Press Release
March 24, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on DZBB (excerpts)

On the rice situation:

Q: The rice shortage is said to be like the current oil shortage, which is due to circumstances abroad, and something we couldn't help.

MAR: Hindi po tama iyan, dahilan sa langis, 100% ay ini-import natin, inaangkat natin, kase wala talaga tayong langis dito. Pero ang bigas, ang palay, dito mismo tinatanim. Ngunit palaki ng palaki ang ating ini-import, kaya ang sinasabi natin, sa laki ng ginagastos natin sa agriculture, sa irrigation at sa iba pa, bakit pakonti ng pakonti ang ating self-sufficiency? Palaki ng palaki ang ating kinakailangan na pag-angkat ng bigas.

Mas mabuti na magpakatotoo ang gobyerno, sabihin kung mayroong problema tayo, at kung ano ang gagawin nating sakripisyo na hihilingin ng gobyerno sa bawat isa. Mas lalala ang problema kung sasabihin ng gobyerno na wala tayong problema. Kung dededmahin nila ito, tataas ng tataas ang presyo ng bigas, magtataka si Juan de la Cruz, bakit nagmamahal ito kung wala tayong problema. Samantala naghihigpit ang supply sa pandaigdigang pamilihan, at hindi tayo makabili ng sapat na bigas na aangkatin natin.

Q: May magagawa ba ang kahit anong administrayon kung ang problema na ito ay nasa labas at hindi dito?

MAR: Ang ugat ng problema ay nandito sa atin, hindi sa labas. Tayo po ay nagtatanim ng ating sariling palay. Ang lupain natin ang siyang ginagamit sa pagsasaka nitong palay. Kung kulang ang supply, kailangan na ang gobyerno, sa pamamagitan ng NFA, ng DA, ng National Irrigation Administration, ang siyang magbibigay ng lunas o solusyon dito sa kakulangan na ito. Ang problema ay dinadaan nila sa propaganda, sasabihin na kulang sa labas, e hindi naman tayo dapat kumuha sa labas, rice self-sufficiency tayo e.

Kung sinasabi na ang problema ay nasa labas, inaamin na ba ng gobyerno na hindi na natin kayang tugunan ang ating pangangailangan ng ating bigas? Inaamin na ba ng gobyerno na ang policy nila ay gawing mas mahal ang bigas? Kung sasabihin ng gobyerno na wala tayong problema, walang shortage, pero tataas ang presyo ng bigas, ano ang ibig sabihin n'on? Ibig sabihin ay policy na ng gobyerno na pataasin, gawing mas mahal ang bigas.

Q: Your fellow senator Loren Legarda said the situation may lead to political unrest.

MAR: Kayo mismo nagsabi na pagdating sa bigas ay sikmura na ang pinag-usapan diyan, at sa ganoong kadahilanan, talaga namang malaki ang problemang ito. Kaya mas mabuti na harapin natin kung may problema tayo kaysa sa dedmahin natin ito o takpan natin ang ating mga mata at sabihing wala tayong problema.

News Latest News Feed