Press Release
March 4, 2008

Transcript of interview at the Supreme Court
with Senate President Manny Villar

Q: Ano ang masasabi ninyo sa sinabi ng mga justices na ang executive privilege ay hindi puwedeng i-invoke kapag ang sangkot ay public documents?

SPMBV: Sa tingin ko so far, maganda naman ang takbo dito. Maraming lumalabas na mga paliwanag na talaga namang nagpapakita na hindi dapat abusuhin itong executive privilege. Mahalaga pa rin ang kapakanan ng bayan. Dapat pa ring malaman ng bayan ang mga nangyayari lalong-lalo na kung ito ay anomalya o may kinalaman sa kapakanan ng bansa.

Q: Kung sakaling matatapos ito, agad n'yo bang ipapaaresto si Sec. Neri?

SPMBV: Ganoon iyon. Unless merong pipigil sa amin o unless sasabihin sa amin ng Supreme Court na huwag gawin iyon, kami at the early possible time ay ibabalik namin ang arrest order for Secretary Neri. I hope ma-realize ni Secretary Neri na kailangan na siyang sumunod sa Supreme Court dahil ito na ang nagsalita. Hindi naman kami nakakatakot sa Senado. Tatanungin lamang namin siya ng kanyang mga nalalaman. Wala namang masama doon.

Q: Ano pa ang ibang nangyari dito na nakita ninyo?

SPMBV: Naglalabasan talaga ang mga arguments. Mabuti na rin iyan para naman iyong mga issues, iyong mga arguments na bini-bring up ng mga justices ay naririnig naman ng kabilang panig nang sa ganoon sila naman ay kahit paano parang napapagsabihan na hindi naman dapat abusuhin iyong executive privilege.

Q: Payag po ba kayo sa snap elections?

SPMBV: Sa akin, mahalaga sa ngayon na sundin ang Konstitusyon muna. Sa akin naman kung mag-decide ang pangulo, meron namang papalit.

Q: Hindi kayo payag sa unconstitutional?

SPMBV: Meron namang papalit sa constitutional kung mag-decide ang presidente. Ano ang problema doon, hindi ba? Nandoon naman ang vice president. Kung umalis ang pangulo, papalit naman siya.

Q: In favor kayo na si VP ang papalit?

SPMBV: Siya kasi ang No. 2. Wala akong nakikitang masama doon. Inihalal naman siya ng bayan. Mahirap naman na maging complicated ang issue na ito samantalang maliwanag sa Constitution kung sino ang papalit kapag nag-resign ang pangulo.

Q: After ng argument na ito, ano ang pinaplano ng Senate?

SPMBV: Interesado ako dito para malaman na namin kung magiging witness namin si Secretary Neri. Kasi siyempre interesado na rin kaming marinig iyong kanyang sasabihin sa lalong madaling panahon.

Q: May mga ibang witness pa ho ba?

SPMBV: Maaaring may iba pa ngunit mahalaga sa amin ang sasabihin ni Secretary Neri. At hindi lamang iyon, mahalaga sa amin na malaman na namin talaga ang limitasyon ng paggamit ng executive privilege ng Malacañang. At malaman na rin naming ang extent ng aming karapatan na mag-issue ng arrest order o ng subpoena.

Q: Kung sakaling hindi i-grant ng Malacañang ang request ng CBCP on EO 464?

SPMBV: Hindi ko nga malaman kung bakit pinipigilan ng Malacañang ang kanyang mga opisyal na magpaliwanag sa ating mga mamamayan ng mga bagay-bagay lalo na sa korapsyon. Iyong pagpapaliwanag sa mga anomalya, hindi ko malaman kung bakit pinipigil ng Malacañang ang mga ito na magpaliwanag ng kanilang panig sa mga akusasyon ng anomalya.

Q: Sabi nila may iba pang executive privilege, kahit wala nang EO 464...

SPMBV: Narinig natin kanina sa pagtatanong ng mga justices na konti lamang talaga ang pagkakataon na magagamit ang executive privilege.

Q: May we get your reaction on Atty. Bautista's argument earlier, he mentioned na the Senate is dominating the executive branch. He accused the Senate of legislative tyranny.

SPMBV: Wala nga kaming makuhang witness. Nakita mo naman noong inisyuhan ko ng subpoena ang mga pulis, hindi lahat dumating. Hindi ko malaman kung paanong tyranny matatawag iyon. Sa aking palagay, dapat talaga naman na ipaliwanag ng mga opisyal ang kanilang papel sa anumang anomalya. Dapat naman i-encourage din sila ng Malacañang na magpaliwanag ng kanilang panig. Hindi dapat pigilan. Hindi ko nga malaman kung bakit nagiging malaking issue ito samantalang sa tingin ko, Malacañang ang unang-unang dapat magsabi sa kanyang mga opisyal na magpaliwanag sa mga anomalya.

Q: Why is that sir?

SPMBV: Sa palagay ko may itinatago lamang. Iyon lamang naman ang magiging conclusion natin dito sapagkat wala naman kaming gagawin kundi tanungin lamang ang mga opisyal. Wala naman kaming iba pang pakay.

Q: How crucial is this oral argument for the Senate?

SPMBV: Very crucial ito dahil marami pang pangyayari na ganito sa darating na panahon. Marami pa akong nakikita na mauulit ito. Number 1, mahalaga ito for Secretary Neri dahil kailangan naming marinig ang sasabihin ni Secretary Neri. Pangalawa, marami pa kasing imbestigasyon na darating. Mahalaga na malaman na namin kung ano ang limitasyon ng aming kapangyarihan dito at ano naman ang limitasyon ng Malacañang din sa paggamit ng executive privilege o pagbabawal sa kanyang mga opisyal na magpaliwanag sa mga issues na hinaharap ng Executive lalong-lalo na iyong mga anomalous transactions.

Q: Itong arguments, general ba ito o exclusive sa EO 464?

SPMBV: Baka i-cover na nito ang executive privilege, arrest order, subpoena. Mahalaga na rin na hangga't maari sana makumpleto na nang sa ganoon ay maging maluwag sa amin ang pagi-issue ng mga ganitong bagay. Ang hangarin lamang namin talaga ay magsalita ang mga opisyales natin ng kanilang nalalaman sa mga anomalya.

News Latest News Feed