laging may kakilala o may link sa mga testigo so marahil mas nasa posisyon sila na husgahan yung mga testigo sa bagay nay an.

Kung sakaling bababa yung Pangulo sino daw ang ipapalit nyo?

Depende. Kung bababa ang pangulo at meron pa rin tayong Saligang Batas, ang ikalawang pangulo, ang vice president. Ibig sabihin kung magreresign siya o maiimpeach sya, ang sagot ay automatic sa ayaw mo at sa gusto, si Noli De Castro. Kung magkakagulo, ibig sabihin magkakakudeta o people power, hindi ko rin alam ang sagot at walang kasagutan doon. Depende kung sino o kaninong grupo ang mananaig at sinong personalidad ang itataguyod at katanggap-tanggap sa lahat. Wala nang sagot kung kaguluhan ang magaganap.

News Latest News Feed