Press Release
March 3, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas

On Sec. Neri's claim of executive privilege, to be taken up in oral arguments at the Supreme Court tomorrow:

MAR: Si Secretary Neri ang tumakbo sa Supreme Court, pero pwede siyang pumunta sa Senado, para tapos na. We will be holding another Senate hearing next week, and the ruling may be out by then.

Q: What if EO 464 is removed?

MAR: Then Neri has to show up here, because he's been using EO 464 as reason for not showing up, and there will be no more EO 464 for the Supreme Court to decide. You can not invoke executive privilege before coming here. You have to come here and say "executive privilege." The reason he's saying he's not obliged to show up in the Senate is because of 464, because 464 allows him to not come here because there's no permission from the President.

Q: What will your stance be in tomorrow's oral arguments?

MAR: The oral arguments will be the Senate establishing our right to public information and in effect establishing the parameters for executive privilege. What the Senate will be saying tomorrow is that executive privilege can not be used as part of a coverup for a crime or an illegal activity.

Q: Do you think an investigation on Southrail should push through now?

MAR: I was one of those who filed a Senate resolution to investigate Southrail, in fact I was the first. Para sa akin, nabuksan natin ito, kase maraming sinabi si Lozada tungkol dito sa Southrail, at kung ano man ang matutuklasan dito sa Southrail, magbibigay ng dagdag na katunayan sa mga sinasabi ni Lozada. Pwede naman na simultaneous, basta hindi lamang sapaw-sapaw ang trabaho ng blue ribbon, okey naman iyon. Kung maaalala natin, doon sa ZTE, nagsimula lang ito sa isang witness. Batay doon sa testimonya ng witness, nagkaroon na ng imbitasyon sa ibang mga tao.

Q: Why is it important to investigate this now?

MAR: Unang-una mas malaki ang halaga nitong Southrail. Pangalawa, since nasimulan na ito, maaari na mas malaki ang pinsala natin dito, kase kung mali ang binili, halimbawa sa pagkaunawa ko mali ang gauge ng riles ang binili. Hindi siya makakapag-connect sa Northrail. Para sa akin, prima facie evidence na ito na hindi interes ng bansa ang inatupag dito. Saan ka nakakita na ang riles ng Southrail ay magkaiba sa riles ng Northrail? Ibig sabihin, hindi mo na maico-connect ang dalawa. Hindi 'ata tama ito.

Q: Is this potentially bigger than the NBN controversy?

MAR: Unang-una sa halaga pa lang mas malaki na. Depende sa kung ano ang binili, malaki ang pinsala nito sa atin.

Q: Won't this affect the Senate's other functions, with one investigation after another?

MAR: Hindi naman. Depende naman ito sa staff ng blue ribbon, at sisiguraduhin naman ng blue ribbon na hindi ito magiging overwhelming.

Sa hearings naman ng Supreme Court bukas, gusto natin malaman yung discussions ng NEDA na ang Pangulo mismo, nag-reverse ng kanyang dating position. Ang dati niyang position ay BOT, walang government guarantee, walang utang, at hindi gobyerno ang magiging pangunahing customer. Nasa NEDA minutes ang mga ito. Noong sa Marso 2007, nabaligtad ito. All of a sudden, government project, government guarantee, government utang at ang government ang gagamit nito. Kaya ang hinihingi natin sa NEDA ay ang official minutes na ito, kase katunayan nito na talagang may nangyari. May pagbabaligtad sa government policy. Ang hinihingi natin, ano ang nangyari? How many reasons, ano ang mga dahilan kung bakit bumaligtad ang NEDA policy?

Q: What do you think of the new NEDA guidelines that would restrict public access to its documents?

MAR: Palagay ko continuing coverup ito, dahilan sa public naman ito, desisyon ng mga matataas na opisyales tungkol sa ating pag-uutang ng $329 million na project. Sa isang meeting sasabihin nila na ganito, tapos sa susunod na meeting sasabihin yung kabaligtaran. Paano tayo magkakaroon ng pagtiwala sa mga desisyon nila, sa mga uutangin nila, sa mga aaprubahang project nila kung hindi nila maipakita ang mga dahilan kung bakit inaprubahan nila ito?

On calls for the President to resign:

Q: People are saying some do not want the President to resign because of their ambitions for 2010.

MAR: Hindi ko iniisip iyon. Para sa Konstitusyon ako, hindi sa indibidwal, hindi sa personalidad, dapat umiral ang Saligang Batas sa atin. Kung dumating tayo doon, kung na-impeach, kung nag-resign ang Pangulo, doon ako sa Saligang Batas. Ang Saligang Batas lamang ang siyang nagse-separate sa atin sa anarkiya.

Desisyon naman ng Pangulo na hindi mag-resign. Alam ko naman na hindi niya gagawin, so doon na lang ako magco-concentrate sa paghanap ng mga korapsyon na dapat itigil.

On the recent Pulse Asia Survey putting Sen. Roxas's trust rating at 60%:

MAR: Hindi ko naman nakita ang survey na iyan, basta alam ko, nasa 60% ang may tiwala kay Mr. Palengke. Anim sa bawat sampu ang nananatiling may tiwala kay Mr. Palengke.

News Latest News Feed